Horoscope

dyeppri's picture

                        

 Horoscope Leo: Ibat-ibang kamalasan ang mangyayari sa’yo sa araw na ito kaya’t ibayong pag-iingat ang nararapat mong gawin. “Wag magtitiwala sa ‘di kakilala. Isang malaking oportunidad sa buhay mo sa araw na ito ang darating at siyang magpapabago ng takbo sa iyong buhay. Suwerteng Numero. 1-8 Malas na Numero: 2 at 6   Suwerteng Kulay: itim at pula   Malas na Kulay: Puti at Asul 

Mukhang mamalasin nga talaga ako ngayong araw na ito ah. Bayad ko nga po,” isang daan ang inabot ko sa tindera ng dyaryo. Ngunit anim na piso lang ang sinukli niya. “Teka po at isang daan ang pera kong inabot sa inyo.” Mukhang maloloko pa yata ako nitong ale.

“Sampong-piso lang po binigay ninyo. Kahit tingnan nyo at wala pa akong benta.” Parang nagmamakaawang sabi ng ale.

“Pe-ro alam ko isang daan ang inabot ko ah! Sige na nga ho at sa inyo na iyon.” Sigurado ako sa inabot ko at naloko talaga ako. Sheet! ang nasabi ko na lamang sa sarili ko at malas lang talaga ako. Hayaan mo na. Tama siguro yata ang horoscope ko sa araw na’to.

Late na yata ako at malayo pa naman lalakarin ko. Pagbaba ko kasi sa Blumentrit  Station ay may tatlo pa akong kantong lalakarin papunta sa sakayan ng del Monte Avenue patungong Banawe Street. Nagtratrabaho kasi ako noon sa National Orthopedic Center taong 1999.

“Sir anong nangyari at kanina pa kayo inaantay ni Doc Santos kasi marami daw pasyente sa OPD?” halatang ninenerbiyos si Manong Guard. Siguradong isang tambak na naman ang pila ng nabalian ng buto, sa isip-isip ko.

“Pasensya na manong at traffic sa Edsa.” pabiro kong sagot dahil alam naman niyang galing ako sa Caloocan at hindi naman ako dumadaan sa Edsa. Nang-aasar lang ako.

“Maaasar ka ngayon Sir dahil mag-isa ka lamang at nabangga kanina sa parking lot sa labas ang kotse ni Kuya Rudy kaya nag-absent at pupunta daw sila sa LTO at sa insurance para mapagawa iyong owto niya.” 

Malas naman talaga yata ako ngayon. “Kilala nyo ba manong kung sino ang nakabangga?”

“Yung X-ray Tech si Elmo.”

Putcha at kilala ko yun ah! Tama talaga horoscope ko. shet talaga, bulalas ko. Si Elmo ay may Toyota Lancer na kulay asul at may palakang WRT 266.  Ang kulay ng uniporme niya ay puti tsaka malamang brief niya rin ay puti dahil babakat iyon sa pantalon niyang puti kaya masagwa naman ata kung iba ang kulay niyon. Malamang puti din ang sapatos niya upang bumagay sa uniporme nito. Isa-isang pumasok ang mga bagay-bagay na tumutugma sa nabasa kong horoscope. Malas! Malas! ang paulit-ulit ko sa utak ko.

“ Sir, bakit kayo mukhang balisa at mukhang apektado kung si Elmo man iyon?”

“Wala naman manong at may naaalala lamang ako.” pagkukubli ko sa natanto ko

Kring! Kring!

 

“O pareng Robert, hindi na lamang ako pupunta ngayong hapon sa Agency at ikaw na lamang muna. Bukas na lamang ako ha,” may interview ako noon sa hapon sa isang Agency sa Malate na inaplayan naming dalawa patungong Canada. Baka ma-reject pa ako kasi hindi maganda ang araw kong ito at malas talaga, ang sasabihin ko sana sa kanya ngunit baka mapagtawanan pa niya ako kaya sinaisip ko na lamang ito.

 

AFTER 1 MONTH ay nag ring ulit ang cell phone ko pero “NO NUMBER” abroad ito.

Kring! Kring!

“O Pareng Robert, ibig mong sabihin ay nasa Canada ka na. <patlang.>bumagyo kasi noong sumunod na araw at 3 days pa bago nawala ang baha kaya hindi na ako nakapunta pa sa Agency. Swerte mo naman at napili ka....” Sana nga ay hindi ko na lamang nabasa ang horoscope ko o naniwala duon eh di sana kasama mo ako diyan sa Canada, hindi ko na ikinuwento pa iyon at baka hindi lang ako pagtawanan niya kundi ay kaawaan pa dahil sa maling paniniwala ko. Kung bakit kasi naimbento pa ang horoscope o nagbasa pa ako noon.Sana hindi na lang....sana.

