Hindi ako bakla....

dyeppri's picture

Hindi ako bakla...ka-ka-kla-ka-klaa... 

Ang bilin ni Ama, Kung saan ka masaya

suportahan kita! 

Ngunit papano gayong hindi baril-barilan

kundi si Barbie ang aking nakahiligan. 

Sinubukan ko na rin noong makipaghabulan

at makipagpatentero sa daan,

ngunit kembot at malantik na kilos ako’y nabanaagan

mga kalaro ko ay nagtawanan.

Sa kahihiyang inabot ay minaiging sa kwarto

ay magkulong na lamang. 

 

Puno ng pagdurusa

kasabay ng pagbabalat-kayo.

Iyak at hinagpis sa puso ay itinatago

Ano ba ang kasalanan

at naging malambot ako-

hindi ko naman  ito ginusto. 

 

Minsan akala ko’y si Papa ay kakampi ko,

naabutan niya si kumpare na nangangabayo-

lahat ng klase ng pagmumura kanyang binato

mabilis kaming sumibat at  nagpakalayo.

Sa isang iglap lamang ay Japan tinungo. 

 

Marahil ito ang aking totoong mundo  

nawala ang tanikala sa binti ko

malayang rumarampa sa entablado

labas-masok sa akin kung sino-sino

walang patawad gaano man kalaki ito. 

Nag-ipon upang maabot ang pangarap

na pagkatapyas ng aking  hinaharap.

Upang sa pag-uwi ko ay maging isang babaeng ganap. 

 

Ipinamalas ni Papa kung gaano siya lumakas

ng isang bigwas sa aking sikmura’y winasiwas,

anong ginawa mo putang-ina ka- layas! 

Kumalat ang balita sa mga tsismosot-tsismosa

Buhay pa raw ako ay sinusunog na

sa impyerno ang aking kaluluwa. 

 

Labag nga ba sa batas ng Diyos

ang gawing tama ang ibinigay niyang kulang.

Bukas ng umaga sa aming pagkikita

ay aking itatanong ito sa kanya,

Babae po ba ako?

 


spike_west's picture

NAPAKAPANGIT NA TULA

Joke lang bro, naala Jon Roceya lang ako. hehehhe!! 

Tagal ka na rin hindi napapadaan dito ah, tuloy pati ang pagiging macho gwapito mo napagdududahan, dapat sumagot ka na lang : "AKO BAKLA, HALEEEERRRRR!!! ", ahahahhaha!!

Okay tungkol sa tula, medyo napagtalunan na natin ito dati. Hayag at simple ang tula mo bro. Kaya naman nagulat ako na nakapagsulat ka ng ganito, kasi alam ko hindi mo gusto ang mga ganitong uri ng tula. Pero OK naman bro.

Ingat uli,

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

dyeppri's picture

Haleer!!!

Hindi naman siya literal na bakla ang pinupunto ko dito pare! Haleeerrr!!!

Nyiks....Sabagay kanya-kanyang pagtingin 'yan. Salamatskid! Hapi nyu yir h!Cool 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

love's picture

hi dyep!

naka! isa na namang pekeng tula haha! biro lang din. Hay, buti naman at nagbalik ka pare. Ngayon ko lang ibubuking 'to ha, idol kita simula pa lang pumasok ako dito sa FW. Kaya sana sulat ka pa ng marami , pag may time ka. Naalala ko tuloy yung panahon na ikaw ay napagkamalang ako at ikaw ay ako (parang parehas lang yun hihi). 

God bless dyeppri. TC!

spike_west's picture

Ikaw rin ba

Alam mo bang napagkamalan din ako na ako si Dyepri, at si Dyepri ay Ako. Kung ikaw si Dyepri at si Dyepri ay ikaw. maari kayang ako ay ikaw at ikaw ay ako. Hindi kaya iisa tayo love (hahahah, ang gulo no, ako rin naguluhan eh) 

Ikaw rin pala!! Bakit kaya naisip nila yun!! Dahil kaya pare pareho tayong mahahangin ang utak

Buti bumalik ka na pareng Love este pareng dyeppri

Ingat

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

RJ Santos's picture

"Bukas ng umaga sa aming

"Bukas ng umaga sa aming pagkikita"

Tama ba akong namatay 'yong bida?

Lungkot naman, kung tama ako.

:)



* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

Adlesirc's picture

kuya

malapit na ko makumbinsi... hehehe

 

*nakakita na ko ng pics ng isang binabae habang inooperahan at tinatanggal ang kanyang harap. Grabe!

 

Happy New Year!!!

dyeppri's picture

SALAMAT po sa inyong lahat!!!

medyo busy ako po ako sa ngayon eh! may pinagkakaabalahan akong importante kaya hindi makagawa ng mga asignatura dito... (kung ano 'yun saka ko na lang sasabihin.)salamat ulit.ahihihiCool 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

Pmel's picture

I am thankful for Kritiko

It is because of Kritiko that we are united as one!Nya ha ha ha ha ha ha ha ha! xD

 

 

Like JonsdMur, I never liked you, Dyeppri ... but maybe Ruthie is right. You're an excellent Filipino writer, if not a bit conceited. Lollies! xD

I didn't know you had a sense of humor! Nya ha ha ha ha ha!

 ----------------------------------------------

Note: The bold letters are for me to remember how to spell!!!

jonsdmur's picture

Hindi ka bakla? ows? ahihihihihih!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Hilig mo sa tula ngayon ah.... mukhang busy busy ka....

okie... happy new year na lang sa buong family mo....

Okay ang tula mo.... maganda.....

Bakit kaya nasabi ni kritiko na bakla ka? at laging iyan ang issue sa'yo? iba talaga kapag gwapings eh....

okie... ingats brother 

jons

 

eloisa marie hernandez's picture

haller kuya!!! haller

haller kuya!!! haller ebribadi!!! Aym bak!! nyahaha. Matapos ang napakahabang panahon na nawala ako!! hehe.

 

Kuya dyep, nasa pinas ka pa ba?!  Kelan mo kami padadalhan ng pasalubong ni ate melay?! haha! Kapal ko!

 

Isang napakagandang tula na naman ang iyong naisulat.

Nasasalamin ang reyalidad. tsk tsk..

ata leb, kuya spike, usta na kayo???

<(='.'=)> eloi