How I lost my girl in 5 months

| |

Hindi ko makakalimutan ang pangyayaring ito sa buhay ko. Hayskul ako nito 17 years old. Marami na akong naging girlfriend ngunit ang babaeng ito ay hindi ko makakalimutan. 

Lagi akong napapadaan sa isang bahay pag pauwi na ako galing sa eskwelahan at lagi kong nakikita ang isang babae sa bahay na iyon siguro kasing edad ko lang. Hindi siya labas ng labas ng bahay. Maganda siya, mukha niya'y parang anghel na inusenteng inosente. Lagi siyang gumagawa ng mga paper cranes at halos maipon na niya lahat ng ginagawa niya. Noong una, curious ako sa ginagawa niya kaya tinignan ko....

"Ang galing naman niyan! Pwede mo ba akong turuan?" 

"Sige pasok ka"

Tinuruan niya ako...Habang tinuturuan niya akong gumawa ng Origami, nagkwentuhan kami.

"Anong pangalan mo?" tinanong ko sa kanya

"Nina"

"Bakit di ka pumapasok sa school?"

"Ah may sakit kasi ako eh"

Nakita ko sa mukha niya ang lungkot at sakit na nararamdaman niya. Naawa ako sa kanya.

Lagi ako nagpapaturo sa kanya ng paper folding at naging magkaibigan kami.

Ikalawang buwan na kaming magkaibigan...Sinurpresa ko siya. Naghanda ako ng mga paper cranes na may liham sa loob. Sinundan niya ang mga paper cranes na iyon palabas ng kanyang bahay at nakita niya ako na may hawak hawak na bulaklak at binigay ko sa kanya ito. Naging kami at pinasaya ko siya. Pareho kaming gumagawa ng paper folding sari sari ang pinagkwekwentuhan namin. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko noong kasama ko siya. Para akong nasa paraiso noong kasama ko siya. Lagi ko siyang pinapasaya. Nagkakatuwaan lagi kami. Ngunit ang saya ay may katumbas ring lungkot habang patagal ng patagal ay lumalala ang kanyang sakit. Leukemia ang kanyang sakit...Isinugod siya sa Ospital. 

"Doktor ano na ang nangyari?"

"May taning na ang buhay niya 2 buwan na lang ang itatagal niya"

Kinwelyuhan ko yung doktor at nagmakaawa ako

"Doktor, anu pa ang paraan upang maligtas siya?!! Gawan niyo po ng paraan"

"Pasensya na..masakit man ay wala na akong magagawa"

Kinabukasan....

Pumunta ako sa kanyang kwarto at ginawan ko siya ng maraming paperfolding

"Francis gusto ko masaya ka lagi ayoko na nakikita kitang malungkot dahil sa kalagayan ko"

Hindi na ako nakapagsalita at nagchange topic na ako

"Anu pa kayang magandang gawin sa papel?"

"Gusto ko pagnamatay ako mabilis kang makapagmove on"

"Anu ba!!!"

Nagalit ako sa kanya at niyakap ko siya

"Nasa tabi mo lang ako lagi hindi ka mawawala" Sabi ko sa kanya

Monthsary namin at pang limang buwan na namin

"Francis, gusto kong magpunta sa probinsya namin at gusto kong makita yung Farm ng tatay ko. Bago ako mamatay".

"Sabi ko diba ayoko na sinasabi mo na mamamatay kana?"

"Basta dalihin mo ako doon. Titignan ko yung puno kung saan naglalaro ako noong bata pa ako"

"Sige"

Noong kinagabihan. Tinakas ko siya sa ospital at nagpunta kami sa probinsya niya. 1 araw kami nagbiyahe at nang nakarating na kami sa farm nagpahinga kami. Patagal ng patagal pahina na siya ng pahina. Gabing iyon nagpunta kami sa puno kung saan siya ay naglalaro noong bata pa siya. Maraming mga alitaptap at ang gandang tignan. Doon nagkwentuhan kami at ni reminisce niya ang childhood niya. Ang saya niya dito sila naglalaro ng mga kaibigan niya. Nakasandal siya sa aking mga balikat ang sabi niya....

"Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga"

"Balik na tayo sa bahay?" tanong ko

"Hindi dito lang tayo, gusto ko magkasama tayo dito"

Pahina na siya nang pahina. Tumulo ang luha niya.

"Francis..may gusto akong sabihin sa iyo"

"Anu yun?"

"Mahal kita"

Umiyak ako, niyakap ko siya at hinalikan ko

"Mahal din kita"

Doon nagpahinga niya siya sa kamay ng diyos.

Pumunta ang kanyang mga magulang sa Farm 

Binuhat ko siya at binalik ko na siya.

"Tito, tita pasensya na po"

"Hindi mo na kailangang magpasensya..Naiintindihan ka namin. Kami nga ang dapat magpasalamat sa iyo eh dahil dinala mo siya dito. Simula noong lumipat kami ng bahay iyak na siya ng iyak dahil ayaw niyang lumipat dahil gusto niya lagi niyang nakikita yung puno. Nirerequest niya lagi na pumunta kami dito sa probinsya at titignan niya ang puno. Ikaw rin ang nagpabago sa kanya. Simula noong makilala ka niya, tuwa at saya ang nakita namin sa kanyang mukha at nawala ang luha sa kanyang mga mata. Malaki ang naitulong mo sa kanya. Eto nga pala ang isang paper crane na ginawa niya at may liham sa loob"

Binasa ko ang liham

"Francis! Siguro pag nabasa mo ito kasama ko na ang diyos. Salamat sa pagpapasaya ng buhay ko. Buong buhay ko naging malungkot ako at iyak ng iyak pero noong dumating ka sa buhay ko marami ang nagbago sa akin. Naging palatawa ako at hindi naging miserable ang buhay ko. Ngayong wala na ako sa mundong ito, wag ka sanang malulungkot. Gusto ko maging masaya ang buhay mo at hindi miserable. Lagi mong tatandaan na mahal kita at hindi kita pababayaan. O siya sige dito ko na tatapusin ang liham ko. Mahal kita yan ang tatandaan mo....Nina".

Doon umiyak ako at nagpasalamat sa kanya sa pagiging parte ng aking buhay.

Kung binigyan ako ng diyos ng isang kahilingan iyon ay ang pagkakataon na makasama ko siya kahit isang araw lamang....<3 

Epilogue: 

Minahal ko siya ng sobra. Nakamove on ako kaagad pero hindi ko pa rin siya makakalimutan.

 

Nainspire lang ako sa movie na pinanood ko. Ang ganda ng movie na napanood ko kaya ginawa ko itong storyang ito. I put all my emotions here. Sana magustuhan ninyo.


eaudefrancois's picture

Haha! Addik parang alam ko

Haha! Addik parang alam ko itong love story na to ah. Iniba mo ang storya ng love story na napanuod mo mdyo kuha ng onti. Ako lang ata ang nakahalata sa storya pero hindi talaga nahalata masyado! Aztig!