Huwag Na...
Huwag mo akong tanungin
Kung bakit hindi ako umiimik
Huwag mo akong titigan
Na para bang di mo alam ang dahilan
Kung bakit malungkot ang damdamin ko
Kung bakit hanggang tingin na lang ako
Manhid ka bang talaga?
O baka naman di mo lang makita
Sinabi ko na ang lahat sa ‘yo noon
Ngunit binalewala mo lahat ng iyon
Bakit ngayo’y nagpapahiwatig ka pa?
Hindi ka pa ba masaya sa piling niya?
Tahimik na ako at muling naghihintay
Sa bagong pagmamahal na sa aki’y ibibigay
Tama na ang minsang puso ay nasaktan
Sa maling pinag-alayan ng damdamin iningatan
Kaya’t ngayon, huwag mo na akong tanungin
Dahil ayoko ng umimik
Huwag mo na rin akong tingnan
Dahil alam kong alam mo ang dahilan.
para sa lahat ng mga taong gusto ng mag-move on at kalimutan ang taong nambalewala sa kanila...
para sa kaibigan kong si Loui... pare, kalimutan mo na siya... ikakasal na eh...
maraming salamat po!
hello po, Mr. Journeyman
Salamat po sa mga word of wisdom... ung kaibigan kong iyon, matagal na siyang nagbabasa dito sa site kahit hindi siya member... naikwento ko na rin sa site noong nakilala ko siya...
ang hindi ko kasi ma-take eh nakikita ko siyang wala sa huwisyo niya. sa akin amin lang mga katropa niya nailalabas lahat-lahat. palaging niya tinatanong sa akin kung ano bang mali sa kanya.. eh ang totoo, wala sa kanya ang problema. nasa ex girlfriend niya talaga. kaya kasi sila nagkahiwalay ay dahil nabuntis si girl ng ibang guy. nalingat lang kaibigan ko dahil kailangan niyang umattend ng business seminar sa korea. pag-uwi niya, ayun na. naipagpalit na pala siya kahit sila pa.
hindi ko rin alam kung ano pa ang logic na sabihin sa kanya ni ex na mahal daw siya nito. tapos bigla pa siyang inimbitahang umattend ng kasal. nakakaloko ano??? Bigung-bigo tuloy ang kengkoy kong kaibigan na iyon.
maraming salamat po...
ingatski,
melay
*****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwento ang Diyos ang may akda.
uy!
ayos to ah, simple pero maganda! napaka talentado mo talaga melai =) tama ang sinasabi ng tula mo, kalimutan na ang mga taong minsang nambalewala. maraming iba jan....
may tula din akong naipost dito na ganyan ang title pero iba naman ang laman (brutal ang pagkakagawa ko) hehehe!
good morning melai =) ang dami kong na miss na post dito kaya gumising ako ng napakaaga para maghalungkat... hehehe
un na!
wow ad, ang aga naman...
nabasa ko un anne, galit na galit ka dun!!!!
melay,
ka-relate hehehe......
hay me naalala tuloy ako.
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
sani!
relate ba???? hehehe.
hanggang ngayon sani kinakanta ko pa ung kulang mo! kasi parang kulang, kasi parang may puwang! rock on!
melay
******
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwento ang Diyos ang may akda.
!!!!
hehehe melay!!!! kanta lang ng kanta. pinapasaya niyo ako sa pagkanta!!!!
ka-relate talaga ako hehehehe
pwede ko na ring kantahin ung "di ko na papangarapin "
narinig mo na ba un? nasa blog ko rin hehehehe
http://soundclick.com/share?songid=7553142
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa mat
naku anne!
Mukhang napaaga nga ang gising natin ah... hehehe... hindi ko ata nabasa ung brutal mong tula. anong title noon???
eh sadya namang ganyan ang buhay eh. kunbaga, kung binalewala ka na noon eh kahit bumalik pa ngayon, anong saysay? minsan ka ng nabalewala eh.. sabi ko nga sa kaibigan ko, "nagpakatanga ka na noon. kinalimutan mo na ang katangahan mong iyon. aba kung uulitin mo pa, napakatanga mo na nga talaga." -usapang lasing ito. kaya kahit hindi ako lasing, parang lasing din akong humirit noon para maintindihan niya ang sinasabi ko.
nangyari din sa akin ito noon. pero salamat kay kuya spike... nauntog ulo ko. hehehe.... ngayon, sorry na lang sa taong iyon dahil wala na akong ka-amor-amor sa kanya.
hihintayin ko ung kwento mo... ung nai-share mo sa group discussion natin sa EB!
ingatski,
melay
****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwento ang Diyos ang may akda.
krek ka jan anne!
