Hinahanap ko si Balagtas.
... bago pa lamang ako sa blog na ito ... hindi ko alam kung dahil sa edad ko o dahil hindi ko alam ang mga lugar na pinagmumulan ng mga "manunulat" na ngsusulat sa espasiong ito, kaya medyo naliligaw ako sa pagbabasa.
Sa tunog ng mga salita at mga pangungusap ay para bang mga bata pa sila o baka naman batang-isip...Hindi ko maramdaman ang aliw ng pagbabasa, although sabi ng mga sikat at mapagmahal sa sining ng pasusulat, ito raw ay kamandag - nakakalason o 'di naman ay nakakabuhay...
Si Rizal ay napatay dahil sa kanyang mga panulat, PERO, nabuhay ang Pilipinas sa mapa dahil sa kanyang makabuluhang pagsusulat.
Sa pagbabasa ko, although, libre at walang bayad ang mga pinagpapagurang pagsusulat - ay wala akong maramdamang puso, o lukso sa aking dugo para maghangad akong tapusin ang artikulo ng isang manunulat dito.
Mga bata, h'wag ninyong sayangin ang espasiong ito sa pagsusulat ng mga walang kasaysayang "pamatay ng oras" dahil bawa't pagkakataon ay ginto, hindi mo alam kung sino ang nagbabasa ng iyong mga panulat,
isang araw, magugulat ka na lang, dito pala masusumpungan ang nagtatagong bagong Balagtas ---
Pahalagahan ang bawa't titik at koryenteng ginagamit sa pagpupuyat upang makabuo ng isang obra --- hindi para ibasura kundi para magbangon ang isang katangiang nagtatago sa loob ng iyong mga kaisipan.
May mga lihim na matang nagmamatyag at naghahanap ng isang may saysay na pagsusulat.
Makikiraan lang po...
Marami hong mga kabataan ang nag jo join dito, at meron ding me edad na (na tulad ko) ang nagagawi dito, na aminado naman ang karamihan na wala talagang knowledge sa pagsulat (tulad ko din..;-)
Pero hindi naman namin ninanais na sayangin ang espasyo dito, kundi nais naming matuto at manghingi ng ideas sa mga batikan na manunulat na nandito. At imbes na sabihan kami na wag na kayong magsulat, kung pamatay oras niyo lamang..edi sana nagpakamatay nalang ako, noong time na ka depress depressan ko...
Mabuti narin na dito patayin ang oras ng mga kabataan, (or naming me edad na walang talento sa pagsusulat) kesa kung ano-anong sex-sites ang pagdiskitahan nila, baka mapahamak pa...
Sana po, bilang dating manunulat sa atin, imbes na sabihan na walang kwenta ang ibang nakasulat dito, punain nalang ang mali nila, at itama, para kahit paano, me matututunan sila, gaya ng "Nang at Ng" at tamang pagbabaybay..
Kung si Noid po hindi nagrereklamo sa mga baguhan na walang talento na nandidito eh...at unlimited naman po ata ang espasyo dito, kaya no worries, sulat lang tayo ng sulat...
ANG KATANGIAN
ANG UNANG-UNANG DAPAT MAGING KATANGIAN NG ISANG NAIS MAGING KAPAKI-PAKINABANG NA MANUNULAT O SINO MANG NASA GANITONG URI NG KALAGAYAN DAPAT AY MAGING ISANG "SPORT."
ang anumang "puna" ay kapakinabangan para sa mas ikabubuti pa ng isang kaalaman.
DO NOT TAKE ANYTHING PERSONAL.
i AM JUST PASSING BY.
manang neneng...
isa ako sa mga batang isip sa site na to. pero proud ako don kase ang boring naman kung kasing old fashion nyo ang lahat ng members dito. or baka kapos ka lang sa lawak ng isip na iba na ang pagsusulat ng mga bagong henerasyon. nagbago na ang panahon. wala na tayo sa panahon ng Hapon. move on.
manang neng,kung nami-miss mo si Balagtas, baka naman mali ang site na hinahanapan nyo sa kanya. baka talang walang Balagtas dito. try nyo sa Bulacan.
welcome pohhh dito sa site. abangan kohhh pohhh ang mga ssusulatin nyong punong punong ng saysay.
girl,
ITUMBA-
to fell, like a tree... yung maugat, parang balete- pinamamahayan ng mga ligaw na espiritu at mga elementong lupa.
