HIPO (tula)
Si lolo na gigolo
noong panahon ng Amer'kano
sa akin ay nagpayo
ng payong-binatilyo. Dahil seryoso
sa kaniyang pagkukuro
na gawaing baliko
itong gawaing panghihipo,
bago matulog, ang bilin niya'y ito:
"Apo, gawaing baliko
itong gawaing panghihipo". 'Ka niya, ang kati
sa impeksyon ang uwi
'pag kinamot parati, bagay kaya nasabi ko dati
na magtitimpi ako palagi. Pero kanina
katabi kita
habang nagkakape, sumasampal ang buga
ng iyong bunganga
sa aking mukha.
Dahil di ko magawa
tingnan nang matama
at nang higit pa sa bahagya
ang iyong mata,
samakatuwid, tumawid
ang aking titig
pababa sa iyong baba, sa mabalahibong leeg,
sa nakatindig
mong dibdib. Ang dibdib
mong lubhang nagpapasikip
sa paulit-ulit na pag-ahon,
paglusong
ng aking buntung-
hininga. Ah,
ang dibdib mong lalong umaalsa
sa likod ng asul na blusa.
At dahil kapwa natin batid
na ang ganitong saglit
ay baka di na maulit
(kumbaga'y sino ang papipigil
sa ganitong panggigigil?)
bigla, tila nabigla kong pinisil
ang palad mo. Tumayo
ang aking balahibo.
Nanlamig ako
sa aking inasal.
Masama pala'ng kulang
sa pagtitimpi't dasal.
At ngayong nahimasmasan
huli na nang maintindihan
ang puno't dahilan
ng sukdulan mong imbyerna.
Kaya pasensiya na
at sori talaga:
tampalasan ma't walanghiya,
ito lang ang kasalanang muli't muli'y kaya
ng puson kong mahina.
!
Aws!
Nakakakiliti naman ang tulang ito.
Clap! Clap! Clap!
Taob na taob si Kumpareng Edward Estlin sa tula ninyong ito ah.
http://reyastone.blogspot.com/
;-)
Uy, kosa... kumusta na!
Salamat sa pagbabasa. Pero para sa akin, wala pa ring puwede magpataob kay e.e... Original na boy bastos 'yon eh! haha.
mahusay. *tambling
mahusay.
*tambling
-
Ika-dalawampung taon na nitong Abril mula nang una kong kathain ang piyesang ito. Nais ko lang po muling ibahagi.
Kalakip ang ilang revisions. Gayunma'y kasing-dekadente pa rin nung una.
Saka-sakali, maraming salamat sa inyong pagpapaunlak.
kaya po pala magaling. mas
kaya po pala magaling. mas matanda pa sakin itong piyesang ito.
;-)
aba... lukong bata ito ah!
dipo ako bata. ang mga
dipo ako bata. ang mga sulatin ko po ang bata, pero nagpapatanda. :)
hehehe. mano po.
Ang husay naman ng tulang
Ang husay naman ng tulang to.... 
;-)
sir, maraming salamat po!






;-)
Palibhasa walang mahagilap na parangal para sa Hunyo A-Dose