Eh sabi nga ni Kuya spike sa akin noon, I deserve someone better. hehehe... la na iyon...
aabangan ko iyong kwento mo...
******
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
masaklap man, nasaktan
masaklap man, nasaktan ka man..kailangan talaga ng salitang MOVE-On sa buhay.haayyy
keep on writing melay! GB.
oo nga ate!
May tama ka jan ate!
*****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwento ang Diyos ang may akda.
Kapares ng lumamig na kape...
Kung makakapagmura lamang
ang kapeng nanlalamig na
sa ibabaw ng lamesita
matapos itong matimpla.
Hindi na tulad noon
na parating sakto ang lasa
na pamatid uhaw sa gitna ng
mga pag-aalinlangan at pag-iisa.
Sapat na para matanto ang 'di pagdampi
ng baso sa nanunuyong mga labi
na muling sa lababo lamang mauuwi
kapares ng sugarol na 'di nakabawi.
________________
para din sa kanya itong tula ko...tula mo rin ito na inayos ko lamang
at nilagyan ng metaphors, nanlalamig na kape. (mahilig ka kasi sa kapeng barako eh). Ang kape nananahimik sa puno ay pinitas at dinurog para maging isang pamatid uhaw. May init na dala na swabe ang hagod nito sa taong mahilig sa kape. Sabi nga noong isang adik sa kape "nakakabaliw ang sarap nitong dala" kagaya ng pag-ibig din (kakabaliw diva). Kaso mas mababaliw ka kapag matapos kang matimpla ay hindi ka iinumin o lalasahan man lamang (mamahalin). Mauuwi ka lamang sa hugasan at itatapon sa butas ng lababo.Pag-ibig at umibig ay isang malaking sugal na may nananalo at madalas ay talo.Pagtulong: Sa tula iwasan mo gamitin ang mga pang-uri na nagpapahayag ng damdamin(galit,iyak,tuwa,lungkot). Ipakita mo ito sa paglalarawan o pagamit ng mga sangkap ng tula. Pagkukumpara (simili) o Pagbabagong anyo (metaphors) at Eronya (irony). Makikita mo at magiging iba ang hindi naman iba.hehehe
galing talaga ni kuya
galing talaga ni kuya dyeppri eh.
http://soundclick.com/share?songid=7553142
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa mat
iba ka talaga kuya dyep!
ang totoo kuya, hindi ako marunong gumawa ng tula. trying hard ba... hehehe.. pero oks itong tula mo... ang galing! salamat kuya! at kapag nagpilit ulit akong maging manunula, susundin ko ang payo mo... hehehe
Ingat ka palagi,
melay
*****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
Ganda ng tula mo....
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
sarap tulain.. lalo na kung bagong bigo sa pagibig......
sulat ka pa ha.....
ung teaser mo na send mo na..... dagdagan mo na rin ng pang invite heheeheh
jons
buti pinaalala mo!
nakalimutan ko nga isend eh... wait lang, isesend ko na sa email mo...
salamat ha!
*****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
tagal na pala ng tread naito
tagal na pala ng tread naito ah....kung babasahin ko muli ang nagawang tula ko na inihambing ko sa tula mo melay ay matatanto ko na marami rin pala itong sablay. chakaness din s'ya.ahihihi
"kaya nga ako nagsusulat sa Filipino ay para mas maintidahan pa nila ako..."
galing...
natuwa lang po dun sa statement na "Makikita mo at magiging iba ang hindi naman iba"...
hi melay
hi melay gandang tula! nasabi na nila ang sasabihin ko kaya aagree na lang ako salamat sa message mo sa fs!
Nice...
Nabasa ko din ung story behind the poem...
