ang buhay- buhay sa araw at gabi at araw
Umaga nanaman
alas sais palang imbes tilaok ng manok ang maririnig mo,
tilaok na ni mamma <sa pinaghalong tono ng bading at mayayaman kahit kami hindi, mamma>
ang maririnig mo para gisingin ka
mapipilitan ka tuloy bumangon
sa higaan aat ipagdasal na maging maganda pa rin ang araw mo
unting himas sa muka para medyo magising, at maalala na late na
naman ako sa trabaho.
pasimpleng tutunganga sa damitan
at mag iisip kung ano na naman ang isusuot,
magiisip
magiisip
mag iisip
hanggang sa
hindi mapansin na nakatulog na naman ang diwa ko
tulala na naman ako,parang naka-damo.
maririnig na naman ang tilaok ni mamma
pagalit na magtatanong kung hindi
pa ba ako aalis sa tahanan
namin na madalas kong tinatakasan.
"anong oras na?ganito ba ang oras na sinabi sayo ni (pangalan ni boss)?
<pasimpleng sisilip sa orasan>
"anak ng tinapa, Alas otso na kaya pala naghihimutok na naman pala si mamma"
Kahit alas otso ang time-in ko sa opisina, alas otso din ang alis ko sa bahay.
Isang oras ang byahe kahit magkapit-lugar lang opisina at bahay<Trivia; sa sobrang lapit nila sa isa't isa, nag aagawan sila ng lupa>, napakalayo kung susuriin ang oras ng byahe halos mag kasing haba lang kami ng katrabaho ko na isang oras din ang byahe. Pero namaaaan, si opismeyt taga laguna ako dyan lang. Isang oras kung babyahiin at dalawang oras naman kung lalakarin.
Sa wakas malapit na ako sa opisina, pag baba ng jeep huhulaan ko pa kung iyon na ba ang "last stop" ni mamang tsuper. Dalawa kasing babaan yun, Isa sa unahan papuntang paseo at isa sa papuntang rufino. . ilang dipa lang ang distansya ng hihintuan ni manong mula sa una, kaya napakahirap talagang tantyahin kung mamalasin ka pa ididretso ka sa unahan ang pinaka dulo ng daan.
nakakalula ang laki ng building. . . .
pero syempre hindi yun ang sa amin, limang palapag lang ang amin
kumpara sa 100 floors ng iba.....
kumbaga, talampakan lang kami ng mga higanteng building dito. Pero ayos na din siguro, pag lumindol mas mauuna silang mauuga. Dito madaling malaman kapag bagong salta ka, panay-panay kasi ang tingala mo sa building pag nagsisimula ka ng maligaw, Nung mga unang araw ko dito parang nasa ibang bansa ang pakiramdam ko, nakakalula kasi ang mga building sa taas kumpara sa madalas kung makitang puno at tsismosa kong mga dating kapit bahay at dahil na din sa pag kadalas na pag kaligaw ko noon sa lugar na iyon.
Sa kalye dito madaming pakalat-kalat na mga taong naninigarilyo lalo na yung mga taga call centers parang araw-araw ipangsasabong ka nila dahil sa pag papausok nila na gagawin nila sayo <sadya man o hindi>tuwing dadaan ka sa teritoryo nila. Minsan mapagkakamalan mong nanlalabo ang mga mata mo dahil sa usok nila at mandidilim din ang mga paningin mo sa iba nilang mga kasama na masakit sa parehong mata at sa tenga.
Sa building namin sari-saring muka ng tao ang makikita mo. Nandyan yung mukang tao, nagpapakatao,nagdadalang-tao at mga ginawang tao. Kanya-kanya kwento ang meron dito, Mga makukulay na buhay mas makulay pa sa "36 crayon colors" pero syempre hindi ko na ikwekwento sa inyo hindi ko to ginawa para mag tsismis lang at isulat ang history nila.
Building na ako, makakasalubong ko agad ang gwardiyang madalas magpacute sa akin at isusulat ang time-in ko<na minsan gusto ko utuin at sabihing wag isulat na late ako dahil cute naman sya>, pasok sa elevator kahit sa isang palapag lang ang aakyatin<minsan kasi naiisip ko na sayang ang kuryente kung di nagagamit ang elevator>. Sa wakas nasa pinto na ako ng opis, walang magbubukas sa akin para ako makapasok dahil nasa akin ang susi wahahaha.
Pag naka pasok na ako sabay luhod at magdadasal ulit na salamat at iningatan ako pagpasok at sana bigyan ako ng sipag at tyaga sa pagtatrabaho at wag sana akong antukin.
Ayan na, unti-unti ng dumarating ang mga kasamahan ko sa trabaho at magsisimula na ang araw ko,ang araw na gusto ko laging matapos.
Noon, madalas ako sa mga bangko dahil pagbabayad ng bills ang duty ko at madalas ko din eksyus ito pagpumunta dito si boss. Mahirap talaga pag nakaswitch ka sa messenger mode trabaho mo kasi ang magpagala-gala pero napansin ko din na mas madali na ito kesa sa magbilang ng kita ng iba at humarap sa nakakaantok na paglilibro.Pagnakakaramdam na ako ng panlalamig ng aircon <kahit ako lang ang nilalamig> ang kulay pink na CR sa building ang kanlungan ko sa pag papainit dahil walang aircon doon at doon din pala ako umiidlip pag inaantok ako, ayoko kasi makonsensya kapag nahuhuli ako ni bossing na umiidlip dahil iniisip nya na masama ang pakiramdam ko at gusto nya ako pauwiin.
