How to make a (good) comment?!

dyeppri's picture

Papasok ako noon sa pelikula ni juday at piolo!!! (hello mga idols) at sakto naman habang nasa pila ako ay naririnig ko ang usapan ng mga papalabas na nanood sa movie... nakinig ako sa usapan ng mga tao at kapansinpansin na iba-iba ang kanilang sinasabi at opinyon sa palabas..

"para namang bakla si Papa Piolo sa Acting nya!" sabi ng isang bakla

"Galing talaga ni Juday at guwapo ni Piolo!" sabi naman ni Lola

"Paglaki ko gusto ko ring maging artista!" sabi ng bata

"Pangit-pangit ng screenplay!" sabi ng mamang nakakurbata

"sayang bayad ko" sabi ng estudyante

"Bakla nga ata talaga si Piolo eh!" sabi pa ng isa

 

Gusto ko ding panoodin at maslalo ako na excite kasi iba-iba ang sinasabinila. Ako kaya ano ang masasabi ko?!

Dapat kayang magalit si Piolo at Juday sa mga nanood ng pelikula nila! Magwawala ba sila kung sila ang pumila at nakarinig sa opinyun para sa ginawa nilang pelikukla?! Ano kaya ang gagawin nila Piolo at Juday sa susunod nilang pelikula? Pagbubutihin na o 'di na gagawa muli (dahil sa masasakit na salita sa ibang tao na 'di nagustuhan ang pelikula kahit madami nanood!) kaya?

 

Sa mga nagpo-post kaya dito dapat ba silang magalit kung malait ang ginagawa nila? Magastos din naman ang internet ah...sayang din ang kuryente at panahon ng mambabasa?! Sa tingin mo? Ano???

 

 


spike_west's picture

E sa tingin ko..

Sa tingin mo ba pag sinabing bakla o gwapo si Piolo, gagaling sya bilang artista? O kaya pagbubutihan nya ang pagiging aktor nya?  Mukhang hindi naman ah! Kung sinabi siguro pangit ang akting ni piolo, kulang sya sa workshop o di kaya mali ang gamit nya ng emosyon sa pelikula. Tingin ko dun sya gagaling bilang artista. Kasi ang nakikita ng tao ay yung skills nya hindi sya.

Kaya nga ang pagatake sa pagkatao ng isang tao ay hindi naman magdudulot ng pag-iimprove ng kanyang gawa. Siguro kung bibigyan ng focus ang gawa kesa sa tao doon sya gagaling. Kakayahan po ng isang tao ang dapat nating husgahan hindi yun tao.

Ganun. po

Sige po

SpikE

bakla! bakla!

If an ethical man (at least if they think they are, or imagined themselves to be!) as some people insist they are, maybe, probably they will not be too quick to jump to the wrong conclusion and attack because they will no more be different than the person they are accusing! If I am trash because my words are trash and they are the lilies of the valley whites, then why waddle in my trashland and stoop down with the likes of me? Of course I'm not saying that I am trash its just that I know who I am and believe in who I am that no matter what other people call me I'm still who I am "sticks and stones may break my bones but WORDS will never hurt me"

 

Now regarding the bakla, bakla comment, totoo bang bakla si Piolo?Tongue out

tingin ko gagaling umarte si Piola este si Piolo kasi ang sabi nung nanood, "para namang bakla ang acting ni Piolo", (operative word being ACTING) so next time di na aacting ng bakla bakla si Piolo nice post Pareng Dyepri!  

 

dyeppri's picture

hindi naman cguro bakla!

 hindi naman cguro kasi noong sinabihan siyang bakla ni Lolit ay lumaban siya talaga... gumanti siya sa korte at sinabi ng judge na para hindi ka na mademanda hayaan mo makabawi si Piolo... pinagkukurot at sinampal-sampal ni piolo si lolit (Daw)!!! hehehe...Tongue out

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

spike_west's picture

Nice!!

Well bro I guess we are two different people, and I'm willing to extend my hand to you. Whahahah!! Di naman tayo nag-aaway eh!! Pero I guess we already pointed out our sides about these issues. Siguro di lang natin maintindihan ang isat isa. Pero willing naman akong maintindihan ka and your views in life.

Hayaan nyo manood lang tayo ng pelikula ni Piolo kasama si pareng dyeppri!

