Huwag Hawiin ang Ulap

|

May mga pagdilim ng langit na kailangang
bumagsak
Mga kabigatan ng loob
Ng ulap
Na kailangang
Pumatak

Huwag madaliin ang pag-ihip ng hangin
Hayaang manatili
Ang hagupit at hiyaw
Ng hanging humihingi
Ng makikinig

Huwag itulak ang mga ulap
Gamit ang panalangi’t pangarap
Na makita muli ang mga tala.
Mga ulap ma’y naghahanap
Ng sa kanila’y maghahanap,
Ng sa kanila’ y may mangangarap.

Hayaang ihandog ng langit
Ang diyamanteng kisap ng patak ng ulan
Sa lupa
Kung saan sisibol

Ang alaala

Miguel David

Adlesirc's picture

nice. simple words

nice. simple words yet composed of deep meanings.

 

good day!

thanks! good day, too!

thanks! good day, too!

love's picture

    nice! keep up the gud

 

 

nice! keep up the gud work miguel!

Godbless.