Hindi ako nakapasa sa UP Likhaan Journal
Iyon ang unang pagkakataong sumali ako, hindi naman ako umaasa na manalo o matanggap ang gawa ko, kumbaga, gusto ko lang sumubok kaya n'ung natanggap ko 'yung email sa akin at sinasabi nga na hindi makakasali ang kwento ko, natawa na lang ako.
Walang bitterness. Walang regrets.
Basta, sumubok ako 'yun ang mahalaga, kahit papaano hindi na ako ganoon kaduwag pagdating sa mga bagay na ganyan.
Iyong kwentong isinali ko ( Fairytale ang title ), s'ya ang kauna-unahang kwentong naisulat ko noong nasa kolehiyo pa ako, 'yun ang unang gay lit na nagawa ko, marami pang sidelights akong kaartehan bago ko natapos 'yun. Nag offer pa n'un ang Prof ko na i-proofread, pero sadyang matigas ang ulo ko, ayoko kasing pinakikialaman ng iba ang stories ko, ipapagalaw ko lang 'yun sa taong may tiwala ako pagdating sa pagsusulat.
Wala namang kaso sa akin ang matalo, totoo 'yun, gusto ko lang sumubok sumali, isa pa, very encouraging ang reply naman ng UP likhaan sa akin kahit na hindi ako nakapasok.
Iyon ang napili kong isali at ipasa dahil iyon ang sinabi ng mga kaibigan ko na "pinakamaganda daw" sa lahat ng stories na sinulat ko, isa pa 'yun ang all time favorite ng Gf ko.
Okay lang, marami pang pagkakataon, hanggat pwede at kaya pa ng utak kong magsulat, sulat lang ng sulat.
Salamat sa mga taga FW na inspirasyon ko, lalo na 'yung mga tao dito na alam kong naniniwala sa kakayahan ko. ( meron ba? :) )
Simula kasi nung naging miyembro ako dito, pakiramdam ko, tumapang ako.
...
Isang taon na din pala ako dito.
Salamat mga kapatid.
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/
Really?
Bakit di mo i-try mag-Kule?
Gusto ko sanang mag-try na magbigay dun ng gawa ko, pero hindi naman kasi current and relevant yung mga sinusulat ko. Masyadong personal kaya sabi ko hanggang blog na lang ako.
...manhater
Kule?
binisita ko 'yung link mo sa wordpress, nagustuhan ko ang mga perspektibo mo sa buhay...
Gusto ko din ang Already Gone ni Kelly Clarkson.
You know that I love you so,
I love you enough to let you go...
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
Salamat!
Ang alam ko nga, walang nagbabasa nung blog ko sa WP. Kaya nagulat ako sa sinabi mo. At natuwa. :)
Kule? Hala. Hindi ka ba estudyante sa UP? O ibang UP campus ka lang? The Philippine Collegian ba - yan ang pangalan ng opisyal na pahayagan sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Wala, naisip ko lang, since passionate ka naman about writing, edi mag-apply kang Staff Writer dun. :)
...JC
nalalabuan nga ako sa lagay ng libro ko eh, baka matagalan pa 'yun. kung gusto mo, i-send ko na lang s'yo lahat ng stories na nasa manuscript ko, :)...
autograph?
H'wag na, nakakahiya, mahiyain pa naman talaga ako.
.
.
.
.
.
...
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
ayos lang yan...
subok lang ng subok. halos lahat ng success story nagsimula muna sa kabiguan.
ang mahaga naniniwala ka sa yong sarili.
congrats at naka isang taon ka d2 sa FW. salamat at isang taon mo na kaming binabahagian ng iyong talento.
cheers!
...closet writer
salamat ha, iyon naman talaga ang mahalaga, 'yung maniwala ka sa sarili mo kasi kahit na talikuran ka na at lokohin ng buong mundo, hanggat naniniwala ka sa kakayahan mo, magagawa mong mabuhay dahil alam mong may dahilan para magpatuloy.
God bless.
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
sinta...
isa ako sa nakakita ng potential mo sa mga sinulat mo. Isa ka sa mga masasabing magagaling sa site na ito...kaya tama iyan, wag kang panghihinaan ng loob. mahaba pa ang listahan ng publishers kapatid. marami ka pang opportunity na masasalubong. basta kapag dumating ang mga iyon, grab lang ng grab... okay!
*****
"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka."
...kapatid na melay
salamat sa iyo kapatid, hindi mo alam kung ga'no nakakadagdag ng pride ang mga komento mula sa iyo.
salamat sa paniniwala.