Pahabol: Wala naman palang dalang kamalasan si Elmo noong araw na iyon kasi off-duty siya at naka T-shirt lang siyang pula at naka itim pa na pants dagdag pa dito na iba ring  kotse ang gamit-gamit niya, ang sa Daddy niya. Kainis talaga!Sealed


spike_west's picture

Teka totoong buhay ba yan?

Bro maganda ang kwento, medyo  sumisimbolo sa milyon milyon natin filipino na talaga namang naniniwala sa horoscope (maging ako hahaha!!). Puro kristyano pa man din tayo eh naniniwala tayo dun.... (sabagay, guilty kung minsan ako), para kasing bahagi na rin ng kultura natin yun.

Bro, May talent ka talaga sa pagsulat ng maikling kwento, ako inaalat ako kasi natmabakan ako ng trabaho hahahah (siguro kakakomento ko dito). Pero pam-break lang ba ng pressure. Yung mesahe, pagkakasunod-sunod ng pangyayari  pati na rin teknikal okay na okay yun(medyo sumablay ka lang sa mga jokes!!hahahahha, biro lang pare, natawa rin ako)

Bro ingat dyan,

MASALAM,

Spike

pleasant afternoon double ds

So It's true... "A fool always finds a greater fool to admire him" the tweedle dee and the tweedle doo, the dildo and the dum dum... now who's the dildo and who's the dum dum? never mind!

spike_west's picture

God Bless po

God Bless po, salamat po sa magandang response, Ingat po lagi pakikamusta na lang po ako sa ibang katauhan este ibang kaibigan nyo po.

Wish you all the best.

Spike

dyeppri's picture

nyahahaha!

 

  we luv u pedro!Kiss  

 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

bwahahaha

ayyy nakakabading kayo nuhhh ahihihi i love you two whooo haaa! ayyy  grabeh mga reyna ng kabaklaan kumukulog sa sangkalangitan!!! bwahahaha! si dildo at si dumdum tanong lang mga bading alam nyo ba yun ha? bwahahaha! faalam mga bakla!

dyeppri's picture

nyahahaha!

 Embarassedblush.

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

spike_west's picture

hahahahah!!

Dyepp, ikaw ba yan? ahhahahahahah!!! sasakit ang tyan ko kakatawa sa iyo!!! Galing bro!!

dyeppri's picture

i'm always ready...

 nyahahaha! 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

spike_west's picture

Lagot!!

Di ba 6'1 ka , ako 5'10 naku lagot sa atin yun!! Hahahha!! Joke lang!! Sabi sa bibliya "Mahalin mo ang kaaway mo". PEACE para kay Pedro aka_______ aka _____________

INgat bro

Spike

bwahahaha

nakakatakot naman kayong mga bakla... eh pano yan 6'3" ako quarterback pa nyahahaha wala sa laki n katawan yan kung bakla ka bakla ka nyahahaha! baril ba? cal. 45 swissvale may lisensya pa! marksman pa! nyahahaha

kakatuwa

hi, binuksan ko yung ginawa mong maikiling kwento kasi naalala ko yung ginawa ko para sa isang subject ko nung college.  kwento rin sya para sa isang script na ang basihan din ay ang horoscope. 

tulad ng karamihan ako rin ay nauudyok at naiimpluwensyahan ng horoscope at tulad rin ng nagbigay ng comment sayo, ako rin ay isang sagradong katoliko.  kaya siguro di naman masama kung susubukan nating maniwala na lahat ng mga nangyayari sa atin ay may dahilan na tanging ang Maykapal lamang ang may alam

mabuhay ka at patuloy mong ipagtibay ang pasusulat

Melanie Quilla's picture

ay,,,horoscope!

aminado ako sa isa sa nagbabasa ng horoscope, feng shui, numerology, astrolgy at kung anu-ano pang ka-ek-ek-an na may kinalaman sa tadhana ng tao.... pero hanggang basa lang ako... kasi madalas... walang tumatama sa horoscope ko... hehehe...

maganda story ito kuya dyepp!

melay 

orthochild's picture

Hindi ako naniniwala

Hindi rin ako naniniwala sa horoscope, pero minsan may Tama na nangyayari. One time sabi sa libreng dyaryo sa LRT, hindi raw ako makakauwi sa araw na yun, aba'y tama nga overnyt OT ako sa work! amazing pero di prin ako naniniwala. Nagkataon lang yun... Paano naman yung ibang ka-birthday ko? di rin sila makakauwi?

