Hindi Lahat ng First Time ay ang WOW

dyeppri's picture

Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin;}

 

 

 

 _____________________________________________________________________________________

 

Hindi Lahat ng First Time ay ang WOW

dyeppri*1975

 

Putcha magdadalawang oras na ako sa harap ng computer na ito. Masakit na ang mata ko ngunit wala pa ring mabuo. Pindot. Sulat. Bura. Mabuti na lang at naimbento ang laptop na ito. Hindi tulad noon na halos maubos ko na ang isang rim ng typewriting paper. Mahal ang magsulat nuon dahil para akong nagtatapon ng bawat bente-singko sa  papel na nilalamukos ko at naisho-shoot ko sa basurahang lata ng biscuit na rebisco.  At mabuti na lang din at may napaglilibangan akong yosi. Ibat-ibang imahe na pilit binubuo sa bawat buga ko kasabay ng mga imaheng inaapuhap ko para maka- buo ng isang kwento. Ngunit patuloy na nililipad ang bawat ideyang nabubuo tulad ng usok na dahan dahang pinapawi ng ihip ng hangin.

Hindi ko na matandaan kung kelan ang saktong taon ng  una akong  humawak ng yosi. Ngunit ang kung papano ko tinikman ang unang lasa nito ay hindi ko malilimutan dahil katulad din ito marahil ng una mong pagtikim sa una mong karanasan sa seks. Oo seks nga! Ganoon kasing dahan-dahan, nakakakaba, nakakatakot, hindi alam kung ano ang mangyayari kung ikaw ay masasarapan o uubuhin.

Bertdey ni Erpat noon at walang katapusang pamumulot ko sa mga nangangatumbang mga bote ng San Miguel ang pinagkakaabalahan ko. Hindi napansin ni Tiyo Ambo ng mahulog ang pakete ng sigarilyo niya. Dalawang stick pa ang laman noon ang nakita ko at agad kong binulsa. Sibat agad ako sa likod ng bahay at naghagilap ng pusporo.  Nanginginig pa ako ng kunin ko ang isa, marahil sa pananabik o takot. Ngunit gusto ko talaga itong masubukan. Kelangan labanan ang takot. Mukha namang masarap ito dahil ang mga nakikita ko sa mukha ng bawat may tangan nito ay tila paglalaro lamang sa mga labi habang binubuga ang dalang usok nito. Pero teka, parang hindi swabe kong walang makakasaksi kung anong sensasyon ang mararamdaman ko ah, sa isip ko. Agad hinagilap ko ang bestpren ko noong panahong iyon, si Jinky.

Duon tayo, pagyayaya ko.  Hinila ko siya doon sa may sagingan. Sa walang makakakita sa gagawin naming pagsubok kung anong sarap meron ang yosi. Inilabas ko ang isa. Mahaba iyon at hindi kagaya ng parating ipinabibili ni Papa sa akin na Malboro. Pinahawakan ko kay Jinky ang isang sitck ng posporo upang siya ang maging taga-sindi. Siniksik ko na sa dalawa kong daliri ang yosi. Ginaya ko ang porma ng bawat may tangan noon.

Sige na, sindihan mo na. Ayaw pa niya at natatakot daw siya. Baka may makakita sa amin o makaalam at mapapagalitan siya ng mommy niya. Pihadong malilintikan daw kami. Wala namang masama kong sumubok, at minsan lang naman sabi ko.

Pilitin mo muna ako, sabi niya. Eh kanina ko pa nga siya pinpilit at naaasar na nga ako. Bestpren naman niya ako kaya dapat magkasama kami sa lahat ng first time sabi ko.

At parang nakonsensya siya sa sinabi ko. Pumayag na siya. Sabi ko ako muna ang hihithit pagkatapos ay ipapasa ko naman sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko pakiramdam ko.  Lagubdob-lagubdob ang tibok nito sabi ko sa kanya. Nagtawanan kami.