Salamat talaga.
Goodluck sa ating mga career. :)
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
wag susuko
Mga Obra ni Jonsdmur
Balarila - Wastong Gamit ng Salita
at mabuti at matapang ka pa rin
ganyan talaga... kahit maganda na.. eh minsan hirap pa rin sa pag published... sabi nga nila... wag mawalan ng pag asa... subok pa rin nang subok....
at sa pagsali naman ng mga contest.. okay lang na matalo, ang mahalaga ginawa mo ang lahat... at lumaban ka... at naging matapang para sa susunod na sasalihan
ako.. dati nagmamadali ako na sana maka published ako... kaso ngayon naisip ko... wag magmadali... saka bata pa ako.... marami pang pagkakataon.... darating din ang swerte.... ang mahalaga patuloy akong mahasa.. para sa paghahanda sa tamang panahon.... hehehehe
Goodluck sayo.. 
binasa ko yung kwento
binasa ko yung kwento mo sa i.ph, ang lungkot naman ng ladylove, di ko matake ang ending, bakit ganun? bakit hindi sinabi ni meagan ang feelings nya for catelin?
maganda ang twist, suprising.
...maiden
salamat ha at binisita mo ang link ko at binasa mo ang Ladylove. isa 'yung Ladylove sa mga kwentong niligwak ng publishing house na pinasahan ko ng manuscript ko. hindi daw maganda na mabasa ng mga teen lesbian.
gusto nila, baguhin ang ending. ewan ko pa, 'di ko pa mapag-isipan. baka baguhin ko na nga lang, kung gusto ko magkaroon ng libro. :)
Salamat sa pagbabasa.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
...jons
salamat jon...
tama ka, bata pa t'yo, (bata pa ba ako?) mahahasa at mahahasa pa t'yo, 'yung tipong sa sobrang hasa, tatalim t'yo at 'yung mga kwento natin, hihiwa sa utak ng mga taong makakabasa nito, manunugat at mag-iiwan ng bakas...
hindi makakalimutan kailanman.
Wow, parang pa intelektwal 'ata ang reply ko. :)
salamat jon.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
ako din!
Hi Sinta, ganito ba sinabi sa iyo ng editor ng UP likhaan?
Dear Rom,
Hi. Thanks very much for submitting your work for possible publication in Likhaan 3, the 2009 issue of the UP Institute of Creative Writing's literary journal. Unfortunately, space limitations and budget constraints forced us to accept only a very select few of the many submissions. In some cases, although our referees recommended the entry, we couldn't use it for these reasons. We are grateful for your interest and wish you good luck in your writing career.
Best regards,
JING
CRISTINA PANTOJA HIDALGO
Editor-in-Chief
o ayan di ka na nag-iisa ha ako din e hehe...
di bale alam ko namang nag-aantay lang ng tamang panahon ang mga gawa natin e, (naki natin na ako hehe)
good luck sa atin next time
...kuya rom
'yun nga 'yun kuya, very encouraging 'di ba? :)
Oo kuya, tama ka, naghihintay lang ng tamang panahon ang mga kwento natin at 'pag dumating na 'yung panahong 'yun, magbubunyi ang mga anghel sa lupa. LOL!
salamat kuya, laki ng naibahagi mo at ng mga taga fw sa "awakening" ko.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
darating din ang araw natin
darating din ang araw natin :)
speaking of UP invite ko kayo sa painting exhibit na sasalihan ko ha sa UPLB
dec 8 announce ko dito kapag plantsado na.
kita-kits!
...manhater
hindi ako sa UP nag-aral, galing ako sa Unibersidad ng Silangan...
May nagbabasa ng blog mo, isa ako dun at hindi ko s'ya binasa para lang pampalipas oras, binasa ko s'ya dahil gusto kong may mabasa na may matututunan ako.
... salamat muli kapatid.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
Ganun ba?
Pasensya ka na. :) Namali ata ako ng pagkakaintindi sa title lang naman. :)
At salamat sa oras na ginugol mo sa pagbabasa ng aking mga saloobin. Mabuhay ka! :)
...
okay lang, sa totoo lang, marami nga ang nag-aakala na taga UP ako, gustuhin ko man, hindi eh.:) pero Proud na proud naman ako sa School ko.
...
tingin ko s'yo, napaka profound mong tao.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
Profound?
Parang hindi naman. Haha. Diba pag profound... litaw na litaw? E tagong tago nga ako. Hehe.
Nako, ganyan talaga kapag matalino. Umaani ng papuri. Ako nga bilib sayo e. Hehe.
