Hinamon Ko ang Diyos
Ako po si Yazzy. Simpleng tao at may simpleng buhay din po. Tulad ng karamihan ako'y nanganagrap mamuhay na masaya. Makakain tatlong beses isang araw at magkaroon ng simple ngunit masayang pamilya balang araw. Noon pa man mahalaga na sa akin ang mangarap ngunit mailap nga lang ang pagkakataon. Noong nakapagtapos ako ng hayskul, Naisip ko na na hindi na mag-aaral sa college. Alam ko kasi na hindi kakayanin ng aking mga magulang na mapag-aral ako sa college kasi mahirap lamang kami. Pagmimina ang kinabubuhay ng aking pamilya. Bata pa lang ako yan na ang kinagisnan kong pamumuhay. Kaya naman sanay na sanay ako sa kahirapan. Noon ang mga dungis sa aming mukha, ang mga pawis na bumubuhay sa aming lakas at ang panganib sa araw-araw ay kakambal na ng aking pagkatao.
Kilala ako bilang masayahin at tipong bahala na kung mag isip. Ganun man ako sa paningin ng iba, wala man akong masyadong pangarap, alam kong hindi pagmimina ang gusto ko sa habangbuhay. Katunayan kung ako'y nag iisa, sa mga rurok ng mga batong naroroon sa aming lugar madalas kong maisulat ang aking mga munting hiling sa buhay, ang makapagtrabaho sa ibang lugar at matagpuan ang aking minimithing kinabukasan. Sa mga bangin na madalas kong tambayan isinisigaw ng aking puso ang hiling kong mga pagbabago, gusto kong mangiba ng landas, gusto kong kumawala sa uri ng aming pamumuhay.
April 2000 noon, one month after my graduation sa high school nang umuwi ang aking pinsan upang mag bakasyon sa aming lugar. Nagtratrabaho siya sa isang pabrika sa Davao City. Syempre ako, gusto kung sumama pag balik niya sa Davao. Matagal ko ng pinangarap na maka-alis sa aming lugar. Wala naman akong mapuntahan kaya alam ko na ang pagtratrabaho sa ibang lugar ang tanging paraan ng aking mga balak. Halos hindi nya ako gustong isama dahil napakabata ko pa raw at wala pang alam sa buhay. Hindi niya alam na iyon ang pinakahihintay kong panahon ng pagbabago. Makulit akong tao kaya ayon napagbigyan.
Mahirap man ang buhay ko sa mga unang araw ng aking pakikipagsapalaran, sa awa ng Diyos nakapagtrabaho ako sa isang factory. Siyempre napakasaya ko noon dahil sa wakas nakamit ko ang unang hakbang ng pinapangarap kong pagbabago. Doon ko nakasama ang mga taong naisip kong mas mahirap pa kaysa sa akin. Naisip ko nga na mas maswerte pa siguro ang mamuhay sa pagmimina kaysa buhay na mayroon sila. Tulad nila mahirap din ang aking trabaho bilang factory worker. Napakaliit pa ng sahod, isang daang pesos sa isang araw. Noon ako namulat sa kahalagahan ng edukasyon, halos lahat ng mga kasamahan ko, ang kawalan ng edukasyon ang sinisisi nila sa uri at klase ng kanilang pamumuhay. At sila ang may sabi na may panahon pa raw ako upang mangarap. Oo nga, tama nga naman sila may panahon pa ako akong mangarap. Libre iyon alam ko,ngunit wala naman akong paraan upang kamtin ang sinasabi nilang pangarap.