Ingat uli bro! And peace man Cool

Spike!!

spike_west's picture

Ang tamang reviews...

Paano ba magreview ng isang aklat?

Mamamili kayo sa dalawa kung alin ang tamang pagrereview at tamang pagbibigay ng judgement sa isang libro

Ano ba ang mas mahalaga ang personal na buhay ng manunulat o ang kung gaano nya nailahad ng mahusay ang kwento?

Ang personal na problema ng manunulat o kung paano nabuo ang conflict at problema sa loob ng kwento na ginawa nya?

 Ang personal na katangian ng manunulat o kung paano nabigyan ng buhay ang mga karakter sa ginawa nyang kwento.

Ang istorya ba ng buhay ng manunulat o ang istorya ng kwentong ginawa nya?

 Kung magkikiritiko ka ba ayon sa akdang nabasa mo aatakahin mo ba ang manunulat o mas aatakihin mo ang isinulat nya?

Alin kaya ang mas nakakatulong sa manunulat para maiprove ang skills nya  ang atakihin sya bilang tao o atakihin yung gawa nya?

KAYO ANO SA TINGIN MO ANG TITINGNAN MO KUNG MAGKIKIRITIKO KA NG ISANG AKLAT? Alin kaya sa mga nabanggit ang tamang pagkikiritiko?

 Yun lamang po,

Spike 

dyeppri's picture

Tama ka pareng Spike!

May punto ka talaga na dapat ganoon... pero minsan hindi mo mapaghihiwalay ang gawa o akda sa personal na buhay sa pagtingin ng mga tao. Nagbibigay ng opinyun (hindi mo maaalis sa kanila yun!) na harsh talaga pero opinyun 'yun! Piliin na lamang cguro ang katanggap-tanggap sayo... 

Pero sa site na ito wala namang nagsasabi na " kay pangit naman ng mukha ng owtor nito o puro galis siya!" ... patungkol naman ('ata) lahat sa akda!

Sealed

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

jonsdmur's picture

Para sa akin ang tamang

Para sa akin ang tamang pagbibigay ng komento ay yung pagsasabi ng totoo. Kung ang isang akda ay hindi kagandahan sabihin na ito sa may akda para habang maaga ay magawan niya ng paraan kung paano ito pagagandahin. Dapat ipaliwanag mo nang mabuti para lubos na maunawaan ang lahat ng pagkakamali niya.

 

fhearl08's picture

Para sa akin po...

Hindi naman po siguro kailangang laitin natin ang gawa ng isang tao kasi pinaghirapan po niya yun para mabuo. Lahat ng bagay na pinaghihirapan natin ay talagang mahalaga para sa atin di ba? Kung yon lang ang narating niya, sa kakayahan niya na hindi pala niya alam na hindi pala swak sa panlasa ng iba ay wala na po tayong magagawa don kasi yun lang ang inabot ng kakayahan. Hindi natin dapat bigyan ng sama ng loob ang isang taong nag-uumpisa pa lang para matuto. Bagkus, tutulungan po natin sila kung paano nila marating ang mga bagay-bagay na narating na ng iba.

Hindi naman masama ang magbigay ng komento sa gawa ng isang tao dahil ang komento ay isa lamang itong suhistiyon o pananaw ng isang tao at hindi ibig sabihin na lalaitin natin sila. Sa pagkokomento, dapat na lang po siguro nating pagtuunang pansin ang obra ng isang tao at di ang kanyang pagkatao tulad po ng nabanggit na ni Mr. Spike.

Dapat po, magtulungan po tayo para sa ikauunlad ng ating pagsusulat. Libre naman ang komento sa site na'to kaya okay lang basta komento na nakakatulong ng isang manunulat para sa ikauunlad ng kanyang pagsusulat. Nasa recepient na po yun kung tatanggapin man niya o hindi ang iyong mga pananaw.

Yun lang po.

Thank you and God bless!

Just keep on writing and posting to inspired everyone... 

eloisa marie hernandez's picture

sa tingin ko...

Sang-ayon ako sa opinyon ni Kuya Jons at ate fhearl08, kung pa sa iyo, hindi maganda ang isinulat ng isang may akda, sabihin ng maayos hindi iyong dadali ka ng pagtataray o panlalait sa gumawa. Kung sa tingin mo naman, mali ang isinulat ng taong iyon, eh di itama mo ng husay, at siguraduhing tama ang mga sasabihin mo.