9neneng...
nagtatanong ka kung bakit maraming nagrereact sayo. ang sarap mo kasing patulan.
malabo na 55 ka, at malabo ring magaling kang manunulat. (kasi parang tinatamad kang mag-proofread at palawakin ang bukabularyo mo sa colloquial na Filipino) alam mo, nung dinescribe mo sarili mo, unang pumasok sa isip ko na kamukha mo si Christy Fermin.
pero sige bibigyan kita ng benefit of the doubt. tutal karapatan mo naman magdelusyon kapag convenient. sa aspetong yan, bilang isang manunulat din- na sobrang galing (ang kumontra maaagnasan ng bayag/bahay-bata)- pagbibigyan kita.
i-invoke natin ang "walang basagan ng trip" rule.
siguro, ang saya-saya mo na maraming pumapatol sa iyo. kasi ang dami mong issues sa buhay. malamang, walang pumapansin sa iyo sa totoong mundo. haaay, kawawa ka naman.
kaya sige, pagdamutan mo na ang mga naglipanang comment dito. you earned it. magbabad ka hanggang mangulubot ang skin mo.
tapos, pag narelax ka na, gawa ka ng magandang article, o kahit blog. makikita mo, sa papuri ka naman malulunod.
o siya, masyado ko nang pinag-aksayahan ng panahon ang comment na to. okay lang yan. gift ko yan sa ating dalawa.
aabangan ko na lang yung gawa mo.
EXCITED NA KAMING LAHAT.
Keep up the good work!
wag kang pipikit...
EWAN KO
Parang masyado ka yatang galit sa mundo... kung sa konting puna lamang ay naghihimagsik ka na, ano na lang kung sumahimpapawid ka sa tunay na larangan ng pagsusulat at kilatisin ng mga kung sino ang akda mo?
Sana lagi tayong maging professional sa anumang "laban" ng ating mga gawa dahil d'yan tayo nahahasa...
God Bless.
ehem
9neneng,
tapatan po tayo, hindi po kayo itinuturing na kritiko rito kundi ay nangugulo lamang at nagpapapansin. iyon po ang pangalan at papel na ipinakilala n'yo sa amin.
ikaw po ngayon ay pinupuna namin. na kung tunay kang nagmamalasakit, ipakita mo ang gawa mo.
nasaan na...? wala pa rin....hayaan mong kami rin ay humasa sa iyo.
- Amos Tarana - http://amostarana.blogspot.com/
hindi po ako galit sa mundo
naiinip lang ako sa gawa ninyong hanggang ngayon ay Missing In Action pa rin. :)
at hindi po ako naghihimagsik, apatetiko po ako. Pumapatol lang ako sa inyo kasi masaya.
ang saya saya!
wag kang pipikit...
comedy bar
mabuti naman at napapasaya kita kahit wala ka sa comedy bar.
kape, gusto mo?
Tama si 9neneng, marami
Tama si 9neneng, marami ngang nag-aaksaya ng oras at espasyo sa mga walang kuwentang post tulad ng:
"Hi BaGoh LaNg P0h me D2...Hihi"
"NapadAan Lang PoH me"
at yung mga walang kamatayang tula na...
"Minahal ko siya...
Iniwan niya ako...
Blah blah..
Umiiyak ako ngayon"
Na rinereplayan at kinukomentan ng:
"Talagang ganyan ang love blah blah blah"...
Sa totoo lang tuwing nagkikita kami at nagkukuwentuhan nila Pauba at Giselle Espino, tawa kami ng tawa sa ilang post at lalo na sa ilang comment.
Note: Si Rizal ay napatay dahil sa kanyang mga panulat, PERO, nabuhay ang Pilipinas sa mapa dahil sa kanyang makabuluhang pagsusulat.
Ah, sa World literature at Asian and Third World Literature medyo obscure po si Rizal, though hindi natin mad-doubt na malaki at makabuluhan nga ang nagawa ng mga isinulat niya para sa pag-usad ng literatura sa Pilipinas...
Pero, lately nalang naging available ang mga libro ni Rizal na madaling maaaccess ng mundo, mga around 1910's-1940's...
Buti nga pinublish ng Penguin ang Noli at Fili, kung hindi baka hindi na kumalat ang mga gawa ni Rizal
Nung panahong yun ang naglagay sa mapa ng Filipinong literatura ay sila Carlos Bulosan, Jose Garcia Villa, sila Gonzales etc...