Lumipas ang taon at masaya pa rin ako sa liit ng aking kinikita palibhasa sanay naman ako sa trabaho at sa maliit na kita, ngunit unti-unti kong nararamdaman ang hirap ng mamuhay mag isa malayo sa pamilya. Napag isip-isip ko tuloy na hindi iyon ang gusto ko sa habang buhay. Ayoko ko rin na umuwi sa amin, ayokong umuwing bigo, ayaw kong mawalan ng pag-asa ang mga taong naging inspirasyon ko sa hangad kong pagbabago, at sila ang aking mga magulang. Gusto kong maipakitasa kanila gaano ako katibay at hindi ako nagkakamali sa aking pangingiba ng landas. Mula noon naging palaban na ako sa buhay. Itinabi ko ang kalahati ng aking sweldo at gabi-gabi kong dinadalangin na na baguhin ng Diyos ang aking buhay at tulungan ankong makapag-aral. Sa mga panahong iyon nasa production department ako at 24 hrs ang operation at shifting ang oras ng pagtratrabaho, kaya mahirap para sa akin ang makapag aral. Ganun pa man hindi ako nawalan ng pag asa. Naniniwala ako na sa maganda kong hanagarin na makapag aral, hindi ako pababayaan ng Diyos.
Lumipas ang isang taon, nagpaalam ako sa aking supervisor na magresign upang makapaghanap ng trabaho na pwede akong makapag-aral. Dahil siguro sa kasipagan ko sa trabaho hindi niya ako pinayagan na magresign sa halip tinulungan niya akong makalipat sa ibang department kung saan pwede akong mag aral. Napakasaya ko noon, dama ko na sinagot ng Diyos ang aking mga panalangin. Tatupad nga ang aking minimithi, June 2003 nang una kong hinakbang ang buhay sa koleheyo.
Hindi naging madali ang aking buhay bilang working student. Madalas akong late sa klase dahil 5:00 PM na matapos ang aking trabaho at 6:00 o'clock ang aking klase. Sa katunayan 11 units lang ang na-enroll ko na sa subjects dahil sa liit ng oras ko na makapag-aral. Ganun pa man hindi ako nawalan ng pag-asa dahil alam ko alam ng Diyos kung ano ang aking tinatahak.
Lumipas ang ilang semister nararamdaman ko na ang hirap ng aking kalagayan. Kaya naipasya ko na talagang lumipat ng trabaho. Nakapagtrabaho ako sa isang maliit na paaralan bilang office aid, utility, at kung ano-ano na lang. Sa madaling salita utusan. hehehe. Okey na sana ang oras ko sa skwela kaso naging kulang naman ang aking kinikita. Nahihirapan na naman ako sa liit na aking kikinita, kaya nasubok na naman ang aking katatagan. Ngunit sa halip na sumuko pinaigting ko pa ang aking pananalig sa Diyos na hindi niya ako pababayaan.
Tiniis ko ang lahat ng iyon hanggang sa may dumating na pagkakataon, nakapag apply ako sa aking pinapasukan na universidad bilang working scholar. Ramdam ko na naman ang gabay ng Diyos sa akin. Na assign ako sa isang computer laboratory hanggang sa natoto akong mag ayos ng computer. At ang skills na yon ang tumulong sa akin upang patuloy kong lakbayin ang aking mga pangarap. Iyon ang nagbigay sa akin ng ibang pagkakakitaan.
Nasa final lap na ako ng aking paglalakbay, nasa 4th year college na ako. HIndi ko alintana ngunit malayo na rin ang aking narating. Ilang dipa nalang masisilayan ko na ang liwanag. Ilang hakbang na lang at finish line na. Ngunit ganun nga siguro ang buhay kung kaylan naroon at malapit na, naroon naman ang pinakamataas at pinakamahirap na balakid ng minimithing tagumpay. Bilang working scholar pinagbabawal na ang pagtrabaho sa pagtuntong ng 4th year. Kailangan na kasing ma-fucos ang lahat ng oras sa eskwela. naroon na rin ang practicum at ang mga major subjects na nangangailangan ng sapat na oras at panahon. Kaya ganun na lang ang naging problema ko dahil wala na akong panustos sa aking pag-aaral.