Ayan lunch na, noong una sila bumibili at ako nagbabaon. mahiyain pa kasi ako bumili at hindi ko alam kung paano bumili at hindi ko rin naman alam kung saan ang bilihan ahahah idagdag mo pa ang pagkukumbinsi ni mamma araw-araw na magbaon na lang ako.Darating na ang hapon at magkakape na kami pero syempre magsisimula na ako magtanong kung gusto nila magkape kahit na ang gusto ko sabihin e "gusto ko magkape, magkape na din kayo para makapag-kape na ako".
ilang oras na lang mamamatay na ang aircon<sa wakas> tanda ng oras nang pag-uwi. Noon alas 5 palang umuuwi na ako dahil sa dalawang dahilan lang naman, may date o atat na talaga makauwi, ngayon umuuwi ako kasabay ang katrabaho ko, kahit walang bayad ang OT dito madalas pa rin ako mag OT kasi nga hinihintay ko si opismeyt, OT <Over Tunganga>sa computer.
At sa pag uwi, mas mararamdaman mo na mas nakakapagod mag antay ng bus ng FTI, dahil kung hindi sila puno,umaapaw ang mga sakay na pasahero kaya ayun mapipilitan kang sumabit na lang sa pintuan ng bus pero syempre kung kili'gin" ang katabi mo na pasahero e, bibigyan ka ng espisyal tritmint" pero malas nga lang pag katabi mo e ang taong sinalo ang lahat ng libog ng magsaboy nito. dahil didiskartehan ka na mamanyak. <mamaw pa ang muka>.bababa ka ng bus na nandidri sa kanila dahil hindi sila puge.
Ayan nakauwi na din ako. . . . . . .mabilis lang ang byahe, driver kasi ng roller coaster ang mga driver kung kaya pag niyayaya ako na magroller coaster alam ko na ang pakiramdam kahit di pa ako nakakasakay sa ganun ng araw na yun, driver din ng drag yun mga yun kaya swabe... sila ang magpapadali ng buhay mo hindi mo na kailangan magisip kung paano kikitlin ang sariling buhay mo kapag gusto mo magpatiwakal dahil sumakay ka lang sa mga bus na ganun ang driver e, solve na problema mo dahil ihahatid ka nila sa kamatayan mo ng pakuyakoy-kuyakoy ka lang ika nga e, effortless at hindi mo na rin kailangan manghula kung sino ang mga driver na ganun kasi mas marami sila na balasubas mag drive. <hindi sa naninira totoo opinyon lang ng sobrang nakakarami>
Gabi na, matutulog na ako at kailangan ng magdasal at mag pasalamat, pasalamat dahil safe ako nakauwi at maganda naman ang araw koat ipagdadasal ko na naman na maging safe ang pagtulog namin at bigyan pa ako at kami ng isa pang araw upang mabuhay at makapag bagong buhay at upang makapiling ang aming minamahal sa buhay. Amen
ZZzzzZZZ
ZZZzzzz
SSnooorrkkzzzz
zzzZzz
Umaga na:
anak gising na! alas sais na malelate ka na..
paki ulit na lang ang pagbasa sa itaas.. hhHhahaha
oy girl, basta ingat ka
oy girl, basta ingat ka lagi. waha,
thanksss basahin mo po ulit
thanksss
basahin mo po ulit may mga dinagdag ako ulit e
sabi, sabi lang naman,
sabi, sabi lang naman, nakakabaliw daw yung bagay na ginagawang paulit-ulit. chos.
well be happy, meron kang trabaho. isipin mo na lang maraming tao ang gustong makarating sa lugar na meron ka ngayon, hehe.
work hard! harder!
girl plano kong tanggalin yung ibang mga sinulat ko dito.
kasi dont hv any copyright.
ang mga pinopost ko lang yung mga leftovers na hindi ko sinasali sa koleksyon ko.
dalang-dala na kasi akong manakawan ng trabaho.
kasi ang sakit non.
girl, mabuhay ka!
naniniwala akong mabuti ang buhay para sa'tig lahat.
wait? bakit ko ba sinasabi 'to?
wala lang. epal lang.
ingat.
naku sister post mo lang yan
naku sister post mo lang yan
makakarma din yun mga gumgawa sayo nyan
ang importante e, naipapahayag mo yung gusto mo sa pamamagitan dito..
anyway minsan ko lang naman mahing routine yun e
hehe
cassandra pakapalan na ng
cassandra pakapalan na ng mukha 'to ah, bwaha, pag me oras ka, basahin mo naman yung story ko. "Si Geoff at si Scarlet".
sabi ko lang hindi na 'ko magpo-post e.
tnx :)
o sige reread ko po pag
o sige reread ko po pag tagalog gusto ko talagang basahin hehehe
sa bawat sinusulat ko ay ang bawat letra ng Buhay ko


^_^
haha.. that got me laughing longer than the time it took me to read it.. that was fun for something really short.. kinda reminds me of how i was back in high school.. keep it up, girl! ^_^