awa o paghanga?
Madalas nating nakikita o napapanood sa mga palabas kung ano ang papael ng isang puta sa ating komunidad! putang nagwawasak ng isang pamilya, putang walang dangal, putang masama,. at putang makasalanan!
Sa tulang ito,
Pagkamangha, awa at galit ang aking naramdaman ng mabasa ko ang tulang ito!
Pagkamangha na kung saan binigyan nito ng bagong mukha at bagong kahulugan ang isang puta! Putang may dahilan., putang, nagaasam, at putang may kadakilaan.
Awa at galit na kung saan, ang mga tulad nila (puta) ay kabahagi ng isang mundong mapagkunwari at binabalot ng mga taong mapanghusga, taong nagkukubli sa kani kanilang mga kasalanan mapagtakpan lang ang kanilang kaputahan!
Sa tulang ito, nakaakibat ang isang mensahe na kung saan ang panghuhusga sa kapwa ay walang magandang maidudulot tanging pagkakasala lang ang matatamo!
Base sa aking karanasan, hindi maikakaila, na ang sexual orientation ko ay iba! Ako ay isang GAY or BAKLA! Madalas akong tampulan ng mga biro at kwento. Naalala ko pa nga nung unang taon ko sa kolehiyo, may isa akong kaklase na lalaki, na walang ginawa kundi sigawan ako ng " bakla, bakla, bakla!. Ewan ko ba dun sa kakalase kong yun, iba ang trip. Nung una hindi ko pinapansin pero nung sa kalaunan hind ko na natiis, pinagasabihan ko sya ng bonggang bonga, at ito ang aking linya: " what is the essence of being a man, if your brain is empty?" promise sinabi ko yun! Nung masabi ko sa kanya yun, nakaramdam ako ng takot, baka kasi jombagin nya ako! Awa namn ng diyos hindi. At mula noon hindi nya ako tinukso!
Ngayon, pag may tumutukso sa akin o minamaliit ang aking kakayahan dakil sa pag katao ko, iinisip ko na lang, bahala na ang diyos sa kanila at sabay sa bi ng linyang, " I can do what men can do, and sometimes I can do better what women can do, So if , this is the man and this is the woman, put them together that's me, IM HOMESEXUAL!
Ang aral na nakuha ko sa tulang ito, lahat tayo may kapintasan at kahinaan na hindi hadlang upang makamtan mo ang mga pangarap na iyong inaasam-asam.
Lahat ng hindi ko kailangang malaman, natutunan ko sa pelikulang FOR ADULTS ONLY! Likha ni: JOSE F. LACABA
Marumi ang pulitiko, pero malinis ang budhing puta.
Ipokrito ang pari, pero may ginintuang puso
ang puta.
Nagpapaaral ng kapatid na magppaari
ang puta.
Namumutiktik sa putang ina at anak ng puta ang malaswang bibig
ng puta.
Nalululong sa droga ang anak
ng puta.
Ayaw ng putang ina na ang anak nyang babae'y masadlak
sa pagpuputa.
Ang unag luto ng Diyos ay ipinatitikim
ng puta.
Bukas ang simbahan kahit madaling-araw tuwing magdadasal
ang puta.
Nagbubulungan ang mga manang na nakasalubong
ng puta.
Ginahasa ng tiyuhin ang puta kung kaya siya
nagputa.
Tulak ng kahirapan kung kaya nagputa
ang puta.
Hindi nagpapahalik sa labi
ang puta.
Kapwa puta ang mga kabarkada
ng puta.
Magandang lalaki ang nag-aalay ng tapat na pag-ibig
sa puta.
Masungit ang ina ng magandang lalaki ang nagaalok ng pera
para lumayo
ang puta.
Kung binabaril ang bidang lalaki, yumayakap at tinatamaan
ang puta.
Tanging kamatayan ang tutubos at magpapatawad sa kaputahan
ng puta.
Sigaw ng puta: Pare-pareho namnan tayong puta!
Tell us more about where those feelings come from
and how the poem was able to strike these emotions in you -- you may want to share with us how your beliefs and values changed with your reading or how you gained deeper insight into life with your encuounter with the work.
magandang araw!
sir, c vergel brimon po ito! thank u so much po sa lahat ! ingat po lagi kayo! sana po patuloy nyo paring basahin ang mga blog at tulang gagawin ko! :)



nice!
hehehe kala ko puro puta lng! kala ko ngmumura lng un pla binigyan pa ng ibang meaning o way ng pagsbi ng puta heheheh! nce job kung cnu man gumwa n2! more powers :))