Insulto sa isang tao ang sabihang pangit, chaka, o katangahan ang isinulat niya. deretsahang pananapak iyon sa pagkatao niya. Para mo na rin sinabing wala siyang kautakan. Ang sama di ba?

Basra ang sakin lang, idaan sa magandang paraan ng pagsasabi.

<(='.'=)>

 

danhollanda's picture

TAMA NAMAN ANG LAHAT...

Tama naman ang lahat ng opinyon, nagkakaiba-iba lang sa paraan ng pagsasabi at kung sino ang nagbibigay.

Kung kagaya kong mahiyain, sapat na sa akin ang makibasa at tahimik na matuwa sa kinang at brilyo ng binabasa kong akda.

Pero kung hihingin ng pagkakataon, at kung may basbas din naman ng sumulat, lumalakas ang loob ko at hindi lang pagbabasa ang ginagawa ko.

Maraming paraan ng pagbibigay ng komento, pero lagi kong iniisip ang ganito:  Produkto ang dapat kilatisin para lumabas na wasto ang pagrerebyu.  Huwag ding matakot sabihin ang totoo kung makakatulong ito sa kapwa mo, pero sabihin ito sa paraang hindi ka makasusugat kundi makagagaling.

dyeppri's picture

Tama po yun!

Tama po yun na dapat kung magbibigay ka ng komento ay isasaalang-alang mo din ang babasa nito, maging responsable sa mambabasa. Bilang isang writer ay obligasyon natin na dapat kakapulutan ng magandang impormasyon ang ating akda.,,, salamat sa inyong lahat!!!Laughing

.......................................... 

karugtong sa nadinig ko sa labas ng sinehan:

"Bakla ata si Piolo" sabi ng isang nanood ng pelikula 

"Eh di sabihin mo sa kanya ng harapan!" sagot ng kausap nito

"di ko yata kaya yun! Nahihiya ako at baka magalit siya!"

"yun naman pala eh, tumahimik ka na lang kung wala ka namang magandang sasabihin sa idol ko!!!"

"korek!!! idol natin..."Cool

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

Pmel's picture

How to Make a Good Comment

1. Understand the context completely by knowing what the author/director/artist/actor intends to do.

2. Relate it to the real world.

3. Ask or read other people's opinion to make sure you don't repeat what they're saying.

4. Give it a moment to think over your words befor uttering/writing them.

5. Be nice.

6. Encourage the author/director/artist/actor by telling them what they did is great. And give reasonable suggestions.

7. Well done! Move on to the next.

dyeppri's picture

Pointers!

I quote from Pmel:

 1. Understand the context completely by knowing what the author/director/artist/actor intends to do. -- real meaning of the story may be...

2. Relate it to the real world. --- if possible (like supernatural stories, fairy tales, vampire etc. I don't believe in this so difficult to do this.)

3. Ask or read other people's opinion to make sure you don't repeat what they're saying. - - -  why?  i think you can repeat as long as you don't copy for the authors sake that the first comment is true and many readers have the same point/ ideas how the article can be re-arrange...to be be more good.

4. Give it a moment to think over your words before uttering/writing them.

- - - hmmm, correct and feel it also as you are on his/her shoe 

5. Be nice. --- nice!

6. Encourage the author/director/artist/actor by telling them what they did is great. And give reasonable suggestions. - - - nope! what if this is not great...you will be so "plastic" naman... Tell it honestly with caution like hmmm... "for me this is not my type.. not enough!" --- w/ FOR ME

7. Well done! Move on to the next.  - - - What if not very well??? go back to #6

 

FOR ME--- there is NO exact rules for opinion kasi nga opinyon mo yun eh! i will accept kung katanggap-tanggap and trash it if not (w/o hurt feelings!). Opinion is a readers thought; readers thought have no boundaries... so Opinion should NO boudaries over rules.Cool

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

Ailem23's picture

para po sa akin

para sa akin, may mas magaan naman ng way ng pagko-comment eh. Kung hindi maiiwasan na mag-comment ng negative, pwede namang sabihin iyon sa malumanay na paraan na hindi masasagasaan ang pagkatao ng sumulat o may gawa. At dapat sana, inihihiwalay ang personal na pagkatao ng may-akda sa akda niya. kunbaga, walang personalan....

kasi bilang tao, at bilang alagad ng sining, lahat tayo ay may mataas na level ng emosyon. Madali lang tumanggap ng pagkakamali pero hindi ng insulto... di ba?

kuya spike, pag lumabas na ang book namin next year, pa-critic ha... hehehe...

best regards, melay

dyeppri's picture

ngayon pa lang biased ka na po! Melay ha?!

