Holdap

Luca's picture

Sa buong buhay ko, walong beses na akong nanakawan. Apat doon, holdap.

Wag kayong mag-alala, naeenjoy ko ang mga pangyayaring yun. Hindi kasi ako sanay na nagfifeeling kawawa sa sarili ko. Iniisip ko na lang na tuwing nahoholdap ako, umiikot ang dugo ko ng mas mabilis at tumataas ang metabolic rate ko. (Bagong fad diet)

Paborito kong insidente ng panghoholdap ay yung minsang umuwi ako galing sa Eastwood. Unang sweldo ko noon sa trabaho. May limang libo ako sa bag. At kakagaling ko lang sa inuman.

Sa liit kong tao, hindi malayong isiping pushover ako. (Well, pushover ako minsan, depende sa nagpupush.) Naglalakad ako noon sa Baclaran, naghihintay ng sasakyan papuntang Cavite kung san ako nakatira. May nakasalubong akong dalawang lalaking naglalakad pasalubong sa akin. Mukha silang mga varsity ng inter-baranggay basketball tournament. Sila siguro ang crush ng bayan sa street nila. (In short, payag ako magpapush sa dalawang kumag na ito.)

Nagulat ako nang kausapin nila ako, kaso ang pangit ng pick-up line:

"Pengeng barya."

Kacheapan.

Ibang dialogue ang naimagine ko sa utak ko. Ilang minuto bago bumukas ang bibig nila, nakaisip na ko ng turing at ng last price. Ineexpect ko na ididiscuss na lang namin ang mga terms and conditions tapos check na. So sabi ko wala akong barya.

Bigla akong hinablot ng isa sa kanila sabay tutok ng something sa batok ko. At yung isa naman, hinihila yung gamit ko. (Wow, praktisado ang choreo) Aaminin ko, mejo kinikilig pa ako nung simula, may pagka-kinky kasi yung sitwasyon, at dim pa ang lighting. At nararamdaman kong mahabang kuko lang pala yung nakatutok sa batok ko, kaya ako naman itong si brave na pumapalag.

Umaalingasaw ang rugby sa paligid at sa pagkainis ni kuyang taga-agaw ng gamit, nagsimula siyang manapak. Shempre sumigaw na ako.

"Not the face! Not the face!"

Pero di yata niya nagets.

Nadisorient ako sa mga pangyayari at naramdaman kong bumibigat na ang pagkakakapit ni kuya tutok. Tapos namalayan ko na lang na nakahiga na pala ako sa sidewalk. (Super wa poise) Pero imbis na sumigaw ako ng "Inay, Inaaaaaay..." hinanap ko sila at nakita kong naglalakad lang silang palayo habang hinahalukay ang bag ko. (Sa totoo lang nainsulto ako na wala man lang silang sense of urgency.)

So ginawa ko ang dapat namang gawin ng kahit sinong peace-loving victim of street crime-- hinabol ko sila at inagaw ko pabalik ang gamit ko. Pagkakuha ko ng gamit ko, may ilang segundo rin na nakatayo lang sila habang tumatakbo ako palayo. (Naloka yata sila kuya)

Pero dahil varsity nga sila ng inter-baranggay basketball tournament, naabutan din nila ako at nagtake-two kami ng umbagan. Haggard.

Finally after 10 minutes of action, narealize kong repetitive na ang mga sapak. At hindi nila talaga sinusunod ang rule kong "not the face." So sumisigaw na ko ng "Help!" Tapos narealize kong Baclaran pala yun so sumigaw ako ng "Tulong!"

Ilang taxi rin ang nagslow down at nacurious sa eksena naming tatlo, pero lahat sila umalis din. (Parang " The Good Samaritan" lang) Sumabog na ang gamit ko sa pavement at nasira na ang strap ng bag ko kaya gumive up na ako sa pag-eeffort. Nahanap nila ang wallet ko at nilimas ang laman nitong pera. Sabay tawid sa Roxas Boulevard. (Shempre hindi ko na sila hinabol. Kuntento na kong maging biktima ng holdap, ayaw ko nang maging roadkill)

So pinulot ko ang mga gamit ko at pinasok sa gula-gulanit kong bag. Naglakad na ako palayo sa scene of the crime. Ang init-init ng pakiramdam ko, at nung puntong iyon, parang kayang kaya kong tumakbo pauwi. Kaso sumasabit ang sapatos ko sa napunit na laylayan ng pantalon ko. Ilang hakbang lang ay may nakita akong dalawang mama. I'm sure narinig nila ang pagsigaw ko ng "Help!" pero di rin yata nila nagets.

