HINDI KITA KAYANG IBIGIN

Allanjohn Andres's picture

(Halaw kay Pablo Neruda)

Hindi kita kayang ibigin
gaya ng isang hiyas na mamahalin
o tulad ng lumiliyab na sampaguita
sa gabing sakdal-dilim. Iniibig kita
gaya ng kung paanong dapat magmahal
nang lihim, sa pagitan ng kaluluwa

at anino. Iniibig kita
gaya ng isang hardinero,
nagdidilig sa halamang di pa tumutubo,
naghihintay sa pagkinang
ng bulaklak na pausbong pa lang.
Salamat na rin

sa isinaboy mong paglingap sa akin
at isang halimuyak ang kumakalat
ngayon sa lupa, gumagayak sa aking katawan
nang payapang-payapa. Iniibig kita
nang di ko nalalaman ang paano at kailan,
o kung saan nagbubuhat ang saan.

Iniibig kita nang walang pag-aatubili,
walang halong pagkukunwari
at lalong di mapagmalaki.
Iniibig kita sapagkat wala akong alam
na ibang dahilan
maliban sa: Ang “ikaw” at ang “ako”
ay sabay nating pinaglalaho

at ang iyong palad
ay nagiging palad ko
tuwing dinarama mo
ang pintig ng aking puso;
ang iyong mga mata
‘pag nakikita kong pumikit,
pakinggan mo
at nagsisimula na 'kong humilik.


Luca's picture

ang galing naman

pwede magrequest ng isa pang neruda, yung "if you forget me" 

wag kang pipikit...

Allanjohn Andres's picture

Sige, meron ako niyan.

Sige, meron ako niyan. Halaw. Salamat sa pagbisita. :)

Luca's picture

yehey!!!

salamat bossing at HAPPY HALAWING! (weh...) 

wag kang pipikit...

Francheska's picture

okay sana

Okay p're yun tula mo, pero mas trip ko kasi ang mga original eh, medyo tagilid ang point of view ko sa mga halaw eh, parang sa kanta, di ko trip ang mga revival.

Pero may talent ka, maganda mga halaw mo, sana makabasa ako ng original mo p're. Dalawin ko yung links mo ha. Hehehe.

Allanjohn Andres's picture

salamat, francheska

 

Sige, aalayan kita ng sankatutak na halaw dito sa blog na ito. Hanggang di ka na matunawan at mapilitan nang magpanumbalik ng tiwala sa ganitong mga akda.

Awright... salamat rin sa komentaryo.hihihi.

 

 

 

galatea hopkirk's picture

 ito ba yung "i do not love

 ito ba yung "i do not love you" ni pablo neruda?

iyon ang pinakapaborito kong akda niya.

mahusay. mabuhay ka kaibigan. ;)

-Galatea Artemis

"An eye for an eye makes the whole world blind..."

-Mahatma Gandhi

Allanjohn Andres's picture

Hi. Salamat sa pagbisita.

Hi. Salamat sa pagbisita. Sana makadaan ka rin sa site ko sa http://www.allanandres.blogspot.com/ kung saan naroon ang manipis kong kalipunan ng mga akda.

Kayo po ba, saan maaaring i-access ang mga trabaho ninyo? 

 

 

galatea hopkirk's picture

trip ko din ngayon ang

trip ko din ngayon ang maghalaw ng kung anu-ano. at paborito ko si Pablo Neruda at Elizabeth Barret-Browning. gagawa pa sana ako ng para sa "I Do Not Love You" pero naunahan mo ako. hindi ko naman kayang pantayan ang ginawa mo. hehe.

meron akong blog sa wordpress.

www.galatea03.wordpress.com

pero tatlo pa lang ata ang nandun. sasabihan kita kapag kumpleto ko na. hehe.

bibisitahin ko ang mga gawa mo. =)

-Galatea Artemis

"An eye for an eye makes the whole world blind..."

-Mahatma Gandhi

Allanjohn Andres's picture

gawin mo pa rin 'yong

gawin mo pa rin 'yong bersyon mo. at makikibasa ha.

galatea hopkirk's picture

 sige na nga. pero maganda

 sige na nga. pero maganda talga ang pagkakahabi mo. hehe.

=)

-Galatea Artemis

"An eye for an eye makes the whole world blind..."

-Mahatma Gandhi

kinilabutan ako!

uy uy....... ito ang pinakapaborito kong tula ni neruda!

aw.. nakakainlove!!!!! sobra

salamat dito allanjohn

 

Iniibig kita sapagkat wala akong alam
na ibang dahilan
maliban sa: Ang “ikaw” at ang “ako”
ay sabay nating pinaglalaho

 

ay kailan kaya ako makakatanggap ng mga ganitong tula..

 

hala sige mangarap!

 

salamat ha!! pinangiti mo ako..

sana ako rin makapagsalin!

http://soundclick.com/share?songid=7575636

http://soundclick.com/share?songid=7553142

"hinahang

Allanjohn Andres's picture

:)

salamat din... haha. sige, para sa 'yo na lang ito.

bakit ba patok na patok sa mga girls si neruda (papa pablo sabi ni luca)?

eh kasi naman

huli niya ang sentimentality ng puso ng mga girlalu!!

 

talaga sa akin na lang.. hehehehe

 

napangiti mo ako  ulit...

salamat!

http://soundclick.com/share?songid=7575636

http://soundclick.com/share?songid=7553142

"hinahang

galatea hopkirk's picture

 kuya allan, tama si ate

 kuya allan, tama si ate talulot.

oo nga, huli niya ang sentimiyento ng mga gurlings.. dahil siguro sa fine choice of words niya at sa sinseridad.

sana makatanggap din ako ng ganito, kaso ang magbibigay sa akin ay hindi marunong mag-Tagalog. aw.

pinupuri kong muli ang gawa mo. =)

 PS. salamat sa pagpuna ng gawa ko.

-Galatea Artemis

"An eye for an eye makes the whole world blind..."

-Mahatma Gandhi