 -->Ngayon pa lang biased ka na yata Melay ah.... sabagay opinion mo yan. Kung siya lang gusto mo bumasa eh di tsige po.... (i trash this...hahahaha!) siya lang bibili ng book mo. Bad yan!

pero papano naman kami! harhar... quiet na lang (daw!) tySealed

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

Ailem23's picture

to kuya dyepp

asus, tampo ka naman dyan... sa inyong lahat, lagi akong may natututunan. di lang halata... ahahaha... pagdating ng tamang panahon, ipapa-critc namin iyon sa inyong lahat... libre ang mang-okray...libre ang mangagat!

 world peace!

(wala itong kinalaman sa blog) may ending na ba ang doctors?

hehehe...

best regards,

melay

dyeppri's picture

malapit na ata (sana marami ang time na libre ako!)

wala pa nga akong tulog kc ginawa ko ang ch. 9 at nagmumuni-muni pa ako kung papano ko titigbakin ang istorya eh. ikaw may ideya ka ba? mahaba pa kasi ang nasa utak ko ngunit kelangan na... gagawan na lang ako sequel nito sa susunod! harhar Cool salamat

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

aaarrrrgh!

sa una at huling pagkakataon ipapaliwanag ko ang pinagsimulan ng lintek na pinakakaguluhan ng mga hindi makaintindi!  wala akong inaalipustang personalidad ng pagkato ng kahit sino sa mga tao dito sa site na to hanapin nyo lahat ng sinabi ko sa mga isinulat nila ang punto ng komento ko.. at  sa pagbibiro ng  ipakikila ko si eloisa marie sa shrink na kaibigan ko yun ay malinaw na pagbibiro dahil ang alam ko at nabasa ko biniro nya din ako sa kabilang diskusyunan na sasabunutan daw nya ako, eh nang makita ko na biniro din nyang sasabunutan yung nag-comment na nauna sa akin eh di biniro ko din sya na ipapakilala sa shrink(psychiatrist) aba lahat eh sasabunutan kahit ako na walang buhok nakakita na kayo ng sumasabunot sa kalbo? yung ibang tao na malawak ang pang-intindi na kinomentuhan ko sa akda nila eh hindi nagalit nagpasalamat pa... ngayon ang tanong ko, SYA LANG BA O KAYO LANG BA ANG PWEDENG MAGBIRO? UNFAIR NAMAN YATA AT BIASED NG MGA PANANAW ABA EH DI SA INYO NA ITONG SITE NA ITO AT ARIIN NYONG INYONG INYO AT SA MGA MAKIKITID ANG UTAK NA PAKIRAMDAM EH MGA MAGAGALALING NA TAO SILA MAG-ISIP ISIP DIN KAYO!!!

dyeppri's picture

:)

wala pa akong copy nito...tssssk

 

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

jonsdmur's picture

Para sa akin siguro itigil

Para sa akin siguro itigil na natin ang awayan na nagyayari dito... kalimutan na ang mga napag usapan noong nakaraang araw... alisin na ang samaan ng loob kung meron man....

Para sa tamang pagbibigay ng komento dapat mula sa puso... magbigay ng komento sa tamang paraan at huwag pepersonalin ang mga komentong negatibo...

Sa inyong lahat maraming salamat...

jonsdmur

rose's picture

Maigsing Komento Lang Po!

Kahapon Habang binabalikan ko ang mga blogs na nakasulat sa site na ito simula 2006, napakaganda ng mga naka blogs dito marami kang aral na mapupulot , mga professional ang mga nagsusulat may mabasa ka man na mga komento , mababasa mo eh yung komento lang talaga sa nabasa nila.