Kumakanta ako ng "Hit Me Baby One More Time" habang naglalakad. Hanggang sa may dumaang taxi. Pinara ko siya. Sabi ko "Manong, dalhin mo ko sa ospital" hindi na siya pumalag. (Kadalasan kasi ayaw ng mga taxi driver maghatid papuntang Cavite). Dumaan muna kami sa ATM bago dumeretso sa Emergency Room. Shempre mapride ako. Ayoko ngang magmukhang victim. Buti na lang hindi ko winithdraw ang lahat ng sinuweldo ko noon. Binayaran ko yung taxi ng 500. At parang nagflashback ang holdapang naganap.

First time kong pumasok sa emergency room ng isang ospital. Kaya gaya ng napapanood ko sa TV, inaasahan kong may sasalubong sa aking may dalang gourney at may mga nurse at doctor na bigla na lang magbabatuhan ng Medical Jargon habang nag-aagaw-buhay ako.

Hindi pala ganon.

Pagpasok ko, naabutan kong maraming tao sa Emergency Room. Walang pasyente. Panay nurse at mga intern. (Oh, great) Consuelo na lang na may dalawang cute na med student na nakaduty nung madaling-araw na iyon.

Na-checkout ko na ang mga tauhan ng ER, wala pa ring gourney o panic na naganap. Nakakainis. So sabi ko in my perky cheerleader voice, "Uhm, na-holdap ako at sugatan ako, ano bang kailangan kong gawin?"

For a moment, akala ko irerefer nila ako sa baranggay o sa police station. Pero matapos mag-wear off ang shock, may isang nurse na ring kumausap sa akin. Nakalimutan niya pa akong paupuin. So habang isinasalaysay ko ang mga pangyayari, may isa pang nurse na kumukuha ng BP ko.

Matapos niyang luwagan ang aparato, sinabi niya sa akin, "Sir, high blood po kayo."

Malamang!!! Kung ikaw kaya holdapin at jombagin ng dalawang mama, hindi ka ba hahighbloodin? Bastardang 'to.

Dinala ako ni ate nurse na mejo slow sa hospital bed at nilinis niya ang mga galos ko. The whole time, pinagmamasdan ako ng mga intern. Sabi ko, "pinag-aaralan niyo ko no?" kebs lang sila. Umalis din sila after a while. Nakakainis, magrerequest sana ako ng hug mula sa dalawang cute na med student pero naalala kong hospital pala iyon at hindi bar. Shiyet.

Sa wakas, may dumating ding doktor. Tinanong ko siya, "Doc, magkakapasa ba ako sa mukha? kasi papasok na ako in 3 days. Bawal sa dress code namin ang pasa." Naaliw yata si Doc sa kakaiba kong humor, hindi niya na ako pinagbayad ng kahit ano. (How sweet.)

Umuwi na ako sa bahay at wala akong taong nadatnan. Nanginig ang buo kong katawan at naramdaman ko na lang ang mga luhang kusang tumutulo nang tuluy-tuloy.

Hinubad ko ang damit ko at nagbihis. Sinunog ko ang pinagbihisan ko at pinanood ko ang apoy.

"Pakyu inter-baranggay basketball varsity players! Pakyu taxi drivers! Pakyu bystanders! Pakyu stupid BP Nurse!"

 

Di En

  


Hekto's picture

Hail Good Citizen! 

Hail Good Citizen!  matapang ka pala bro/sis ! bagay na bagay ang mga katulad mo sa binubuo kung super hero leauge.

 

baka gusto mong sumali? mura lang ang membership fee (e-mail ko nalang sayo wink!) hehe joke lang.

 

napadaan lang ako kasi akala may krimen na nagaganap. aalis po ako! UP UP AND AWAY!

 

 

Luca's picture

payag ako!

pero sana hindi spandex ang costume.

 

wag kang pipikit...

Hekto's picture

but i think you'll look good

but i think you'll look good in spandex  hehe

 

i'll even  throw in a cape.

Luca's picture

oh hekto...

you don't know what you're getting yourself into.

Ang biyahe papunta sa akin ay one-way.

Walang balikan. Nakamamatay. 

wag kang pipikit...

Hekto's picture

meron akong akdang tungkol

meron akong akdang tungkol sa biyahe hehe flag ko lang baka gusto mo bashin tol http://www.filipinowriter.com/biyahe-0

makikitamo jan na sanay na ko mag biyahe kaya ok lang.

Luca's picture

hmm..

mahilig ka palang magcross country... ginagawa ko rin yan paglasing. :) 

wag kang pipikit...

journeyman's picture

Lab tim ng superheroes?

