huni ng hangin
nakatingala ako sa'yo ngayon
dahil nais kong magpaampon
sa mga sangang mong malawak
na nakagayak
sa pagdampi ng bawat kahapon
at sa tindig mong
nagsasabing maaari akong
tumuloy
sa loob ng barako mong mga dahon
nakatingala ako sa'yo
habang naulinigan ko
ang huni ng hangin
ang pag-alis ng araw
at paglimlim ng ulap
sa iyong paanan
maaari bang ako'y maging
pasan
at ang iyong ugat ang aking
sandalan?
maaari ba? kahit sandali lang? 
:)
salamat alex
ito ang isa sa mga tula ko na mayroong impluwensya ang tradisyonal na tugmaan..
malaking tulong din ang tugmaan at sukat sa aming mga songwriter.
mainam gamitin ang sukat at tugma kapag gagawa ng kanta, dahil mas madali lapatan ng nota ang mga salita...
salamat din sa pagpapaalala sa mga ilang puntos sa panulaang pilipino na minsan ay nakakaligtaan na....
" hindi makagagawa ang makata ng tula ng walang karanasan ang kanyang mga musa, kung di gayon, walang kaluluwa ang kanyang paksa"


Isa pang tunay na makata!
Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin;}
nakatingala ako sa'yo ngayon
dahil nais kong magpaampon
sa mga sangang mong malawak
na nakagayak
sa pagdampi ng bawat kahapon
Ang mga salitang pantugmang ngayón, magpaampón, at kahápon ay pare-parehong nagtatapos sa dulong patinig na o at sa dulong katinig na n, at sa gayo’y mahina ang tunog.
Ang mga salitang pantugmang maláwak at nakagayák, ay parehong nagtatapos sa dulong patinig na a at sa dulong katinig na k, at sa gayo’y malakas ang tunog.
at sa tindig mong
nagsasabing maaari akong
tumuloy
sa loob ng barako mong mga dahon
Ang mga salitang pantugmang móng at akóng, ay parehong nagtatapos sa dulong patinig na o at sa dulong katinig na ng, at sa gayo’y mahina ang tunog.
Ang mga salitang pantugmang tumulóy at dáhon ay kapwa nagtatapos sa dulong patunog na o at sa dulong katinig na y at n, at sa gayo’y mahina ang tunog.
nakatingala ako sa'yo
habang naulinigan ko
ang huni ng hangin
ang pag-alis ng araw
at paglimlim ng ulap
sa iyong paanan
Ang mga salitang pantugmang sa’yó at kó ay kapwa nagtatapos sa dulong patinig na o, kapwa walang impit ang tunog, at kapwa mabilis ang bigkas.
Ang salitang nasa dulo ng ikatlo hanggang ikaapat na taludtod sa saknong na ito ay naging masalimot na, at hindi na nangagtutugma. Bagama’t hindi ito nakasisira sa tula.
maaari bang ako'y maging
pasan
at ang iyong ugat ang aking
sandalan?
maaari ba? kahit sandali lang?
Ang mga salitang pantugmang magíng at áking, ay kapwa nagtatapos sa dulong patinig na i at sa dulong katinig na ng, at sa gayo’y mahina ang tunog.
Ang mga salitang pantugmang pasán, sandalán, at láng ay pare-parehong nagtatapos sa dulong patinig na a at sa mga dulong katinig na n at ng, at sa gayo’y mahina ang tunog.
Ang panunugma ni talulot sa tula niyang ito ay nasa antas ng tugmang karaniwan. At madalas niyang gamitin bilang mga salitang pantugma ang mga salitang mahihina ang tunog, dahil na rin sa mensaheng panambitan na isinusulong ng nagsasalita o ispiker sa tula.
Ang ganda-ganda ng ganitong mga tula! May sukat, tugma, talinghaga, at sining!
Ang Tradisyonal Na Panulaang Pilipino