Hi… Jay K. Lim (1)

pAt Lang's picture
| |

“t*ng *n* m* pala e!”, sabay sapak ni Kat kay Jay. Sa harap ng Fine Arts students, napahiya si Jay. Sinapak sya ng isang babae.

Isang away na akala ni Kat ay wala lang, hanggang dun lang. Madali din sya mapapatawad ni Jay. Akala ni Kat, isang sorry lang, sapat na. Kasi maliit na away lang naman yun. Dahil lang sa pagreretype ng written report. Kaya mag-uusap at mag-uusap din sila. Magkakapatawaran.

“Kaya nga. Ganyan nga yan si Jay!”, sabay tawa pa. Matagal bago nya napansin na di sya kinikikibo ni Jay. Di na rin sya nagtaka. Kaya di nya na rin kinikibo.

Hanggang sa dumating ang araw, linggo, buwan…. Di sila nag-uusap kahit na magkasama sila sa isang grupo. Parang di sila magkakilala. Kahit ang lahat ay nagpapaalaman na tuwing uwian. Sila, wala lang. wala pa ring kibuan.

Walang nakaka-alam na magkaaway sila. Pwera na lang sa mga nagbabasa ng blog ni Kat. Sa kanilang pitong magtotropa. Walang pumapansin about dun. Kasi, magkasama pa rin sila sa isang grupo.

Di pa rin nag-attempt na magsorry si Kat. Pakiramdam nya, sya ang ginawan ng kasalanan. Kaya dapat si Jay ang magsorry. Parehas lang naman silang naghihintayan ng sorry.

Natapos ang second sem, nagbakasyon at nag-enrollment na ulit para sa panibagong sem. Pero sila, wala pa ring pagbabago. Para pa rin silang di magkakilala.

Dahil sa naiilang na si Kat, sya na gumawa ng paraan para magsorry. Paraan sa tulong ng friendster. Nagdadalawang isip pa rin sya kung isesend nya ang tatlong salita na di nya masabi sa personal. Hanggang sa nasend nya na pala.

>sori na poh??

Hanggang sa dumating na ulit ang lunes, di pa rin sila nagpapansinan. Pati martes at miyerkules. Saka lang naisipan ni Kat na buksan ang friendster account nya kinagabihan. Tinignan nya ang Messages. At nakita nga nya na may message si Jay sa kanya:


Subject: Re: wui...

Message: nyek! tagal na kita pinatawad..and wala na un..promise..xenxa kung medyo di kita kinikibo,,dont worry di ako galit sau,,

basta learn from your mistake..and wag ka papatalo sa galit!..

remember...

"hate the sin, not the sinner!" hehe..

ipeace! ipeace!

bAd kAt! wrote:

> sori n poh??...

Tuwang-tuwa si Kat. Wala na syang iisiping kaaway. Wala na syang kaaway.

Pero…..

(itutuloy….)

patLang