Inilapat ko na sa bibig ko ang yosi. Basang-basa na ito ng laway bago pa man ito madikitan ng apoy. Ayaw magningas. Narinig ko sa kanya sa marahang  boses nito, hithitin mo Poy ng dahan-dahan.

Umapoy ito. Naramdaman ko ang kakaibang usok sa bibig ko. Ang init nito na pumapasok sa akin. Ang sarap ng unang pagtikim sa pinagbabawal sa tulad kong bata pa daw at para lamang sa matatanda. Napangite ako at mayamaya ay hindi mapigilang hindi mapa-ubo.Napangite ako. Nagkatinginan kami.

Alam na niya ang ibig kong sabihin ng mga ngiteng iyon. Siya naman dapat ang susubok. Ibinigay ko sa kanya. Napaubo rin siya ng malakas. Masmalakas pa. Tawanan nanaman kami.

Sabay naming dinamdam ni Jinky ang pagkahilo. Ang pagtikim sa bawal. Ang pagtikim sa First Time na pagyoyosi. Kakaiba ang  sarap noon. Hindi kagaya noong una akong uminom ng beer, unang serup, unang drugs. Mga unang bawal na parang hindi una. Mga balewala. Mga bagay na kay bilis malimutan at hindi na maalaala kung papano at anong saktong nangyari.

At unang seks. Hindi rin. Hindi rin gaanong kaimportante. Wala ring kwenta. Mas mainam ang Fifth Time para sa akin. Mas kapanapanabik. Masmemorable. Bakit? Tatanungin pa ba iyon. Syempre dahil pa rin sa kanya...


spike_west's picture

Tama ka hindi nga lahat ng first time Masarap

Syempre may mga bagay din na kapag natikman mo na eh hindi mo na uulitin pa.

 

Medyo iniisip ko kung ano ang mesahe sa likod ng kwento pero di ko nakuha talaga (di ko alam kung  may mensahe talaga)

Nagtataka din ako bakit sigarilyo ang subject ng kwento. Basta medyo di ko gaanong makuha ang gusto mong ipahiwatig

 

Ingat bro

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

spike_west's picture

Tama ka hindi nga lahat ng first time Masarap

Syempre may mga bagay din na kapag natikman mo na eh hindi mo na uulitin pa.

 

Medyo iniisip ko kung ano ang mesahe sa likod ng kwento pero di ko nakuha talaga (di ko alam kung  may mensahe talaga)

Nagtataka din ako bakit sigarilyo ang subject ng kwento. Basta medyo di ko gaanong makuha ang gusto mong ipahiwatig

 

Ingat bro

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

jerks619's picture

hellow qya spike,,,,

kuya paano po vha me makakapag post ng tula sa live discussion???? guzto q rin po kcng mag post ng mga blog ehhh,,, first tym q plang kcng  sumali d2 xa filipino writer ehhh,,,  oo nga po pla me po c jerick veras ng sta cruz laguna,,

Smile

Rom's picture

 hehe...idinaan pa sa yosi

 hehe...idinaan pa sa yosi e.

ito namang si spike di agad na gets e kita mo naman bespren nya si Jinky as in girlash, kung hihila ka ng bespren sa edad na yan at susubok ng bawal palagay mo babaeng "bespren" ang meron ka?

kita mo naman naghithitan sila at basang-basa ng laway ang "yosi" 

 

KarikaTuura

dyeppri's picture

uu nga...tama si kuya rom! klap! klap! klap!!!

sa kabagutan minsan ay kinakailangan mo humagilap ng mapagkukunan ng kwento... maginoo pero medyo bastos! bwahahaha...Laughing

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

jonsdmur's picture

gusto ko ang ganitong kwento

 

 

 

di na ako magsasalita basta nagustuhan ko....

jons

dyeppri's picture

na miss ko na...

na miss ko na ang gumawa ng mga kwentong tulad nito...na miss ko rin ang mga komento mo bro... si jons at si k. rom... minsan n lang ako mapadaan dito eh. sana marami pa ang nagsusulat!!! sana marami pa akong time na magsulat. sana!

                           http://dyeppri.wordpress.com/