Hi at Hello
kamusta
ka na?
kinakausap ba kita o
ako itong nagtatanong baka
sakaling tanungin mo rin kung
ako'y ok pa o di kaya'y
kagaya lang ng tanong kong
kamusta
ka na?
humihinga ka pa ba?
hinahawakan ba kita o
ako itong bumubulong baka
sakaling ibaling mo
ang iyong tingin minsan
sa akin.
kulang pa ba?
ang hilingin sa mga tala
ang minsan, ang minsan lang naman
na ikaw ay makita
mahawakan at kung kamusta ka na?
ha? hindi kita kilala
kinakausap ba kita o
ikaw itong nananaginip
binabangungot
nalalasing at hindi na magising.
humihinga ka pa ba?
mukha mo ay pulang pula
o sya iwan na muna kita
sapagkat ako'y may kikitain
yayakapin
sisipingan pang iba.
para sa madalas na pagtatagpo at paghihiwalay ng ating mga sarili
tenk u
tenk you pmel!
apir!
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
okat to ah!
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Bilib ako sa mga idea mo.... iba talaga kapag isangsakong tubig...
jonsdmur
salamat jon
salamat jon sa paglaan ng oras basahin 'to at na-appreciate mo pa.
apir!
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
wala yon! kaw pa...
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
unang post mo nagandahan na ako.... okay ka naman eh.... bait bait mo rin sa personal ihihhihihi
Godbless!
jons
MAGALING
ang galing ng idea tama parang telephone cord nga.
natry mo na rin bang magsend ng text message sa sarili mo?
pero galing talga nito.
vima
hahaha
madalas ko pa rin ginagawa yan ngayon, yung itext yung sarili, minsan kasi paranoid ako baka wala lang talaga signal kaya hindi ko natatanggap ang mga text sakin buong araw, may sira ang network, at iba pang mga kapraningang dahilan o wala lang talagang nakaalalang magtext hahaha kaya yun tsinetsek ko pero yun madalas sa madalas natatanggap ko rin yung sarili kong text, segundo lang ang pagitan, hahahaha!
salamat inday bulate!
apir!
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
di ko pa nasubukan ang mag text sa sarili
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
balance inquiry lang.. para kunwari may nagtetext sa akin... masubukan nga.... all text naman ako lagi heheheh
Gandang araw inday bulate at isangsakong....
Godbless!
jons
hahaha
gawain ko din talga ang kausapin ang sarili ko per minsan kung di ako kuntento tinetext ko.
pero magandang kausapin ang sarili kung nagsusulat ka kasi ramdam mo ang conversation.ako kasi nahihirapan gumawa ng dialog sa mga sinusulat ko kaya nakikipag-usap ako sa sarili ko.
maayong aga man sa imo manong jon.
vima
nabasa ko
nabasa ko lang hindi ko na rin matandaan kung saan pero therapeutic daw na kausapin ang sarili paminsanminsan, hehehe wag lang madalas, at mas lalong wag malakas, at mas lalong wag sa maraming tao hahaha!
kung ang tao ay nakikipag-usap sa Diyos sya ay nagdarasal, but when God talks to him- then thats schizophrenia! (nabasa ko lang din)
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
opo tatandaan ko
sige lagi kong tatandaan hahaha.pero aware naman ako na kinakusap ko sarili ko.minsan kasi wala lang ding makausap...gusto ko nga rin makipagtrismisan kaso thai salita nila dito hahaha.
magandang araw sa lahat!
vima
hahaha
sige i-hi mo nalang din kami sa lahat ng mga taga thailand!
khaawR haiF yuuL yenM bpenM sookL ! (ginoogle ko pa yan-best wishes daw yan wala daw kasing magandang araw na translation hahaha.)
teyk ker!
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
sige
sige.
effort ha?
ok ito na lang yung hello/hi sa thai
sawasdee kha (greet mo kung babae ka)
sawasdee kap (greet mo kung lalaki ka)
vima
sige tatandaan ko yan
anu bang naaalala ko kapag thailand, ah yung indie movie na love of siam hahaha, gusto ko yun.
paborito kong quote dun:
Life always gives us the opportunity to start over after we learn from our mistakes." - June
tsaka yung:
I can't be your boyfriend, but it doesn't mean that I don't love you.
mabuhay ang mga taga thailand!
horey!
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
di ko
di ko pa napanuod yan pero sige try ko maghanap nian dito. ako yung napanuod kong thai film sa pinas pa ako yung JAN DARA at LEGEND OF SURIYOTHAI. nagandahan ako sa jan dara...
vima
napanuod ko na ang jan dara
mahanap nga yang the legend of suriyothai.
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
ano sa tingin mo?
ano sa tingin mo? ok ba sa yo?
vima
nagandahan din ako
sa Jan Dara parang gusto mong ampunin si Jan sa simula hahaha mejo na distract lang ako sa dami ng sex scenes hahaha.
apir!
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
totoo
nalungkot ako talga sa buhay niya...hahaha oo film showing ko nga napanuod kaya pagkatapos buong araw namin pinag-usapan di lang si jan pati yung mga scenes na yun hahaha.
pero ayos pati yung ending.
vima






Ganda! :)
It looks like a telephone cord or a dna strip.
Ang cute ng dating. :3