HUH?!!!
The “huh?!” started with a bad dream na nagpagising sa akin ng mas maaga sa normal kong gising. Alanganin na rin namang ibalik pa ang tulog kaya naisip ko, try ko na lang pumasok sa office ng hindi late, for a change. I took a bath, have my cup of coffee at pagkatapos kong maibuhol ang huling sintas ng aking sapatos, tumunog ang aking telepono. It was my lady officemate calling.
Hello?...
Jo, hindi ako makakapasok ngayon.
Huh?! Are you crying?
Namatay kase kapatid kong lalaki.
Huh?!... (i’m trying to absorb kung tama ba narinig ko).
Matigas na katawan nya ng makita namin sa kanyang kwarto kanina.
Huh?!... (still trying to absord kung tama ba talaga ang narinig ko).
Cge, tawagan ko na lang si Sir mamaya.
Huh?!
Bye.
Hinugot ko ang mga kableng nakakonekta sa aking laptop saka ito isunuksok sa ilalim ng kulay copper na sofa para maitago. Isang gabing dumating ako sa bahay, nakabukas ang pintuan. Kinabahan ako at kinutuban. At nanghina ang tuhod ng hindi ko makita ang laptop na nakapatong sa dining table. Tinawagan ko ang aking kapatid na lalaki na nasa abroad at sinumbong ang nakawan. Sa bahaging iyon ako nagising na may “huh?!”.
Sana nasa maayos na kalagayan ang aking kapatid.
Alanganin na rin namang ibalik pa ang tulog. Naligo ako, nagkape at ibinuhol ang huling sintas ng aking sapatos. Tumunog ang aking telepono. Tumatawag ang aking babaeng kaopisina. Bakit kaya?
Hello?...
Jo, hindi ako makakapasok ngayon. Namatay kase ang aking kapatid na lalaki.
HUH?!!!...
Pagdating sa sakayan ng jeep, saktong may bakante sa driver’s seat. Pagkaupo, inabot ko kaagad ang aking saktong pamasahe. Dumukot s’ya ng ilan pang barya sa kanyang lagayan saka iniabot sa akin.
Huh?!...
Hindi ba sa ‘yo yong bente?
Ah hindi po. Sakto po yong binigay ko. Umeksena ang gilagid ng driver na may nakalambitin na mangilan-ngilang ngipin sa luwag ng kanyang pagkakatawa sa sariling katangahan.
Pagkabungad na pagkabungad sa pintuan ng art department, binanatan ko na agad ng flash report ang mga nauna nang naroon tungkol sa pagkamatay ng kapatid ng aming kaopisina.
Huh?!!! Tatlo silang sabay-sabay na nag react. Iba ibang pitch. Harmonious ang blending.
It’s going to be a long day. Sa nakikita kong tambak na trabaho, there’s no time for me to chat. Live, virtual or imaginary.
An hour before lunch, dumating ang bagong supplier ng materials na kakailanganin ko. He was a fat, tall guy with Chinese descent. After we discussed the details of my requirements, he asked me kung saan daw ba ako galing prior to my recent job.
Huh?! Bakit po?
Kase na meet na kita before.
Huh?! Sorry po, ‘can’t remember.
BACK TO WORK. Maya-maya nag-ring ang extension line na nasa tagiliran ko.
Hello?...
Jo, pasok ka muna dito sa room ko.
SA LOOB NG MARKETING DEPARTMENT.
Bakit po?
Sa ‘yo ata ‘to. Sabay abot sa akin ng isang balot ng plastic na may mga tela sa loob.
Huh?! Binali-aligtad ko ang supot.
Di ba sa ‘yo ‘yan? Mataray nyang tanong.
Ay, may note po para sa inyo. Magalang kong sagot.
Huh?! Ay oo nga. Sorry po. Naggalang-galangan nyang sagot.
Check kase muna. Taray-tarayan kong sagot.
After office, mga lima kaming pumunta sa chapel kung saan nakaburol ang namatay na kapatid ng aming kaopisina. ‘Di ako sumilip sa kabaong. Takot ako. Lumapit sa kabaong ang cute na batang lalaki na hula ko nasa edad sampu. Hindi sya lumapit ng malapit na malapit. Tumingkayad na lang sya ng konte para masilip ang tiyuhin nyang malamig na nagpapahinga sa loob. Tumalikod sya at tumingala. Kumurap-kurap ang mata na tila ba pinipigil ang pagpatak ng luha. Biglang parang kinurot ang puso ko sa nakita. Nasilip ko sa kanyang inosenteng mata ang lungkot na pilit nilalabanan. Maaaring ayaw nyang ipakita ang kanyang kahinaan o baka kahihiyan. Pumasok sya loob ng kwarto. Hindi ko na napigilan ang mapaluha ng nilingon ko sya at nakitang humahagulhol ng tahimik.
