Hubad na Estatwa

dyeppri's picture
| |

Hubad na Estatwa

by: Dyeppri

Bituin sa langit, akoy namilipit

ni hindi marinig kahit isang awit

hindi marinig...itoy para sa’yo ohhh

Bituing marikit una’y napakasakit

Himig ng pag-ibig na aking inaawit

Itoy para sa’yo...ohhh

bakit?-aegis 

Nagpupumilit sumabay sa erotikang tunog

ang batong estatwa na nagnanais na maging

isang mortal-

pinatigas na ng ulan at araw.

 

Nagsawa na ang mga mata ng mga istambay at

nagliliwaliw sa hindi mapagod na katotohanang

malamig pa siya sa bangkay sa kanyang kinatatayuan.

 

Ilang katawan na rin ang nagtangkang palitan siya,

humihingi ng sariwa’t bago. Nagkaroon man daw

ng bagong pinta ay amoy luma pa rin.

 

Kung hindi lang sana ikinukubli  ang katotohanan

sa likod ng katigasan, baka mas nanaiisin pa nilang

makiisa sa kanya.

dyeppri

dyeppri