Hinanakit ng Isang Bituin sa Langit

|
Nakausap ko
Isang bituin sa langit, nagniningning.
Matagal na raw walang
Sa kanya,
nangungusap.
Nagtataka siya
Sa bawat paglipas ng kulay niya
Mga batang tuwing gabi'y nakatingin
Sa kanya
Pagdalang simbilis pagdami nila.
Mayroon siyang sinabi
Ukol sa isang bata, suki niya
Dati.
Wala raw araw na ito'y di Natanglaw
Sa kanya!
Subalit isang araw,
Kakaibang bulalakaw
Puti? 
Hindi . . .
ITIM!
Hindi dyamante ngunit nakasisilaw at mumunti.
Parang ulang bumuhos
Ngunit di mula sa kung saan.
Nagtataka nga siya.
Bakit? Aniya.
Bakit ngayon ito'y di na muling nangusap sa kanya.
Nakita niya, hawak nito
Kapirasong abo
ng BULALAKAW.
Jaypee Pagdanganan