Malalim ba?
Hehe. Ganun talaga siguro kapag loner. Sa blog ko lang nalalabas ang lahat ng emotions. Wala kasi akong close friend. Puro acquaintance lang.
.
marami pang next time, sinta and kuya rom, nananatili nyo pa rin akong tagahanga and proud akong mga kaibigan ko kayo. naks =)
...anne

oo naman, proud tayo sa isa't-isa... at masaya din ako dahil naging parte k'yo ng buhay ko.
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/
ganon?
ang pagkaka build kasi ng character ni catelin parang ang weak ng personality nya, base on her journal parang bibigay na sya yun pala hindi. basta ang galing ng twist, i almost believed that she was the one who committed suicide, tapos yung pagkakasulat very highschool, parang highschool talaga yung gumawa. galing ng mga scenes ang sarap ivisualize sa utak, and then, i like the way she loved meagan, very sweet, very highschool. tapos yung part na they had sex, hahahahaha super napa what the heck ako, okay lang kahit hindi detalyado.
I love this part;
“Was it okay?”
Sinulyapan n’ya ako habang sinusuot n’ya ang kanyang boxer shorts. Inabot n’ya sa akin ang isang Victoria secret na panty at ngumiti.
“It was amazing.”
Humiga ako sa kama. Tumabi s’ya sa akin at hinaplos haplos ang braso ko.
“Thank you Cate.” She whispered to my ear.
“For what?”
“For this…”
Hindi ako kumibo. I felt like something bad will happen and I’m right.
“I can finally do it with Emmie. You know, gusto n’ya na kasing gawin namin ‘to, but she doesn’t want to do it with a virgin, mahirap daw kasi at hindi n’ya na e-enjoy. I lied to her Cate, I told her na ‘di na ‘ko virgin, na may gumamit na sa akin ng strap on, kaya dinate n’ya ako, kaya naging kami…”
My tears fell. Thank goodness, nakatalikod ako sa kanya at hindi n’ya ako nakikita.
“Tomorrow, samahan mo ako ha, saglit lang naman ‘yun. Sigurado kasi na papayagan ako umalis ni Mommy tomorrow kung ikaw ang kasama ko.”
Hindi ako sumagot. Ayokong mag salita. Ayokong kumilos. Ayoko nang mabuhay.
Niyakap n’ya ako at hinalikan ang balikat ko.
“Hindi t’yo dapat maghiwalay Cate, I’m not good when I’m alone.”
Hindi ako kumibo.
“Catelin, are you falling asleep?”
“Yes and at the same time, I’m falling apart…”
Alam kong narinig n’ya ang sinabi ko. Umayos s’ya nang pagkakahiga at ilang saglit lang ay tuluyan na s’yang nakatulog.
Tumayo na ako at umuwi.
I cried.
at ang ending, heartbreaking talaga.
galing galing!
sumali ako ng palanca this
sumali ako ng palanca this year. yung piece ko hindi pinag-isipan.
parang ah ok, just wana figure kung may sense.
aminado din ako na hindi worth para parangalan yung isinali ko, pero may mga kaibigan ako sabi maganda daw.
so i believe kung mga ibang tao lang din yung nag-judge, iba din posible ang mga resulta. but im not saying na wala silang kredibilidad, that's not.
what im pointing is, gaya ng sinasabi ko, subjective sa kung sino ang nagsasabi kung alin ang maganda, alin ang hindi.
kasi iba-ibang tao ang mambabasa e.
ang esensyal lang,sa palagay ko, e yung me nagbasa sa gawa mo, at sa mga parte ng pagkatao nya naapektuhan mo sya, o nakaabot ka sa kanya.
sabi ko kahit hindi ako manalo, may makaapreciate lang ng gawa ko, at mbigyan ko siya ng ngiti o hope, o whatever, parang nakarating na ko sa point. haha..
it's not about winning anyway, it's about learning. you're still you. mabuhay ka. :)
pero sino rin bang ayaw manalo. haha.










ui nabasa ko sa thread kay
ui nabasa ko sa thread kay kuya jon...
me libro ka? update mo ko pag nasa market na kaso ung ibang book na busto ko wala dito sa place namin... paautograph ha? =D
Pagtatalik at pagsusulat: Isang paghahambing
Ang pinakamasiklab na romansa at orgasmo ng isang manunulat ay ang makaulayaw ang mga salita at makagawa ng isang akda; ang luwalhati niya'y ang mabasa ang kaniyang likha!
-