hindi ako makata
hindi ako makata.
tawagin mo nalang akong
manghahabi ng tula.
isang manunula, hindi makata.
isang pantas ng kagandahan,
hindi manunula ng ganda.
pintor ng hagpis
mananayaw ng melankoliya,
isang deboto ng mangha na nasusukat
sa lalim ng kalangitan.
hindi ako makata
tawagin mo nalamang akong
sira-ulong iskultor.
sa halip na putik o kahoy,
ang hindi maunawaang substansiya ng poon,
kinulayang berde ng bulag
umuungol na halakhak ng payasong pipi.
hindi ako makata.
isang rebolusyonaryo, hindi makata.
may dalang teleskopyong dilat na salat,
at may mga tagasunod na makatang
tinatawag; may dalang mga itak.
wow vinci
im so glad i've come to read your work again!!!
please add me as a fan.
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
watdaheck!!!hahaha
ang lalim mo. ang lalim ng kuwento ng tula.




perhaps you are not...
yeah, you may not be a poet per se, far from being one. that is because, you are something deeper than that. btw, i love your work.
"if your love were a speck of sand,
mine would be a universe of beaches."