Mas kinikilala si Rizal sa field ng historical contribution kesa sa literature, dahil hindi gaanong accesible ang mga libro niya sa foreign bookstores.
At medyo hindi universal ang themes ng gawa ni Rizal, compared sa ibang mga contemporary niya sa ibang bansa.
Kaya nga di nakakapagtaka na mas mababasa natin ang mga critique ukol sa mga gawa ni Rizal sa mga Social Studies at historical study sa mga gawa ni Edgar Snow, at ilang nagsusulat ukol sa Post-Colonialism kesa sa mga aklat na nakapokus sa literatura.
Kung tungkol naman kay Balagtas, ginagalang ko siya pero...wala ka bang ibang ma-cite na makata na panggimbal naman sa mga reader dito?
Parang bakit pako mangangarap maging Balagtas, kung puwede ko namang siyang higitan at lagpasan...Lagpas pa sa mga gawa ni Kerouac at ni Whitman combined...
Yung tipo nang challenge na, anong paki ko sa national artist award kung puwede naman akong manalo ng Nobel?
Pero, tandaan mo free space ang FW...Ang tanging kaya mo lang gawin (at kaya ko, at nang mga tropa ko) ay ang matawa at manlait...Pero, hinding-hindi natin pwede at wala tayong karapatang sila ay pagbawalan dahil...
karapatan nila yun.
Kung may talagang magaling magsulat, kusa na lang lulutang yun mula sa basura...Di na kailangan ng wake up call...
Susulpot at susulpot na lang yun.
O baka mala-TS Eliot, Allen Ginsberg o Szymborska kang magsulat kaya parang buryong ka na sa mga nababasa mo?
Post ka naman ng sample ng gawa mo please!
Ako, aminado akong di ako malupit magsulat...Kaya pasensiya na kung di ko kayang maabot ang criteria mo.
h'wag mabahala
"do not take anything personal, chong..."
ang anumang kritisismo ay dapat tanggapin ng maluwag sa loob at mula doon ay makahahango ka ng isang pakinabang sa pipiliin, o napili mong larangan..
- walang personalan - nakikiraan lang po.
Patay na si Balagtas
9neneng,
kumusta na diyan sa amerika?
ngayon ko lang nabasa ang post mo na ito...
tama marahil ang iyong puna. ako man ay aminado na bata pa magsulat at iilan pa lang ang nagagawang akda.
napansin mo rin siguro, [kung nabasa mo na ang karamihang akda rito sa fw] na mayroon ding ilang kabahagi rito na arogante at nangmamata ng kanyang kapwa. mga taong puro puna pero hindi naman makagawa ng kanila.
nabasa ko rin sa isang post mo na matagal ka na pala sa larangan ng pagsusulat. nakakapanghanga na siguro ang iyong kahusayan. wika mo nga ay matanda ka na ngunit may asim pa.
ano kaya kung sa halip na husgahan ang mga manunulat dito ay ipakita mo na lang sa amin kung paano gawin ang isang makabuluhang panulat. iyong panulat na wika mo nga'y may puso, makamandag at nagbibigay ng aliw sa mambabasa.
yamang nakakatanda po kayo sa amin, ano rin po kaya kung pakitaan n'yo rin kami ng kung ano ang magandang asal...iyong dapat na gawi ng isang nagmamalasakit na dalubhasa sa mga batang nangangarap makagawa ng obra.
aabangan ko po ang inyong mga akda at sana'y kapulutan nga namin ito ng aral.
para sa ating ikagiginhawa,
- Amos Tarana - http://amostarana.blogspot.com/
hindi nanghuhusga
"ang kapakinabangan ng isang sinulat ay kung may nagbasa, napulot at may "pumuna" --- h'wag maghimagsik ang kalooban at lalong h'wag maging
"sarcastic" --- dahil,
ang pagpuna ay hindi gawa ng manghuhusga... ito'y isang bagay nagpapaalala...
BALAGTASAN
GIVE ME YOUR ADDRESS PADADALHAN KITA NG KOPYA --- kAHIT PO BOX # lang ang gamitin mo kung ayaw mong ilathala ang physical address mo-- I'll send you some, dito lang kasi sa US., ang publishing eh...
sorry ha.