Hindi sila nagbabatuhan ng mga kanya kanyang komento na mga salitang walang saysay. nakakalungkot na isipin na itong site na ito na pag-aari ni mr. noid ay nagiging parang chat room nalang sa iba, kanya kanyang silang pagalingan at batuhan ng mga kuro kuro na dapat sana sa YM or chat room nalang nila sinasabi sa nakikita ko at nababasa ko ngayun eh kanya kanya silang pagalingan, may mga taong hindi nagpapatalo na imbes na pag tuunan ng pansin ay ang pagsusulat nalamang ng mga magagandang storya na kapupulutan ng aral ng mambabasa .

Mababasa mo ay kung ano ano nalang ang binablog na walang mga katuturan. Humahaba ang mga komento dahil batuhan ng mga salita, kanya kanyang paringginan, kanya kanyang pagbabatikos sa isat isa.

Hayaan ninyo mag oopen ako ng FILIPINOWRITER CHATROOM para sa mga taong nagbabatuhan ng kuro kuro eh diyan nalang sa room mag-usap at mag pikonan.

Para po sa lahat mahiya po tayo sa may ari ng site na ito, libre po tayong nakakagamit nito at naisusulat natin ang mga nasa sa loobin natin at mga storya na pwede nating ibahagi sa iba. Sana naman po eh huwag natin abusuhin ang kalayaan natin na makapag sulat sa site na ito.

God bless to all & Peace Be with you all!

 

InnocentWink      

spike_west's picture

Magaling!! MABROUK!!

Magaling Rose nakuha mo rin ang gusto kong sabihin!! Bumalik tayo sa basic!! Doon tayo sa tunay na layunin ng site na ito. Ang maglahad ng kwento, tula, sananay at kung ano ano pa para sa ikakakauunlad ng pantikang Pilipino. Nakakatuwang isipin na patuloy pa rin ang pluma ni Rizal at ang dahon sa ulo ni Baltazar.

Tungkol naman sa pagkukumento, mahalagang magbigay ng masusing pagsusuri sa akda, negatibo man at positibo para sa ikakabuti ng at ikakauunlad ng kanilang pagsusulat.

Medyo nagiging chatroom na nga ito, o di kaya Q and A site, o nagiging Arena para sa pag-aaway!Kaya mahalaga siguro na magsulat na lang uli tayo, medyo namimiss ko na rin ang maikling kwento, tula, sanaysay, nobela!

Sige po maraming salamat!!

SpikE

dyeppri's picture

agree ulit ako kay k spike at bb. rosas

agree ako sa inyo... promis! ('yan maiksi na lang po komento ko.Sealed)

pero mamimiss ko talaga ang chatting dito... wahhhhh Cry

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

fhearl08's picture

Oh my Gosh!

Nag-aaway na ba talaga kayo? My goodness, di na kayo mga bata para mag-aaway pa at magbatuhan ng di magagandang.... haayyy! alam n'yo na? Magulo pa ang gobyerno natin at di rin kayo nagkakasundo, paano na ang hinahangad na pag-unlad ng bawat isa sa atin? Paano natin makamit yon kapag may nakatagong poot sa puso natin?

Pwede bang PEACE na para sa lahat? Okay?

God Bless you all!

Ingatz kayong lahat palagi...

At saka  wag na kayong mag-aaway ha? At saka alisin na yang mga samaan ng loob ninyo, okay?

 

jonsdmur's picture

Korek ka diyan... dapat

Korek ka diyan... dapat kailimutan na natin ang nakaraang bangayan... peace sa lahat.... dapat sa pagbibigay ng komento ay maging maingat na tayo....Maraming maraming salamat po...jonsdmur

Ailem23's picture

mga kapatid

let there be fish este peace on earth... tayo ay naririto bilang mga magkakatid na pinagbuklod ng iisang talento at iisang hangarin...  past is past.... kalimutan na lang at magsimulang ulit!

Peace...World peace! (paki-imagine na nagwawagayway ako ng puting bandila para mas dramatic!) hehehe...

best regards sa lahat, salamat,

melay

on critics

 Allow me to quote from "the Strength of a Man" by David Roper, "Critics need to lighten up, and the criticized need to toughen up... Every critique provides an opportunity to grow. Forget the critic; it's far more important to focus on the criticism, especially when it comes from more than one source"

ad infinitum/pmherz

sa tingin ko kung ganito yan

sa tingin ko kasi ganito yan e, kung ikaw ang taga bigay ng comment, okay lang kahit ano gawin mo, magtaray ka, mambastos ka, magmura ka, kasi kung SINO KA e nagrereflect yun sa paraan ng pagbibitaw mo ng salita.

