hinaing ng isang Job Order
ano nga ba ang mga JOB ORDERS? sa pagkakaintindi ko, syempre hindi kmi regular employees, hindi rin mga casual, at lalong hindi rin contractual..kung baga kami ang lowest mammal na ngtratrabaho para sa gobyerno. kami yong tinatanggap kasi kulang ang manpower ng isang ahensya para gawin ang sandamakmak na trabahong nakatambak na hindi na kayang gawin lahat ng mga regular na empleyado.
para sakin ok na to kaysa wala akong kinikita, kaso may konting hinanakit lang ako sa ahensyang pinagtatrabahuan ko kahit pa nagagawa ko lahat ng mga trabahong binibigay sakin diko rin maiwasang masaktan minsan..:(
kasi nga...
- wala pa kaming benipisyo
- kadalasan delayed ang sweldo dahil nakacharge kami sa suballotment funds
- wala kaming employee, employer relationships..
- walang kasiguraduhan ang trabaho namin kasi pwede kaming sipain anytime man nila gusto
dito kasi sa ahensyang pinagtatrabahuan ko, parang wala kaming karapatang mgreklamo...dimo pwedeng sabihin ang opinion mo kasi nga "job order" kalang at andun ka para mgtrabaho! marami narin mga naunang jod order sakin na nasibak kasi pinag-initan sa diko malamang dahilan..di naman cguro dahil walang pundo na para sa sweldo kasi pagkatapos nilang manibak mg-hihire ule cla ng panibagong mga JO's. at take note di cla manghihinayang kahit pa masipag at magaling kang mgtrabaho ha!!! basta trip lang cguro nilang manibak!!! di ko naman sinasabi na lahat ng mga empleyado dito ganun, pero kahit sang gubat may ahas...at dito hindi ahas ang mayron kundi mga kampon ni satanas na walang ibang ginawa kundi gawing miserable ang buhay mo habang ngtatrabaho ka dito!! kaya nga ba walang asesnso ang gobyerno dahil may mga empleyadong mapupurol ang utak at walang ibang inisip kundi sariling kapakanan!!
oo galit ako!! galit na galit!!! kahit nga ba mga JOB ORDERS lang kami mga tao parin kami at may mga karapatang pangtao na nalalabag!!
tahimik lang ako ksi nga ayokong mawalan ng trabaho kaya akoy nakikisama nalang..pero, hanggang kelan ko kaya matitiis ang ganitong sitwasyon!! ang nakakinis pa kung tutuusin mas may ibubuga ako dahil sa natapos kung kurso pero dahil nga hindi ako regular na empleyado wala akong magagawa kung pagtiisan ang lahat ng ito..
kaya....
sa lahat ng mga job orders na tulad ko!!!! -----MAY ARAW DIN SILA SATIN----
exactly
di nga ako makapagreklamo kasi kelangan ko ng trabaho..though ok naman ang rate kumpara kung sa hospital ako ngtatrabaho nun pero un nga delayed masyado..minsan umabot kmi 2 months ng di sinswelduhan..exploitation na un ah pero di ka parin pwede mgreklamo or else sibak ka!!
stepping stone ko na rin to at para experience pero sa oras na mgkaroon ako ng trabaho humanda cla lintik lng ang wlang ganti..hahaha:)
salamat po...tc!!
:)
Ospital ka din. Malamang Nurse ka, ako PT. Masmatindi noong time ko kasi kapag gusto mo magka-experience (volunteer) ay ikaw pa ang magbabayad sa ospital. Ang rate noon ay 5 thou per month. Ngayon ata ay nasa 8 thou na daw sabi noong mga kabatch ko sa V-Luna. Ang tindi ano?!
Dahil sa kakilala system after 4 months ay absorbed naman ako na contractual staff at daily wages 'yun. Wala nga mga benefits at bonus kaya inggit na inggit ako sa mgaregular employees. Sila gusto ng mga holidays like X'mas etc samantalang kami ayaw na ayaw dahil liit kita.
Pero nakakaahon din naman. Sabi nga natin kanina ay parang hagdan lang 'yan na makakarating din tayo sa tuktok sa dahandahang pag-akyat lang (masmasarap ang tagumpay kung pinaghirapan mo ito).hehehe.tyagaan lang bro! tc
https://dyeppri.wordpress.com/
"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."
:)
uu nurse ako at tama ka stepping stone to para sa tuktok at pag andun na ako babalikan ko talagang ang mga taong grabe makaapak sa karapatan ko..minsan ginagamit ko ang galit para mamotivate man lang..
takte din naman kasi sitwasyon ng mga healthcare provider dito sa pinas...kakaloka!! :)
salamat sa inspirasyon!!! no pain no gain!! tc!:)
Sumusuporta ako sa
Sumusuporta ako sa pinaglalaban mo kaibigan, marami akong kakilala na job order din. Hindi maalis-alis ang ganitong sistema sa gobyerno dahil malaki ang kinikita nila. Hindi direkta sa gobyebro ang pasahod sa JO, ang mga private contractors ang kalimiting nagpapasahod tapos binabayaran ng gobyerno ang mga contractors dpende sa nakalagay na item o sahod ng mga tao na naka-aassign sa proyekto nila. Kaya madaling mamanipula at sigurado maraming kumikita dito.
Isang uri ng pang-aabuso sa karapatan ng mga manggagawa. Nagpapatuloy ang ganitong sistema dahil : Mahirap makahanap ng trabaho, walang naglalakas loob na magreklamo at lumaban... kaya patuloy ang pang-aabuso.
hay naku
kaibigan ganun na nga kami naman ay nasa sub allotment funds nkacharge ang sweldu..pag alang pundong dumating galing central opis wala kang sasahurin!! ganun katindi!! ang masakit pa kinuha ang 3 percent ng sweldo namin dahil may tax daw!! eh wala kami TIN number!!! grabe kaibigan!! ang matindi pa no work no pay!! hahaha di rin ako pwede pang lumaban kasi nga wala karin naman namang laban magsasayang lang ako ng panahon kasi bandang huli ako parin ang talo..kaya pag tiisan ko nalang muna to at sa panahon makatyempo ako humanda cla! :)




hmmm...
ganun pala yun...baka may (freedom) choice ka naman siguro eh di humanap ka na lang ng regular na trabaho.kung wala eh tiis lang po at pagtyagaan kung ano meron. sabi nga, beggars can't be choosers.
pero type ko ito at may natutunan pa rin ako about sa isang contractual na trabaho.minsan naging ganyan din ako noong 'di pa ako nakakapagabroad pero ginawa ko lang namang stepping stone 'yan para magka -experience eh. nice.thanks!
https://dyeppri.wordpress.com/
"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."