Hindi rin ako naniniwala sa Dividendazo (hahaha)

May kilala ako sa Orthopedic yung gumagawa ng telephone sa inyo, taga-caloocan lang din yun kuya dyepri nakalimutan ko lang name nya. sya yung nagbigay ng discount at tulong nung nabalian ako ng buto.

rose's picture

Naniniwala ba ako O Hindi !

Well Kung naniniwala man tayo O hindi, Totoo Man O hindi. Isa lang ang dapat nating paniwalaan na ang Diyos lamang ang Nakakaalam ng ating destinasyun at ang mga bagay na mangyayari sa atin.

Pero minsan may nangyari sa akin na hindi ko masasabi insedente lang or nagkataon lang. Sumubok ako na mag log sa isang free astrology every day nag sesend siya ng mensahe sakin kung ano ang mangyayari sa akin sa araw araw, at pinagtatakhan ko lang bakit halos araw araw ay tumutugma sa aking ginagawa ang sinasabi ng astrology na iyun. OO mahirap paniwalaan pero totoo, at dahil sa iniignore ko lang ang lahat na iyun ayan napahamak tuloy ako.... he he he he..

Isa pa bago ako nakapag abroad meron isang matandang babae ang pakalat kalat sa aming lugar, isang araw mula sa manila umuwi ako sa bulacan nung time na iyun ay kasalukuyan ako nag-aaplay sa abroad kasabay ko nag-aaplay yung brother ko. Nung umuwi ako sa bulacan tinawag ako ng aking ina sabi niya " Nak nanghuhula yang matanda walang bayad pahula ka tapos bigyan mo lang siya ng pambili ng pagkain"

Curious ako sabi ko sege nga tignan natin kung ano masasabi niya sa kapalaran ko , habang ako'y nakangiti. Umupo kami sa tabi ng tindahan namin at may dala siyang baraha, nilapat niya ang baraha akala ko aayain ako mag Tong-Its eh... nakangiti lang ako , na sa isip isip ko imposibleng mabasa niya kung ano kapalaran ko. Nag umpisa na nilatag na niya ang baraha at sinabi niya kumuha ka ng tatlo.. sumusunod lang ako sa mga sinasabi niya, pero nag tataka ako kasi lahat ng sinasabi niya ay tumutugma sa mga plano ko at sa mga kasalukuyan kong ginagawa.

Isa lang ang naisip ko hindi naman ako kilala nitong matandan na ito bakit nasasabi niya lahat lahat. oo mahirap paniwalaan na nakakapag basa sila ng kapalaran ng isang tao, Pero para sa akin ay binigyan lang siguro sila ng talento na mabasa kung ano ang kapalaran ng isang tao, kahit ano pa yan dapat nating malaman na Diyos pa rin ang nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan upang magawa nila iyun... Kaya para sa akin... wala naman mawawala sa atin kung minsan paniwalaan natin ang horoscope lalong lalo na kung sa ikabubuti natin. Basta ako naniniwala ako na may DIYOS at may horoscope na gumabagabay sa atin... he he he he

 

Keep writing bro!Innocent 

jonsdmur's picture

naniniwala ako sa hula....

naniniwala ako sa hula.... kasi minsan naging manghuhula ako....

Tama lahat nang nasabi mo....

Higit sa lahat Ang nasa itaas ang nakakaalam ng ating kapalaran...

eloisa marie hernandez's picture

aminado ako, mahilig din ako

aminado ako, mahilig din ako sa mga ganyan. hehe.

Ang totoo niyan, may kaibigan akong manghuhula at madalas akong bumalik don kahit paulit-ulit na lang yung mga sinasabi niya sakin. Pero ang nakapagtataka, wala pang sumasablay sa mga hula niya. Inilista ko pa yun lahat.

Sa mga horoscope naman, libangan ko lang yun. Minsan tuwang-tuwa ako kasi tsumamba yung horoscope sakin. Yung iba kasi nagkakataon lang na nangyayari. Kumbaga, ang tendency ng ibang tao, i-consider yung mga tumama pero hindi nila napapansin yung mga sablay na horoscope. Kuntutuusin eh mas marami ang mga yun kesa sa  tumama.

<(='.'=)>