Sana matulungan mo sya habang hinharap nya ang mapait na kinasadlakan nya... (~__~ )

hi melay. kumusta? maganda
hi melay. kumusta? maganda ang tula mo. masarap kantahin. nagawan na ba ni talulot ng himig? hehe. musikero din kasi yun.
sabi nga, kung binalewala ka ng isang tao, hindi na siya karapat-dapat sa atensyon at pagmamahal mo. dahil merong isang taong ginawa para sa'yo na kahit kelan, hindi ka babalewalain. ngiti na ha. =)
sulat ka lang ng sulat. mabuhay ka kaibigan.
"Never trust a person that can think for itself if you can't see where it keeps its brain..."
galatea artemis
hello galatea
Di ba taga-batangas ka rin? san ka sa batangas? taga-lipa lang ako... maraming salamat at naligaw ka dito...
******
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
hi melay. oo, taga-dito ako
hi melay. oo, taga-dito ako sa Batangas. taga-Lipa ka pala. sa Batangas City ako. baka magpunta ako jan sa first week of June, sa Bluroze. hehe.
ingat ka. walang anuman, kaibigan. =)
"Never trust a person that can think for itself if you can't see where it keeps its brain..."
galatea artemis hopkirk
idol sagot ko hehehhee
pusong dati'y kumakalabog
pagsintang sa dambana'y niluluhog
anas na madalas sana'y matalos
ng pandama mong tila ba tuod
na di madama ang pagsintang handog.
ngumingiti na ng ubod tamis
kung bakit nga ba di mo napapansin
mata mo sa salamin ba't hindi itingin?
garapal na muta'y baka doon nadikit
ay naku! sayang lamang kaibigang mutain.
kaya itong puso'y napagod ata
tuloy naisip na mauuwi lng sa wala
buti na lng nagising itong aking gunita
magparamdam man ako di mo talaga madadama
"huwag na nga lamang" nasabi ng bigla.
mabuhay ka marco
ang lupit mo talaga... talagang sinagot mo eh. salamat ha.
******
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
;-)
walang anuman kaibigan
sabihin mo lang ako'y andyan; aadyahan ka at gagabayan
at kung kailangan mo ng balikat na kanlungan
kaibigan mo sa panulat wag mong kalilimutan
ako'y andito naghihintay lamang
kahit pa lumubog ang araw sa silangan
ngiti lang habang sumusulat!
e ano kung baduy?????
C H I A R O S C U R O
Hi......
Ahmmmm,,.....pag ang puso nasugatan, maaalala at maaalala nito ang kamay na sumugat dito, at ang puso pag nasugatan lalayo at lalayo na sa taong nag mamay-ari sa kamay na iyon sa takot na masugatan uli at masaktan at sa pag layong iyon ang pusoy maghahanap ng panibagong kamay na buong puso ring pagiingatan siya...teka pati ako naguluhan
Basta ang kung ano mang bagay na nasira na ay hindi na maibabalik pa ng buo ng walang bakas ng pag ka wasak.
Tulad na lamang ng tiwalang nawasak ng isang pagkakamali di na iyon mabubuo pang muli at di na iyon muling maibibigay ng walang halong pagtataka.
Dahil minsan lang sa atin ibigay ang pagtitiwala sa kahit na anong bagay, at sa mininsang pagbibigay ng tiwalang iyon dapat ay maging maingat tayo. Lalo na kapag ang puso na ang siyang pinagkatiwala ng iba, tulad nga ng pagtiwala mo sa puso mo sa kanya.....
Na sad to say ay sinayang niya lang....
ewans ko lang kong totoo akets....
Agi rako!!!
hello pinxu
Tama ka , kapatid. sa aking palagay kasi, no offense sa kanya, (dahil naliligaw din dito sa fw ang taong iyon) eh di pa siya marunong o handang magmahal. ang ayaw niya ay commitment. marami ng umasa sa kanya pero lahat ng mga iyon eh nai-dumped lang niya. at maaring hindi lang talaga siya ang tamang tao( ika nga ni kuya spike) para pag-alayan ng espesyal na damdamin. Nevertheless, mabuti naman siyang kaibigan. kaya ayos lang!