.
pwede nyo po ba'ng mai post dito? para naman makinabang din ang ibang mambabasa dito at makabahagi sa pag unlad ng mga gawa dito. matagal na pong naghahanap ang karamihan dito ng isang magandang halimbawa ng tamang panulat panahon na siguro para maibahagi dito ang anumang akda na may saysay.
pwede nyo po yang i scan tapos copy to word file or rich text format kung sakali man na wala po kayong soft copy. alam kong medyo tedious na kopyahin sa computer isa-isa yan.
antayin ko po.
salamat!
Rom
Ewan ko kung ako lang ang nakakapansin, pero kasi parang sya si Ano at si ano. Sa manner ng komento at daloy ng mga salita, syang sya!
Basta tingin ko dummy account din nya to!Hehehe!
Ingat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
nakakatawa naman...
kuya rom, bakit kailangan pa nya airmail sa yo ang mga gawa nya eh dito tau nag uusap usap? sumali sali sya sa site na to tapos di naman nya pala ibabahagi sa atin lahat ang mga ipinagmamalaki nya. anong saysay nya dito?
sana bago magbigay ng puna, patunayan muna ang kakayahan at kagalingan ng sa ganon ay magkaroon kami ng respeto para igalang at pakinggan ang mga "constructive criticism" ninyo.
iba-iba kasi ang purpose
iba-iba kasi ang purpose natin kung bakit tayo napadpad sa site na ito. ako ang purpose ay matuto at makapag bahagi ng kaunting alam ko sa pagsusulat. pero mas lamang ang matuto sa mga may alam na at karanasan. kasi nga amateur lamang ako.
pero kung pumasok ka sa site na ito bilang may professional background sa pagsusulat at alam mo naman (sana) na ang purpose ng site na ito ay magbigay daan sa mga baguhan at walang masyadong alam sa pagsusulat---malamang sa hindi madidismaya ka, kasi nga wala dito si Balagtas.
hindi mo mahahanap dito ang mga gawang bigatin at mala Palanca, at mabibilang lang sa daliri dito ang mga manunulat na nakapag lathala na ng sarili nilang aklat, kung meron man malamang wala na sila dito at di nila pagtityagaan ang site na ito. may mangilan ngilan ding nakasungkit na ng premyo sa ilang patimpalak pero mabibilang mo lang sa daliri ng kanang kamay mo iyon.
responsibilidad ng sino mang Propesyunal na Manunulat na nagpasyang pumasok dito ang intinidhin nya muna ang kalalagayan ng mga taong dinantnan niya dito bago magpukol ng puna.
tanggap po namin ang anumang puna at kritisismo. wala pong pagtatalo dun. ako man kailangan ko ng pagpuna sa mga gawa ko para na rin sa ikauunlad at ikatututo.
Lamang, ay ito. ang pinaghirapan kong akda ay hindi ko ipapakatay sa isang manunulat na wala namang naitatatag na kredibilidad pa at sa ngayon ay hindi ko pa kilala. Nauna kasi ang pagpuna mo kesa sa pagpapakilala mo.
nakita ko ang iyong tula (paano magmahal ng isang baboy) medyo tumaas ang kilay ko ng konti. pero pinigilan kong pumuna, nais ko pa kasing makabasa ng mas malaliman sa iyong mga gawa bago humusga. kaya kung iyong pahihintulutan. malaki ang espasyo dito wag natin sayangin, sabi mo nga. naghihintay ang espasyo dito sa iyong iba pang mga akda bago man o luma.
kung tungkol naman sa aking mga gawa paki click na lamang po ang signature ko sa ibaba yung KARIKATUURA at dadalhin ka niyan sa aking mga gawa.
Maraming salamat at sana ay makapag palitan tayo ng makabuluhang kritisismo para na rin sa ikauunlad ng lahat sa pagsusulat.
Korek ROm..
"hindi mo mahahanap dito ang mga gawang bigatin at mala Palanca, at mabibilang lang sa daliri dito ang mga manunulat na nakapag lathala na ng sarili nilang aklat, kung meron man malamang wala na sila dito at di nila pagtityagaan ang site na ito. may mangilan ngilan ding nakasungkit na ng premyo sa ilang patimpalak pero mabibilang mo lang sa daliri ng kanang kamay mo iyon."
