Hi… Jay K. Lim (3)

pAt Lang's picture
| |

Di na mapigilan ni Kat na titigan minsan si Jay. Matagal din bago nya mapansin na lagi nya pinupuna ang ginagawa nito.

Dumating ang araw, gabi, kahit sa c.r. at sa tapat ng t.v. naiisip nya si Jay. Habang nagdodrawing, kumakain, nagshoshopping, nangongopya ng assignment, si Jay pa rin ang naiisip nya. Nababaliw na sya. Di na nya magawa minsan ng maayos ang mga gawain nya sa kakaisip nya ng dahilan kung bakit di pa rin sya kinkibo nito.

“Oy Kat! Hanggang ngayon ba naman di pa rin kayo nag-uusap nyang best friend mo??” tanong ni Jenny kay Kat.

“Sinong best friend?”

”Si Jay…mamaya kayo pala magkatuluyan..hehe”loko ni jenny kay Kat.

at dali syang sumagot,”Ewan ko sayo Jenny! Gumagawa ka na naman ng kwento. Di ko sya best friend no…best enemy ata dapat hehe…saka baka kayo nga dyan magkatuluyan. Super close kasi kayo”

”Ano ka ba…ate nya lang ako no. parang kapatid ko lang yun”.

Simula lang dun sa kwentuhan nilang yun, nagstart na rin si Jenny at kuya Blue na asarin si Kat kay Jay.

“Di ba nagluto pa nga tayo ng pansit canton kila Blue. Sinu-sino nga ba tayo non?”, tanong ni Jay at sinagot din nya ang tanong nya,” si Jeff, si Rie, si Riz…”,”Saka si Kat!Uuuuuy!!!!!!!!!” Hiyawan nila Kuya Blue. Natutungo na lang si Kat at namumula mula sa kanyang kinauupuan.

“Marie, pakisingil naman si Jay para sa Xerox”, nahihiyang suyo ni Kat. Hanggang sa paniningil sa Xerox ng lecture nila di nya pa rin malapitan si Jay.

Sa Physics Lab. humingi ng favor si kuya Blue kay Kat para sa crush nila ni Jay. School mate kasi nung elementary ni Kat yung crush nila Jay na tinatawag nilang Haley. Kamukha daw kasi ng vocalist ng Paramore.

eeh!!! Ayoko nga! Mamya ano pa isipin non kung magkasabay kami”,

”Sige na!” pangungulit ni kuya Blue,”hingin mo na yung number. Please???”,

“May asawa ka na e! Sumbong kita kay ate Madel”

”Si Jay kaya yung nagpapakuha”.

Napaisip si Kat, tumingin sya kay Jay. Nakangiti si Jay na parang kinikilig habang nakatingin sa kanila. Naisip nya na baka pagginawa nya yun, kausapin ulit sya ni Jay. Babalik yung dati nilang pagkakaibigan..

“Sige wag na!” ang naiinis na sabi ni kuya blue.

”Oo na nga! Kukunin ko na!”

”wag na! ikaw pag si Jay oo ka kagad no!Wag na!”

“talaga!”.

Oo nga naman. Bakit nga ba? Dahil lang ba sa gusto nya makausap na si Jay ulit kaya yung nalaman nya na si Jay ang nagpapakuha, oo kagad sya?

Pakiramdam ni Kat nung hindi nya nakuha ang number nung crush ni Jay, wala na ulit. Magpapatuloy na ulit na hindi sila magpansinan.

“Aaaah!!!! Naiinis ako sayo Kat! Naiinis ako sayo!” sabay untog ng ulo sa pader ng banyo. “Bakit ba ayaw na mawala sa isip ko nung O.T. na yun…nakakainis…namimis ko syang tawaging O.T.(as in “autistic”) bakit ba sya na lang lagi naiisip ko?!” tanong ni Kat sa sarili.

Sobrang gusto na nya kausapin si Jay. Pero, parang ayaw pa rin ng pagkakataon o sadyang sila lang ang di gumagawa ng paraan para mangyari yun?

“Haay…bakit kaya may mga tao DYAN na magkasama pero parang di magkakilala no?” sabay tingin kay Kat at Jay ni Jenny. Nilapitan ni jenny si Kat at pumunta sila sa c.r.

“Ano ba? Hanggang ngayon ba naman?”

“Wag mo na ipilit. Bahala na sya dun. Kung ayaw nya ko kausapin, e di wag. Basta nagsorry na ko sa kanya”

”ewan ko sa inyo! Lagi tayong magkakasama tas ganyan kayong dalawa”

Laging sinasabi ni Kat na wala na syang pakialam kung di sila mag-usap ni Jay kahit kelan. Pero, deep inside, gusto nya na makausap ulit si jay. Iba na kasi ang nararamdaman nya. At ayaw nyang matuloy yun.