Bakasyon noon at inihanda ko ang aking sarili. Sinikap kong makapag-ipon bago dumating ang pasukan. Sa awa ng Diyos hanggang downpayment lang sa enrollment ang aking naipong pera. Gusto ko na sanang sumuko at hindi na lang mag enroll dahil alam ko na mag stop din ako at masasayang lang ang aking pera. Ngunit hindi ako nawalan ng pag asa at hinamon ko ang Diyos. Sinubok ko ang kanyang kabaitan. Alam ko kasi na sa haba ng aking panalangin at pagsisikap mayroon siyang inihanda sa akin. Kaya nag enroll pa rin ako kahit hindi ko alam ang mga susunod na mga pangyayari. Hiniling ko sa Diyos na siya na lang ang bahala sa akin dahil nagawa ko na lahat ng aking makakaya.
One week na lang noon at exam na at wala akong pambayad. Nalungkot ako dahil iyon na siguro ang katapusan ng aking paglalakbay. Isang araw gusto ko nang huninto at iyoko ang aking mga ulo tanda ng aking pagsuko, nakita ako ng school president at agad nangumusta sa akin. Kilala kasi ako sa noon sa school dahil ako ang taga ayos sa halos lahat ng computer sa school, palibhasa ako ang madalas mapag utusan ng aming network administrator na incharge ko na rin sa computer laboratory. Sa pagtatanong niya sa akin, sinabi ko naman ang totoo tungkol sa aking planong paghinto. Tulad ng aking inaasahan may nakalaan sa akin ang Diyos sinagot na ng school president ang lahat ng aking babayaran sa loob ng isang taon. Labis ang aking pasasalamat sa mga oras na yon dahil hindi talaga ako pinababayaan ng Diyos.
April 2008 nang ako'y nakapagtapos sa college sa kursong BSED, and one month later na hire ako as assistant system administrator ng isang private company dito sa Davao. Masaya ako ngayon sa aking naging trabaho. Alam nyo isa lang ang napatunayan ko sa buhay kong ito, hindi ang kaya nating abutin ang ating mga pangarap, kundi hindi natutulog ang Diyos. Trust Him and he will provide you everything you need. Sa ngayon wala na akong mga malalaking pangarap, ang hiling ko lang sa Diyos na maging masaya ako kung ano ang merun ako. I believe kasi na hindi ang yaman makakapagpaligaya sa tao kundi contentment.
Sana makatulong ang kuwento ng aking pagsisikap na mapatibay ang pananalig niyo sa Diyos. Hindi ako nagkamali dyan..hehehe kayo rin subukang hamunin ang Diyos. Siya rin naman ang may sabi if we trust Him, He will provide us everything.. di bah? Basta lang kung ano man yong hindi niya ibinigay ay hindi makabubuti sa atin.
Thanks
Thanks for the comment. Cnxa na medyo mahaba ang story.. thanks na lang at napagtiisan mong basahin
..
Ingat always and good luck for being a writer.
God Bless you always
Dream as you will live forever; Live as you will die today.
reply lang
Walang mahabang istorya sa mahilig magbasa... and also inspiring kasi talaga... salamat din po..
Best regards,
Melay
Walang imposible sa diyos!
hi yazzy napakaganda ng iyong kwento na kapupulutan talaga ng aral. tama ang iyong mga sinabi na manalig ka lang, kahit anong hirap ang bigat ang iyong nararanasan malalagpasan mo rin yan sa tulong ng ating panginoong diyos.
alam mo halos pareho tayo ng kwento i was working student din, ang pinag-iba lang 2 years lang ang nakuha pero take note nagamit ko naman ang aking pinag-aralan, alam mo sobrang dami na ng pagsubok ang dumating sa aking buhay pero lahat iyun ay nalagpasan ko sa tulong at guidance ni lord.