--------------------
Aling Neneng,
Ang puna po ay makakabuti sa isang manunulat, pero kayo narin ang nagsasabi na walang personalan dapat, at wag idaan sa pagiging sarcastic...
Pero kung i re review niyo ang mga PUNA sa lahat ng mga kritikong ginawa niyo sa mga akda dito, ME PAGKA SARCASTIC ho ang dating niyo. Me isang post akong nabasa na , pati English ni bubwitmaingay, (Mitch Corales) nilait niyo. Heto ang PUNA niyo sa article ni Noid na CREATIVE PUBLISHING.
Reluctant Writer:
"AY POR DIOS POR SANTO GID...
STOP NA THE ENGLISH, KASI PURO MINTIS, THAT'S WHY YOUR EXPERIENCE IS SO TRAUMATIC...
TAGALOG NA LANG, DAY..."
Parang pinersonal niyo ang dating ng puna niyo dito, hindi relevant sa topic, sana kung concern kayo, edi sinendan niyo nalang ng Private message yung tao? kesa ininsulto in Public?
reluctant writer
Are you Mitch?
HAMON?
Ganito na lang mga hijos, hijas --- bigyan mo ako ng isang topic na gusto mong likhaan ko ng isang akda.
ito'y may maging isang tulain, maikling kwento, o isang sanaysay.
gusto ko sa iyo manggaling ang nais mong isulat ko para maging intresado ka sa pagbabasa. ok ba 'yon?
Antipatiko
Ang angas naman ng hamon niyo. Kung talagang magaling po kayong magsulat mag-post na lang po kayo. Huwag ng maraming pabulaklak pa. Sa lagay eh parang birheng kailangan pang ligawan para lamang makuha yung matamis na akda (kung matamis nga).
Mag-post ka na lang po. Baka kapag nag-suggest kami hindi niyo magawa.
Sige nga gawan niyo ako ng sanaysay ang pamagat: TIBAGAN
Akala ko po ba manunulat
Akala ko po ba manunulat kayo, e batikang manunulat kayo, salitang tibagan lang hindi niyo magawa.
Ano ba 'to pinoy henyo?
Post po uli kayo.
Salamat.
Teka Tantizm...
May isa-suggest akong topic ni ate neneng...
Pakigawa nga po ng akda tungkol din sa mga maligno... PLEASE???
http://wattuduyanie.blogspot.com/
baka isusunod na tanungin
Hahaha..para palang si
Hahaha..para palang si Mikey Arroyo yan. Maraming dahilan.
Oo nga noh. Para bang
Oo nga noh. Para bang ginigisa natin yung SAL niya. Yung sangkatutak na salita.
Hahahahahahaha....
Ate neneng, paki-kritik na lang ng tula ko na i-post bukas. Para naman may matutunan ako. PLEASE????
Yan nag PLEASE din ako.
Salamat>
=))
Yan ang mabuting bata... (o isip bata) hahaha (sabi niya yuh eh!)
Nagpi-PLEASE at nagpapa-salamat!
http://wattuduyanie.blogspot.com/
Huwaaaag!
Huwag po ate huwag po, please huwag po...
Huwag n'yo na pong ituloy ang hamon ninyo, post lang kayo kahit anong bukal sa loob n'yo, basta't iyong mas pinag-isipan at hindi gaya noong nauna ninyong tula. kasi po kapag ganun ulit ay malalagot lang kayo kay rhea stone.
pero kung hindi po kayo papipigil, ako na lang po ang magbibigay ng topic sa inyo.
mga kapatid, tabi muna, akin na lang muna si 9neneng please.
may assignment kasi ang prof ko, kaya lang research paper ito, pinapagawa kami ng 60 pages na paper tungkol sa "Working at Heights". double space naman po ito, sa ingles syempre, times new roman # 12, MLA, not less than 15 references -- bawal pong kumuha sa internet. sept 7 po ang deadline eh kabibigay lang kanina, may oras pa naman po 'di ba? ito po ay para sa subject ko na Safety and Fire Engineering. sana po ay magawan n'yo ng paraan. comparative na lang po para hindi kayo mahirapan. baka po kasi busy din kayo. gamitin na lang ang karanasan sa 'construction safety' sa Dubai at Doha. hihintayin ko po ha.
hayaan n'yo po at ipagmamalaki ko kayo sa mga kaklase kong arabo, briton, indiano, pakistani at kabayan. at pati na rin syempre sa fw, fs at fb.
kung hindi n'yo po magagawa, ayos lang po, mauunawaan naman namin. sabihin n'yo lang po agad bukas para hindi ako umasa.
sabi n'yo po kasi eh magbigay lang kami ng topic. literature rin naman 'di ba ang research paper. kaya nga po may review of related lit...hehehehe
sana po ay bukal sa inyong kalooban ang pagsusulat ng aking research paper.
paunang pasasalamat at mabuhay po kayo!