First year palang kasi sila, crush nya na nga talaga si Jay. Sino ba naman kasi ang hindi. Gwapo na, mabait pa. May pagkabastos lang talaga minsan. At kahit gano kadumi yung suot nya, mukha pa rin syang malinis. Parehas sila ng trip ni Kat kaya lagi silang nagkakasundo. Sa music, sa porma, sa mga pala-palagay sa mga tao sa paligid nila. Mga kwentuhan nilang minsan bastos, pero mamaya lang, may sense na.

At yun ang namimis ni Kat.

“ah! Nakakainis tlaga yan si Jay!” sigaw ni Jenny. “puso mo. Nakastapler lang yan” sabi ni Marie.”hmm? Bakit? Magka-away kayo ni Jay? Ano nangyari?” pag-uusisa ni Kat. “akala kasi nya sa lahat ng oras pwedeng makipagbiruan. Bad trip na nga ko sa kanya kahapon lalo nya pang pinainit ulo ko!” galit na galit si jenny. At ang rason…” yung payong ko kasi kinuha nya! E pano kung umulan? E di wala akong payong! Tas yung isa pa nilagyan yung bag ko ng malaking bato! Kung di ba naman isip bata di ba! Nakakainis!”

Di alam ni Kat kung matutuwa sya na silang dalawa na ni Jenny ang di makikipag-usap kay Jay. Si Jenny, na malapit kay Jay. Na ngayon, asar na asar kay Jay.

“nagtext si Jay”,bulong ni Jenny habang nagkakalase sila sa Calculus.

” Ano sabi?” usisa ni Kat.

“nagsosorry”

”anong reply mo?”

”wala. Bahala sya. Gusto ko marealize nya na muna na minsan mali ang ginagawa nya” asar na kwento ni Jenny.

”hmm…Landi mo!”

”he! Saglit lang yun. Mag-uusap at mag-uusap din kami nun.di ako matitiis non. E kayo, hanggang kelan yang LQ nyo?”

“ewan”.

Monday, nanlibre si Kat ng pizza. Habang hinihintay ang pizza, pinagkwekwentuhan ng ‘Charlie’s Angels’ si Jay.

“kinausap ko nga si jay nung Friday, sabi ko kausapin ka. Bago tumagal yang away nyo. Sabi ko baka matulad yung sa kanila ni Kat. Kung ayaw nya kako mangyari yun, kausapin ka, sabi nya nga kakausapin ka din daw nya” habang sinasabi ni Marie yun kay Jenny, napapaisip si Kat. “wala ba talagang paki-alam tong mga to sa’kin? Bakit yung kay Jenny at jay, parang sobrang laki ng away nila at ganito ang usapan? Tas tong Jay na to, basta si jenny, sorry kagad. Ako, di nya ko kayang patawarin kahit sabihin nya na matagal na nya kong pinatawad. Parang hindi pa rin.Ganito ba talaga?wala ba kong kwentang kaibigan?”

Luto na ang pizza. Kumuha na ang lahat. At nang alukin si Jay, “di. Ok lang. baka kulang pa yan sa inyo” habang kumakain ng frosty ng Wendy’s. Naiinis man, pinipilit ni Kat na wag magpaapekto.kaya Sya na lang ang kumain ng pizza nito.

Ayaw mang mainggit ni Kat, yun ang nangyayari. Ayaw man nyang magpaapekto, yun ang nangyayari. Ayaw man nyang mainis sa kanila, yun ang nangyayari. Pakiramdam nya kasi, wala lang sya sa kanila. Wala syang kwentang kaibigan kaya ayaw syang tulungan ng mga to na magkaayos sila. Yun ang nararamdaman nya.

Kinabukasan…

“Kat, bati na kami”, sabi ni Jenny.

“talaga”, di alam kung matutuwa sa balita ng kaibigan.

“pano?”

“nag-usap kami kanina, nagsorry sya. Sabi ko, ‘isip bata ka kasi’ tas yun…okay na”

”aaahhh….”, ang tanging nasabi ni Kat.

“kayo kaya, kelan?”

”ewan, bilisan na natin, malelate na tayo”, agad na tinapos ni Kat ang usapan. Ayaw na nya na mainggit pa lalo sa kung ano pang ikwekwento nito sa kanya.

Matapos ang pagkakabati ni Jay at Jenny, ang nanay naman ni Jenny ang nakasamaan nito ng loob. Agad na tinulungan at pinayuhan nila na makipag-ayos na ito.

“nanay mo yun. Nagsorry naman sya. Dapat matuto kang magpatawad”, payo ni Jay. “ah! Ang galing mo magpayo, ‘dapat matuto kang magpatawad’,ewan ko sa iyo! Ikaw nga di ko Makita na ginawa mo yun…hmp! Dapat di ka nagpapayo kung di mo ma-apply sa sarili mo!” ang naiisip ni Kat na gusto nyang sabihin kay Jay.

Naiinis si kat. Naiinis sya. Naiinis sya. At di nya maipaliwanag ng maayos ang dahilan kung bakit.


pAt Lang's picture

....

mguLo tlga...

haha...