Hoy, Hoy Balinghoy!

journeyman's picture
| |

      

Hoy! hoy, balinghoy!

Bakit ka nagngu-nguyngoy

Na Parang unggoy?

 

Tubig at apoy

Bakit di dumadaloy?

Ipagpatuloy

 

Ang pagtutukoy

Sa mga taong-unggoy.

Mga akda mo’y

 

Magsilbing daloy,

Sa gobyerno’y tumukoy-

Sa mga Baboy

 

At merong amoy.

Dumaloy! Magpatuloy!

Kamoteng-kahoy!

 

journeyman

Hai(na)ku... isang araw na walang magawa sa opisina.


cecil_adriano's picture

Ituloy lang

 " upang magbigay-pansin sa karungan ang iyong tainga, upang ikiling mo ang iyong puso sa kaunawaan..." - Kaw 2:2

Tungkol po ba ito sa gobyerno natin? sa tingin ko naman marami talaga tayong maiisip na kuwento o tula basta tungkol sa gobyerno at lipunan. Nagiging imaginative tayo at creative kapag ang mga paksang may kinalaman sa gobyerno at lipunan ang ating naisasa-isip. Kaya tuloy lang ang kuwento at pagsusulat.

journeyman's picture

Hi Cecil, marami talaga ang

Hi Cecil, marami talaga ang dapat na punahin sa gobyerno natin.. ganun talaga. Kung papaanong pinupuri ang mga dapat papurihan ay dapat ding punahin ang mga kabulukan.

Isa rin itong munting tinig ng paghimok sa ibang mga manunulat upang minsan ay sumulat ng pag-puna sa ating pamahalaan upang sa ganun sa mga mumunting tinig na maririnig ay maipa-abot natin ang hinaing sa kinauukulan.

Salamat sa pagdaan.. (ang cute ng baby mo!)

"...mapadagos sa paglakaw dawa mapagal... maski madipisilan."

cecil_adriano's picture

writing is a noble work

 " upang magbigay-pansin sa karungan ang iyong tainga, upang ikiling mo ang iyong puso sa kaunawaan..." - Kaw 2:2

Totoo po iyong mga sinabi niyo. Madalas nga dapat kalampagin sila at gayundin para lalong higit na magkaroon ng kamalayan ang lahat ng mamamayan lalo na ngayon. Marami po talaga tayong maiisip na gawin at maitutulong sa iba't-ibang paraan upang magising at mag-isip isip naman ang ating gobyerno na unahin muna ang mga mamamayan bago ang kanilang sarili. para nga po sa mga manunulat, bihasa man o hindi ay ito na rin ang magsisilbing pinakamahusay na contribusyon nila at magagawa nila para sa lahat.  Sabi nga po ng isang nabasang kong komento sa ingles ay; writing is a noble work.

Bunsong anak ko iyong nasa picture at mahigit isang taon na siya ngayon. Salamat din Laughing

Yiennarda's picture

Ano

Ano ang balinghoy?     

      http://wattuduyanie.blogspot.com/