Lab tim ng superheroes? Hehehe!

Naholdap na rin ako dati sa me riles ng tren pero walang panama ang nangyari sa akin sa eksenang nangyari sa iyo... saludo ako sa iyo... ang lakas ng loob mo. Kung ako seguro eh iaalok ko pati puri ko wag lang akong sasaktan, hahaha...

Ang galing ng pagkakasulat mo... ang gaan basahin.

"Ako ay maglalakbay, isang malungkot ngunit kinakailangang paglalakbay, tungo sa aking sarili, sa paghahanap nang isang bagay na maaaring mahalaga lang para sa akin..."

Luca's picture

hmmm... kaw may kalab tim e

inalok ko na nga yung puri ko (indirectly) pero no takers...

hay ibinaba ko na ang standards ko to "cancer of society" wala pa ring success...

isang malaking L 

wag kang pipikit...

aireen's picture

Maganda ang pagkakalahad mo

Maganda ang pagkakalahad mo Luca.. sabi nga nila magaan basahin..

para rin siyang isang pelikula,

parang isang putahe ng ulam.. lahat ng sangkap nandiyan na..

may komedya, may action at may drama..Smile

Nadama ko yung lungkot sa huli.. yung walang ibang dumamay sayo kundi sarili mo lng.. haist!

 

cheers!

Nice...

Kakatuwa 'tong post mong 'to nag enjoy ako, sarap nga namang maki hug sa mga cute Paperns na mga Med student, before leaving the hospital, para bawi lahat ng sakit na  iniinda, di bah.

Hehehe,...kaka enjoy nice post!!!Wink

Luca's picture

onga, sarap nilang

onga, sarap nilang pag-aralan. muntik na nga ako mag-offer na magpaphysical exam. hehehe...  

wag kang pipikit...

Luca's picture

maraming salamat aireen!!!

maraming salamat aireen!!! fubu (Facebook friend) na kita diba? 

wag kang pipikit...

aireen's picture

yes Luca FB frends na tau!

Smile yes Luca FB frends na tau! Wink

cheers!

spike_west's picture

Kawawa ka naman luca

Tatag mo bro, buti naman wala pa nmang nanghoholdap sa akin (kasi malas nila wala silang makukuha sa akin). Pero nabudol budol gang na ako. Mukha kasi akong uto uto, hindi ako nadaan sa paspasan nadaan naman ako sa dasalan. Kinukwentuhan lang ako hayun uspot din ang pera ko. (1st year college ako nun) 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Luca's picture

hihi

hindi naman... sabi ko nga naeenjoy ko maholdap kasi naaaliw ako sa mga pagkakaiba ng mga technique nila. :)

nako, hindi ko pa natry yang budol budol, pero one time natry ko na yung laglag-barya (ingenious) 

wag kang pipikit...

noelablon's picture

MALAMANG...

Tapang mo. Teka tungkol muna sa kwento mo, super nakakatuwa pong talaga. Ganda ng pagkakalahad mo ng istorya, buhay na buhay parang nandoon ako at isa ako sa mga minumura mo - ngak!

Anyways, kung sa akin mangyari yun - wag naman po sana. Hirap sabihin, baka gripuhan ako - magaya ako sa tatay ko. Mas makakalaban siguro ako pag meron akong ipinagtatanggol dahil pag ako lang, ibibigay ko na lang yung pera. 

Kaya ako pag nasa pinas, nasa ATM pera ko.

Minsan nangyari sa akin nung magbakasyon ako diyan sa Pinas, nagpapalit ako ng $300, so malaki rin yun. Kita ko yung isang lalaki nakatingin sa akin. Nung tapos na ako ay sinundan niya ako kung saan-saan. Nagpasikot-sikot ako sa loob ng mall pero nagawa pa ring sumunod. Sabi ko sa sarili ko tapang nito - sa loob pa ng mall. So sabi ko harapin ko na lang. Ginawa ko pumunta ako sa banyo at nakita kong sumunod din siya. Sabi siguro nya sa sarili niya eh pagkakataon na. Siyempre minsan unahan lang yan sa pagbigay ng takot e nung nasa loob na ako inabangan ko sa pinto at nung nakita kong papasok na ay lumabas ako at binangga ko siya, muntik na siyang matumba pero hindi siya natumba - lumingon lang ako sa kanya at tiningnan siya ng masama at nakita kong medyo nag-alangan siya lalo nung may kasunod kaming sundalong may dalang K9. Pasok na lang siya sa loob.

