husga
sawa na ako...araw-araw nalang naririnig ko yun. paulit-ulit na sumisipa sa kaibuturan ng aking puso. mas matindi pa ang tama sa redhorse kung bumuwelo...grabe ang hang-over na dulot. sumasakit ang ulo ko. paulit-ulit...parang trumpo na patuloy na umiikot sa aking balintataw--at bawat ikot ay nag-iiwan ng marka. markang kahit ang pinakamamahaling brand ng pantanggal-peklat ay hindi makakagawang burahin. animo anino na patuloy na sumusunod sa'kin. sa bawat gabing ito'y kasama ko ay parang nasa bukana ako ng hukay---hukay ng kawalang-tiwala sa 'king sarili. gusto kong sumigaw! gusto kong magwala! gusto kong batukan ang sarili ko kung bakit ganito? bakit ganito ako?
tama bang pumatol ako sa multong patuloy na tumatakot sa puso ko? subalit pa'no kong kakalimutan lahat? unless maamnesia ako ay hindi un mangyayari. tama na...sawa na ako. pede bang maging tahimik naman ang kalooban ko ng kahit kaunti man lang? pa'no?
ah...bahala na. aukong mag-isip.aukong maloko ang dati'y gaga ko nang pag-iisip.husga...kahit sino, gumagawa niyan. kahit ako, nanghuhusga. isang sakit na di ko maiwasan. at sa gano'ng sitwasyon ay di rin nila maiwasang gawin sa'kin. bakit nga ba akala natin sa mga sarili natin ay napakagaling natin? gayong wala ni isa man sa atin ang nagmamay-ari ng kahit anong galing...mangmang ako...mangmang sila...pare-pareho. sa lahat ng aspeto. ano man ang estado pagdating sa panghuhusga; lahat gumagawa.lahat nagsasalita---mga salitang ala naman talagang kwenta. hindi nakakatuwa. puro pagtatyo lang ng sariling bantayog ang dahilan. bantayog na siya ring pupukol sa kanya-kanya nating ulo...