Huh?! Sabay-sabay na namang reaction ng tatlo kong kasama with blending ng makita nilang punas ako ng punas ng mata.
Dyahe. Biglang nasira ang reputasyon ko. All these time, akala nila halang ang kaluluwa ko at bato ang puso ko.
Umalis na kami makalipas ang isang styro cup ng mainit na kape. Stressed out kaya naisipan kong magrelax sa gym. Umiigting ang litid sa leeg kong nakayuko habang hinahatak pababa ang lat machine na may ilang plato ng bakal na nakaangkas.
WAPAK!!!
Tunog ng suntok na dumapo at dumulas sa pawisan kong kanang braso.
Huh?! Sabay “what the...?” habang inangat ko ang aking tingin para makita kung sino ang sumapak sa akin.
AY SORRY PO KUYA, SORRY PO...SORRY PO TALAGA. Walang puknat na depensa ng isang mabalahibong totoy na kalahi ng mga artista sa Slum Dog Millionaire ng makita ang mukha ko. Marami kaseng Bombay sa pinagbubuhatan ko. At dahil nakayuko ako, napagkamalan nya akong katropa nya na ayun, sa kabilang sulok nagbi-bend bend. Napuno ng halakhakan ang paligid. Iba-ibang pitch. Pinakamaliit na boses ‘yong nagmamay-ari ng pinakamalaking katawan.
Mistaken identity. Lumapit sa amin yong dapat sana’y recipient nong right hook. Kung may hawig man kami, yon ay sa hugis lang ng ulo. Eh sa dami ng skin head sa mundo, ilan kaming mapagkakamalan mo.
Pauwi na ako. Sakto, may bakante sa driver’s seat. Iniabot ko agad ang sakto kong pamasahe pagkaupong-pagkaupo. Ikinadyot ko sa tenga ang headset at nilakasan pa ang volume na agad ko ring tinanggal ng maramdaman ko ang pangangalabit ni mamang driver.
Sukli mo.
HUH?!!!
:)
salamat sa pagbabasa, napagod ka pa tuloy :)
ingats.
huh!!!!
nakakatuwa naman ung mga taong un lalo na ung dalawang driver na binalak kang suklian.... nako kung sa iba yon baka tinanggap nila sukli.... hehehe
ngat.............
next time...
kunin ko na pag naulit pa un :) weird lang kc same day sya nangyari. parang joke lang.
pero tingin ko mas joke ung bombay sa gym. kc may tattoo ako sa kanang braso na sobrang visible, don mismo sa tinamaan ng suntok nya so pano nya ako napagkamalan. akala ko nga natuwa lang sya sa design ng tattoo kaya nya pinanggigilan :)
salamat sa basa.
ingat ka din :)
ngek....
wag ganun kuya.... wag samantalahin ang kalitohan ng ibang tao hehehehe....
buti kuya hindi moh din sinutok.... hehehehe joke....
ur welcome kuya.... wala kasi akong talent sa pagsusulat kaya puro basa lang ako....
sulat pa po kayo ng marami para marami din akong mabasa hehehe.....
nga po pala bago pa lang ako dito........
ngat..........
kala ko luma ka.
bago ka lang pala d2? kala ko batikan ka na, batikan sa pagcocoment,hehe :)
ako din walang talent sa pagsusulat, pinagsisiksikan ko lang sarili ko sa site na to, tapos may nagtyatyaga namang katulad mo kaya tinuloy tuloy ko na.haha.
kaya ikaw, bukod sa pagcocoment, sulat ka lang din ng sulat.
welcome. welcome!
hehehehe
kuya bagong luma po ako dito... matagal na akong bumibisita dito sa site kaya lang now lang nakakapagcomment kasi po now ko lang naverify ang account ko dito....
may talent ka naman kuya ah... hindi ka makakapagsulat ng ganito kung ala kang talent... ang galing nga ei (pwera biro po)promis....
ngat.......




Mukhang mahaba nga ang araw
Mukhang mahaba nga ang araw mo. Ako nagbasa lang napagod din eh. :)
BLOG. Network. Connect.