Hindi kundi Dahil
Hindi mahalaga kung ga'no na ba katagal tayong dalawa
dahil ang importante'y damdamin natin para sa isa't isa
hindi rin usapin kung ga'no pa ba kalayo ang dapat nating lakbayin
dahil ang sukatan nito'y kung ano ang nasa kalooban natin
hindi naman basta masabing minamahal kita
dahil higit sa lahat kung pa'no natin 'to maipadadama
hindi rin maaaring bahala na
dahil pa'no bukas kung biglang mawala ka
hindi naman makabubuting palaging pakinggan sasabihin ng iba
dahil kung minsan dulot nito'y pagdurusa
hindi naman kapintasan ang mga kakulangan
dahil ang mga ito'y maaaring mapunan
hindi ikaw o ako lamang ang dapat masunod
dahil kung ito'y iiral ang isa'y mapapagod
hindi mapanghahawakan kung ano ang ngayon
dahil lahat ay nababago kaalinsabay ng panahon
hindi makasisigurong habambuhay ako'y sa'yo, ikaw ay akin
dahil maaaring bukas may panibagong darating
hindi mapagbabatayan kung ga'no na ba tayo katagal
dahil natututunan ng pusong sa iba magmahal.