Kapag nagtaray ka sa comment mo, edi sino ba nagmukhang kontrabida at hater? edi ikaw rin, kaya yung mga nagcocomment na tipong naninira, at nagmumura; sa totoo lang wala silang pinagmumukhang tanga kundi mga sarili nila.

kaya para saken, malayang magcomment ng kahit na ano ang kahit na sino.

ngayon nakadepende na lang sa taong pinagkomentuhan kung alin sa mga comments ang sa tingin niya e makaaktulong para mag improve siya. kung may mabasa siyang mga pang-aasar lang, edi wag na lang niyang pansinin... pero kung may makita siyang suhestyon na nakapag palinaw ng kanyang isipan para lalo siyang mag improve... edi ayus...

so sa totoo lang wala talagang rule sa pagbibigay ng comment, pero lagi nating isipin na kung sino tayo ay depende sa ating pag-uugali... kaya kung magcocomment ka, ayusin mo! ok?

baby star's picture

hello po kuya...

bago ang lahat ay gusto ko po sabihin sa inyo na maganda yung nasulat nyo na "luv u Pare"...galing po noon.

about naman dito sa comment nyo ay ang bait nyo po naman at may pusong maiintindihin at marunong tumanggap ng mali at kahinaan din ninyo.kaparehas nyo po ako kuligma na handa ding tumanggap ng kahit negatibong pananaw basta sa akda lamang at walang personalan dahil iba na yun...at duon ay palaban po ako.ha!ha!

Magiging magaling po kayong writer balang araw kasi mabait ka po. Paki post na po yung iba pa ninyong akda kasi inaabangan ko po sila.tnank uKiss

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

baby pa lamang po ako kaya paki akay po ako sa tamang direksyon.

may bago na po akong post

may bago na po akong post yun Patay Ako Sa Daddy Mo part 2, basahin niyo po, enjoy!

love's picture

makasingit nga lang po...

dyeppri buti at ngkaroon ng pagkakataong mabasa ko itong blog mo "bout how to make a good comment". Sa totoo lang ako man ay nabibigla sa mga paraan ng "iba" sa pagko-komento sa bawat likha ng manunulat dito. Ako ay baguhan dito sa site na ito , hindi naman lahat ay hindi maganda ang komento sa gawa ko. Hindi rin nasita ang likha ko kundi ang sariling komento(reply) ko mismo. 

Minsan tama ang layunin at iyon ay ma-improve ang gawa ng isang manunulat kaya lang  mali ang paraang ginagamit o hindi wasto ang mga salitang ibinabato ng nagcomment.  Kaya tuloy sa huli, pagmumulan ito ng pagtatalo.

Walang iniwan sa kung papaano ka magdisiplina sa isang bata kung may mali kng nakita sa ginawa o sinabi nito... pwede mo siyang pangaralan sa malumanay na paraan at 'wag ito agad bigyan ng masasakit na salita o tapatan kaagad ng parusa 'yong pagkakamali niya. Ganun din sa isang manunulat (lalo na ang mga baguhan).. Anu mang komento ay mahalaga sa amin. Hindi masama ang mag-komento pangit man o maganda huwag lamang makasasakit na sa aming pagkatao.

Sabi ko nga ang importante napansin ang gawa mo, malait man ito ayus lang kung sa ikagaganda ng likha mo. Sa akin ay may naidulot din maganda ang pangyayari dhil may bagay akong sinunod galing sa nagkomento pero yung iniwang masasakit na salita ay hindi na mababawi pa. Dapat lang talaga kalimutan na lang. Sino bang gusto ng may kaaway???

How to make a gud comment? para sa'kin depende na rin sa taong magbibigay ng komento. Iba-iba tayo ng pananaw, iba iba rin ang pagkatao, ugali at prinsipyo... maaring para sa'yo tama ang komento mo at paraan kung pa'no mo ito i-deliver pero sa iba maling mali naman ito. Sa madaling salita, depende sa pananaw ng nag-kokomento at tumatanggap ng komento.

slmat nd god bless..