- Amos Tarana - http://amostarana.blogspot.com/
research paper
sorry, bok hindi ako taga-Dubai at wala akong kinalaman sa paggagastos ng mga magulang mo para may maibayad sa tuition fee mo ...
iba na lang, ok?
Amos!
kapatid na amos, tinawag kang BOK? anong pumasok sa isip mo agad dun? ikaw Tantizm? kapag tinawag kang bok, ano agad ang iisipin mo? aha...sa mundo ng mga tibak ang bok ay...
may naaamoy na ako...
ok maiba tayo, ako na yata ang may pinaka simpleng hiling dito e ang mag post lang ng mga lumang gawa itong si ate neneng wala nang iba pa. LUMA as in di na kailangang gumawa pa ng iba o mag aksaya ng oras at pagod. yung dati na lang yung napatunayan na "winner" at makamandag.
e kung alibi pa rin na naka print sa papel nandyan ang scanner save lang as rich text format. wala nang kawala yun kung hindi maalam mag scan pwedeng magpatulong.
ano pa kaya ang alibi? o baka naman nagkukunwari ka lang na manunulat? batay kasi sa huling tula mo na pinost dito e dambuhalang kahungkagan ang istilong nakita namin. mukhang hindi man lang pinag-isipan kasi e.
ayoko munang pumuna ng gawa, pending kasi sa gusto kong makita ang "the best of the best" na akda ni ate neneng.
asan na ba? katagal naman...nag iisip tuloy ako na baka...hehe
Siguro
Siguro nanonood si Ate Neneng ng Tayong Dalawa kaya BOK ang tawag niya. O di kaya naman binasa niya yung tula ko na Aklat ni Bok-bok.
Mataas kasi ang respeto ko sa prefix na BOk.
Baka naman kasi ang pagkakaunawa niya sa salitang ito ay BOKYA.
Maiba lang ako, Rom
Bok, ano nga ba talaga ang historical development ng salitang "Bok"?
Una kong na-encounter ang paraan ng pag-address na ito noong bagong tibak pa lang ako (1991), pero natural na namatay sabay nang pagkawala na rin sa kampus ng mga matatandang kasama. Sa kalaunan, ang "Bok" ay hinalinhan ng "Tol" (Brod) at "Kas" (Kasama).
TUloy, ang impression ko, 'yong mga matatandang kasama na lang ang gumagamit ng salitang "Bok". Dahilan kumbakit di naman nagtaka noong "narinig" ko ito buhat sa iyo. Haha.
allan,
ayun nga bok, e. kung isang kasama ang tumawag ng "bok" alam ko ang dahilan, parang secret code yan e. kahit maglakad ka at kumausap ng maraming tao ngayon sa daang Maynila o sa lawak ng UP campus walang basta-basta tatawag sa iyo ng "bok" kasi nga mistulang secret handshake yan ng mga tibak e. although hindi naman ito restricted lang sa sektor nila.
Tungkol sa historical development ng katawagang "bok" wala akong alam e hehe. pero naalala ko lang yung "bok" noon ang distinction kung SD ka o ND. mga ND lang kasi ang nagtatawagan ng ganun e, ang mga SD susyalin yan Bro, o Pare ang kanila. e nung time na yun ang hidwaan ng ND at SD mistulang Metal at Hip=Hop hehe...
uy halos sabay lang pala tayo naging tibak hehe 1989 ako e
haha, salamat.
ayos 'yong insight mo sa mga socdem vs. ND ah. wala kasi akong masyadong interface sa kanila (hindi uso mga socdem sa Southern Tagalog eh) kaya hindi ko narinig 'yong katawagan nilang "Bro" o "Pare".