Matutu lang tayong magpasalamat sa lahat ng biyayang kanyang pinagkakaloob malaki man o maliit dapat nating pasalamatan yan. hanggat humihinga tayo matutu tayong magpasalamat. at kahit anong taas na ang ating marating mula sa ibaba hindi tayo dapat makalimot sa kanya at hindi natin dapat kalimutan ang ating pinang-galingan.
yazzy just keep on posting aabangan ko pa ang iba mo pang kwento. maraming salamat pala sa pagbibigay mo ng oras sa aking mga sinulat.
god bless you and your family.
hello po!
Totoong life story po ba nyo ito?... Galing nmn nyo kong totoo yan!!! 2 thumbs up me sayo. Pangarap ko nga din na sana naging working student me noon pero ayaw ng Mama ko.hehehe...Spoiled Brat kasi me eh.
Konting Comment lang po sa story mo.
Maganda ang story at ok kahit mahaba kc nmn hindi sya pang short story eh. Kc life story mo ito eh. Sana nga masnabigyan pa ng ibang details ang paglalarawan mo sa mga nangyari. Interesting din sya at masmakukuha mo ang loob ng readers. Konting palamuti p kung baga, na kulangan me sa rekado eh.
"Siya rin naman ang may sabi if we trust him he will provide us everything.. di bah? Basta lang kung ano man yong hindi niya ibinigay ay hindi makabubuti sa atin."
-Paki capital lang po 1st letter ng pronoun kapag si Lord ang sinsabi mo...as respect for Him."
magaling. tnx
...........................................................
mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...
Thanks!
Dream as you will live forever; Live as you will die today.
Thank you sa comment. Btw totoong story ko po ito. Thanks na rin sa correction and suggestion. Pasensya ka na, hindi naman talaga ako writer kaya ang daming mali..
edit ko na lang yong iba. hehehe.
I know kulang nga sa rekado, dont worry sa susunod na susulat man ako pagbubutihan ko na.
tanong
wala lang.
nangungulit lang..
Ano ang nakikita ng tao na hindi nakikita ng Diyos?
SAGOT SA TANONG MO D-NALILIGO
Ang nakikita ng tao, na hindi nakikita ng Diyos.
Ang tao ay madaling nakakakita ng Pagkakamali at ng dungis ng Iba.
Samantalang ang DIYOS kahit paulit ulit ka nag-kakamali, at kahit ano kasalanan mo, at kahit anong dungis mo! hindi niya nakikita iyun nandyan pa rin siya na laging nakasubaybay sa atin.
sa sagot mo bb. rosas
Pwede....
Pero hindi yun ang sagot... base sa sagot mo e nakikita pa din ng Diyos ang mga pagkakamali mo at mg adungis mo.. so hindi yun ang sagot.. hehehe





Totoo 'yon
Hi nga pala... comment lang ako kasi na-inspire ako sa story..
Totoo iyon. Walang imposible sa Diyos. Hindi man niya ibigay sa atin ang una nating hiling, sigurado namang mas maganda pa sa hiniling natin ang ibibigay niya. Alam niya ang tamang oras sa mga hangarin natin sa buhay. Isa na rin ako sa nakaranas ng kabutihan ng Diyos. Alam niya ang lahat ng ikabubuti natin. Noong mga oras na pakiramdam ko lagpak na ako ay ipinagkaloob niya sa akin ang isang napakagandang katuparan ng isang hiling- ang maging isang writer. Utang ko talaga sa Diyos iyon. Ang talentong ibinigay Niya sa akin at ang oportunidad na mas makapagbahagi ng nilikha ko sa mas maraming tao.
Hanga ako sa mga working students kasi lalo kong nararamdaman na maswerte ako dahil kahit hindi naman kami mayaman, di ko naman pinagdaanan ang magtrabaho para makapag-aral. Saludo ako sa mga working students kasi ipinaglaban nila ang karapatan nilang makapag-aral.
Hindi nga naman pera ang pinaka-importante sa mundo kundi ang maging masaya at kontento sa buhay.
Inspiring ang story n'yo.
Best regard,
Melay