Salamat sa pagbigay mo ng kasiyahan mula sa kwento mong hango sa iyong karanasan. Sana..... sa susunod na holdapin ka - hindi na halik ng kamao matikman mo. Nakupows! Joke lang po - wag na po sana at baka mahigh-blood ka lang ulit.

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

Luca's picture

ay wow, may pagkahero ka

ay wow, may pagkahero ka pala pappi noel!

nako, may gripo factor talaga? nakakatakot naman yun... ayaw kong nagigripuhan, messy e.  

wag kang pipikit...

  marami sa mga kababayan

 

marami sa mga kababayan natin ang nanghoholdap, at marami ring dahilan.  kadalasan na nilang linya kapag nahuli sila ay ang kahirapan.  haay... 

ginawa mong magaan at katuwa-tuwa ang paglalahad ng iyong "mapait" na karanasan.  ayos ang style mo. :)

salamat sa pagbabahagi.

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

http://atmaramipangiba.wordpress.com

http://courtofreverie.wordpress.com

Luca's picture

maraming salamat ruth! oo

maraming salamat ruth!

oo nga, maraming nanghoholdap dahil sa kahirapan pero hindi yun excuse. dapat magcallboy na lang sila. o magbenta ng kidney.

may ibang nanghoholdap dahil trip lang nila. yun ang peyborit ko

wag kang pipikit...

Melanie Quilla's picture

grabe!

Brave ka pa rin Ganda kasi nagawa mo pang makipag-round two sa hudas barabas na holdapers na iyon. nakakatakot ah. swerte ka pa rin at wala silang baril.

naranasan ko na ma-snatch ung wallet ko. pero at the end, kinaawaan ko na lang iyong nagkamaling snatcher. by that time kasi, 50 pesos na lang laman ng wallet ko kasama ang ilang resibo, at listahan ng bibilhin kasi di ko hilig magbaon ng madaming datung kapag namamalengke ako. ung sapat lang dala ko. eh pauwi na ako  noon. no prob naman sa akin kasi pwedeng lakarin ung way ko pauwi. buti na lang hindi ung groceries ko ang tinangay. kung nagkataon, isang linggo kaming hindi lalafang! hehehe.

Ingatski,

Melay

***** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

Luca's picture

yuh, macho akowe...

sisigaw na sana ko ng "Rape! Rape!"

kaso baka di nila magets kasi dense sila.

pwede pa ring magsuggest.

 

(see: mobile phone Inbox "saved forwarded jokes") 

wag kang pipikit...

zdayao's picture

Z

Hahaha! Bentaa!

BANG! BANG!

Polethor's picture

Wow. Ito pala yun. :)

Hehe. The best ang pagka-cinematical nito. Clap-clap-clap si Lino Brocka sayo I'm sure.
Kung graphic novel to, super graphic. Mala-pinaghalong Sin City at Xerex.

Ilang besesna rin ako na-holdap. Pero sana di mangyari sa akin to.

Kung mangyayari man, pahiram ng linya mo :
"Not the face! Not the face!"

"I will color the world one step at a time..."

http://ofcrayonsandpastels.blogspot.com

 

 

Luca's picture

mas malupit ang Rufi moments

kung akda yun, malamang flash fiction.

non-linear at maraming gaps.

hehe...

 

gusto ko hiramin yung concept 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Polethor's picture

500>300

Sige, gusto ko yan.

Di ko nga magawan ng kwento kasi di ko matandaan at di ko rin sigurado kung ano talagang nangyari. Ang alam ko lang yung mga kinuwento ko sayo. Nagsimula noong ginigising ako ni Kuya at hubot hubad ako.

SIGE BUONG LUGOD KONG IPAPAHIRAM SAYO. Gusto ko pinaghalong 500 days of summer at 300.

"I will color the world one step at a time..."
http://ofcrayonsandpastels.blogspot.com

Luca's picture

meron isang post modern na kwento

na nabasa ko ko yung synopsis habang inaaral ko yung non-linear kembot.

 

nagising siya sa isang tub na puno ng yelo, tapos wala na yung isang kidney niya.

 

art immitates life 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Polethor's picture

Post modern kyembot

Parang ganun din yung inisip ko nung nagising ako. Akala ko may nawala sa akin. naghahanap ako ng sugat, marks at dugo. buti na lang wala.

may napanuod din akong Korean film, OLD BOY yata title.

art immitates life - isa sa mga episodes ng CSI. 

"I will color the world one step at a time..."

http://ofcrayonsandpastels.blogspot.com/

 

Luca's picture

kanta rin ng

REM

 

Immitation of Life 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!