Gayumpaman, Rom, mas matanda ka pa rin ng 2 taon sa akin, haha. At sa kilusan, malaki na ang epekto ng dalawang taon para sa literal na pagtanda (o pagiging gurang) ng mga kasama ;-)
haha. kung nagkataon, mula
haha. kung nagkataon, mula panahon ni magsaysay hanggang kay gloria, galit ka pa rin sa gobyerno.
ehem
bok neneng,
asteeeg! payosi nga bok. dekada sitenta, palaban aktibista! hehehe (salamat sa pagpapaalala kapatid na rom)
pinapasaya mo naman ang mga tao rito sa fw bok neneng.
salamat sa pagbabasa mo sa blog ko at ganun din sa puna. sa totoo po, hindi ako masaya sa paraan ng aking pagsusulat, alam kong may kulang pa...sana po ay matulungan n'yo akong tukuyin kung ano ang mga baho sa aking akda.
balik po tayo sa ating pinag-uusapan. nagkaroon na po kayo ng ilang puntos na hindi maituturing na pogi points.
una kasi eh naging arogante ang dating mo sa fw.
pangalawa, hindi pumasa ang tula mo sa panlasa ni rhea.
pangatlo, binali mo ang sinabi mong magbigay lang kami ng topic at isusulat mo. huwag na po sana kayong magbitiw ng salita na hindi nyo naman kayang pangatawanan.
at ito pa, toink! ako po ang nagpapaaral sa sarili ko at walang kinalaman dito ang mga magulang ko. ako lang kasi ang mayaman sa pamilya namin hehehe
at ang pinakabago, pang-apat na sablay, sabi mo po: "wala akong kinalaman sa paggagastos ng mga magulang mo para may maibayad sa tuition fee mo ..."
ito po trivia para po sa inyo -- ang tuition at fee ay magkasingkahulugan batay sa kontekstong iyong sinasabi. kaya mas mainam na tuition na lang po o kaya'y fee na lang ang gagamitin, sapat na po iyon. nagkakaroon lang po sila ng pagkakaiba sa kahulugan kapag ginamit natin ang 'tuition' sa ibang konteksto, halimbawa: home tuition. wala naman kasing salitang home fee. korek me po if i'm right.
pinapatunayan lang po ng apat ninyong sablay na hindi kayo tapat sa inyong salita at mukhang hindi naman talaga kayo batikang manunulat.
pero bibigyan po namin kayo ng isa pa at huling pagkakataon. sabi n'yo kasi ay maipapadala mo ang mga akdang nalimbag mo na. sabihin lang namin ang aming p.o.box.
kapag wala po akong natanggap mula sa inyo, uunawain po ng lahat dito sa fw na nagmamarunong lang kayo at para bang nilunok n'yo lang din ang inyong mga sinulat sa blog na ito.
iyong p.o.box ko nasabi ko na po ha, hintay ko na lang ang ipapadala mo. i-dhl mo na lang, 3 days lang ay andito na iyon sa akin kung magmumula sa amerika. kapag wala akong matanggap mula sa inyo sa loob ng 7 araw, ibig sabihin, hindi ka tagaamerika at hindi ka naman talaga batikang manunulat.
bilang panghuli, naalala ko po ang sinabi sa isang lumang aklat: gawin mo sa iba ang gusto mong gawin sa iyo.
kabaligtaran nito ang sinabi ng pilosopong intsik na nagwika namang: huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
binabanggit ko po ang mga paalalang ito para sa inyong kabatiran.
mag-aabang na po ako ngayon sa aking p.o.box...nanginginig pa.
- Amos Tarana - http://amostarana.blogspot.com/













Sabi niyo po... "Mga
Sabi niyo po...
"Mga bata, h'wag ninyong sayangin ang espasiong ito sa pagsusulat ng mga walang kasaysayang "pamatay ng oras" dahil bawa't pagkakataon ay ginto, hindi mo alam kung sino ang nagbabasa ng iyong mga panulat,
isang araw, magugulat ka na lang, dito pala masusumpungan ang natatagong bagong Balagtas ---"
Paano niyo naman po nasisigurong hindi ako ang magiging susunod na Balagtas o kung sino pa mang bayaning inyong nabanggit? Paano niyo po masasabing hindi si J.Luna iyon o kundi kaya si Ginoong Amos Tarana?
Sino po ba ang magiging judge nito? Kayo po ba? Na namalagi sa site na to ng... (hmm let's check...) 4 days and 9 hours? [As of this reading/commenting?]
http://wattuduyanie.blogspot.com/