Hi… Jay K. Lim (2)
Dumating ang huwebes, nagtaka si Kat, bakit di pa rin sya kinikibo ni Jay. Inisip nya na lang na baka naiilang pa. Darating din na mag-uusap sila ulit.
Habang nagdodrawing ng plate sa major subject nila, hindi madrawing ni Jenny ang isang thread sa plate nila kaya humingi sya ng tulong kay Jay. Magkatabi si Kat at Jenny. At umupo si Jay sa upuan ni Jenny. Kaya magkatabi si Jay at Kat. Nagdodrawing. Walang pansinan. Busy.
Pero nagtaka si Kat, “Sinong may pambura jan??? pahiram naman!” tanong ni Jay. Kahit ang pambura ay nasa lamesa na ni Kat, di pa rin humiram si Jay. Inisip na lang ni Kat na baka nahihiya manghiram sa kanya si Jay. Nahihiya rin naman sya na ipahiram ang pambura nya kay Jay dahil baka di nito tanggapin.
Pero lalong nagtaka si Kat, nung nanghihiram ulit si Jay ng pambura, iniabot ni Jenny ang pambura ni Kat kay Jay. “kanino to?”, tanong ni Jay kay Jenny. “Kay Kat”, sabi ni Jenny. “ay..wag na lang” ang daling sambit ni Jay kay Jenny. Sa oras na yun, naguguluhan na si Kat. “Akala ko ba ok na kami…e bakit ayaw nyang gamitin ang pambura ko???”, tanong ni Kat sa sarili habang nagdodrawing.
Na-ulit pa yun, kahit di lang sa pambura. Kahit sa pagkain, sa papel, at sa sagot sa exam, basta galing kay Kat, di tinatanggap ni Jay.
Sa isang group project nila, silang pito na ang nagkontrata na sila ang magkakagroup. At sa bahay nila Marl sila gagawa.
Sa kwarto ni Marl sila gumagawa dahil nandun ang computer ni Marl kaya sarap na sarap sa paghiga si Jay sa kama ni Marl. Hanggang sa makatulog na nga ito. Naiinggit si Kat kasi inaantok din sya sa ginagawa nila. Kaya nung bumangon si Jay, si Kat naman ang humiga sa kama. Naalala ni kat na wala nga pala sya sa bahay nila kaya umupo na lang sya. At magkatabi sila ni Jay sa kama. Walang imikan. Nakikinig sa pinag-uusapan nila kuya Blue kahit di nya naiintindihan. Dahil ang nasa isip nya ay ang katabi nya, si Jay.
Magkatabi lang sila, pero parang napakalayo nila sa isa’t isa.
Matapos ang project nila, nagpicturan sila sa loob at labas ng bahay nila Marl. Naglibot din sila sa subdivision. Palibhasa, magkakalayo ang mga bahay nila sa isa’t isa. Si Kat at Marie ay sa Cavite, si Marl sa Laguna, si Blue at Riz sa Makati, si Jay sa Q.C. at si Jenny sa Las Pinas, kaya todo arteng tour guide si Marl sa kanila..
Ilang linggo na rin ang lumipas, Napansin ni Kat na ang tagal na syang di kinikibo ni Jay. Na tuwing tinatry nyang kausapin ito, parang wala sya. Kaya nagtataka pa rin si Kat kung ano ba talaga ang problema. Di naman nya matanong si Jay dahil sa pride nya. Dahil sa takot na baka lalo syang magmukhang tanga pag sinubukan nyang tanungin si Jay sa nangyayari sa kanila. Kaya sa blog na lang nya sa Multiply sya naglalabas ng sama ng loob. Bagay na napansin na sa tropa nila.
Dahil sa laging binabasa ni Marie ang blog ni Kat,na-open na sa kanilang anim kung bakit di sila nagpapansinan ni Jay. Sa mga oras na yun, wala si Jay. May ka-date. Kaya si Kat ang tinatanong nila.
“Nabasa ko nga yun sa blog ni Kat e…matagal na yun Kat a. San ba kasi nagsimula yang away nyo???” pag-uusisa ni Marie.
“Dahil nga dun sa written report natin kay Sir Roxas, kasi nga di ba ako yung pinapa retype nila ni Kuya Blue tapos sya lang magpriprint, unfair kasi. Ang dami kaya nun!Tas dami pa nating plates nun saka magfafinals na yun kaya ayun, stress siguro, uminit ang ulo ko, nasapak ko sya ” kwento ni Kat sa kanila.
“Diyos ko naman. Ang tagal na nun a. hanggang ngayon di pa rin kayo nag-uusap dahil lang dun?” tanong ni Jenny.
“Ewan ko sa kanya. Basta nagsorry na ko sa kanya sa friendster nung June 22. Tas pagdating dito sa iskul, nagtaka na lang ako, di nya pa rin ako kinakausap, hanggang ngayon”
“kausapin mo kasi sa personal” sabi ni kuya Blue.
“Pero ilang beses ko na nga sya sinubukang kausapin kuya. Nagmumukhang tanga lang naman ako kasi di nya ko pinapansin” tugon ni Kat.
“Hayaan mo muna. Pag-isipin mo muna. Kaya siguro kasi dati di ba lagi kayong nag-aaway. Lagi mong pinagbibintangan pag nawawala yung gamit mo” sabi ni Marl.
“kahit tayo yung nagtatago talaga. Hehe” sabi nila Kuya Blue at Kuya Riz.
Siguro nga, kailangan nya na muna mag-isip.
Pero, habang dumadating pa ang mga araw, iba na yung nararamdaman ni Kat. Naiinis na sya lalo. Mula pagtulog hanggang paggising. Mula sa bus hanggang sa iskul. Lagi nya naiisip si Jay. Lalo syang naiinis. Lalo syang nagtataka kung bakit ayaw na mawala ni Jay sa isip nya.
sLmat... ahm...bkt d Q po
sLmat...
ahm...bkt d Q po mkta ung 6 ng 'jealous ako'....
hek....
tgnan mu n lng sa tracks
tgnan mu n lng sa tracks ku.. dun mu mkkita..
d ko rin alm kung bk8..gnun eh..
geh slamat sa pgbbsa nun..
tc




ntay ko part 3
ntay ko part 3