Ingats,
Melay
*****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
hi.....
Siguro may ibang dahilan rin siya, well i dunno what's behind it talaga.
Just like what you've said, siguro nga he's not the right one for you, and everything happens for a reason. ika nga ng qoute, sorry like ko kasi talaga ang qoute na 'to e:
"Broken relationship is not the end of the world, but the end of the new lesson learned,"
sa katapusan ng relationship n'yo siguradong may natutunan ka, and yun ay ang mag mahal ng lubos, kaya nga lang s'ya yung may doubt sa sarili niya pero ika nga ng isa pang qoute:
"Kung talagang para sa'yo ang isang tao, mawala man s'ya sa'yo ay magkikita at magkikita parin ka'yo, kapag tama na ang mali at kapag pwede na ang di dapat"
Na lay-out ko na 'to sa FS ko anyweizz,...aja!!aja!!...Melay
:X
ang dami naman palang may ganitong experience...
nakakaslowmo ng puso...
ang ganda
wag kang pipikit...
uy!
Salamat at naligaw ka dito... para ngang common experience na ito... maraming nabibigo nowadays... hehehe
Ingatski,
Melay
******
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
ibabalik ko lang...
ibabalik ko lang ang tread na ito kasi dumadami ang hiyaw ng hiyaw ngayon at hindi man lamang mamasyal muna sa site na ating iniingatan.thanx melay.hellowww po.
"kaya nga ako nagsusulat sa Filipino ay para mas maintidahan pa nila ako..."
pareng dyep...kaya nga muli akong namasyal sa FW
para makabasa muli ako ng mga akdang matagal ko ng hindi nababasa...
Muli kong binasa ang tula sa itaas... at katulad ng commets ko sa itaas eh nagandahan pa rin ako...
Ang gusto ko sa FW... lahat ng tema o genre nababasa ko... mapa blog hanggang sa iba ibang kwento.....
Galing ng tula!
jons
^_^
mahirap nga pong magmove-on lalong lalo na kapag mahal na mahal mo ang tao. Pero lahat ng bagay talaga may umaalis ngunit may dumarating. Sa nabigong pag-ibig na nauna, maniwala na sa pangalawang pagkakataon, mas sasaya ka doon ^_^v. Tuloy- tuloy lang po na magmahal.
gusto mo dati ayaw sayo...
gusto mo dati
ayaw sayo...
pina-asa lang puso
ayaw mo na ngayon
saka ka naman sinusuyo
gumugulo sa puso
dito nalang ako
na sa akin ay nagmamahal
kaysa sa aking dating
pag-ibig, pinagalayan
isang magandang tula, simple pero may dating.... may kurot may nasasapul!
maharot, malikot titik sa aking tuktok!
short and strong. salamat
short and strong.
salamat sa tula. nice one :)
parang kanta lang
Pls dont aks me what i am thinking it's about you..
hehehe nice one
Starblaze, Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

















Hi Melay, salamat sa tula mo
Hi Melay, salamat sa tula mo para sa mga taong gusto nang makapag-move on mula sa kanilang kasawian at bagaman hindi na ako kasama sa kanila dahil nakabalik na ako sa aking sarili ay nagpapasalamat pa rin ako. Kumusta na ba ang kaibigan mo? Sana eh makapag-move on na siya.
Sa lahat naman nang bagay na gusto nating makamit, tagumpay man sa buhay na ito o simpleng pagbangon sa pagkakadapa kailangan ng determinasyon sa buhay at suporta nang mga kaibigan. Iyon kasi ang naging susi sa mabilis kong pagbalikwas at pagkakabalik sa dati kong katinuan. At sa mga payo na rin nang mga taong hindi man nila ko kilalang personal ay nagbigay nang kanilang mga pagpapayo.
Sana ay maibahagi mo rin sa kanila ang mga “words of wisdom” galing sa mga taong hinahangaan ko sa FW... marami sila gaya nila gianenriquez, sinta isaac at marami pa. Pero ito yung mga nag-umpog sa ulo ko kaya ako ay natauhan...
Sabi nga ni bob ong "huwag mo alalahanin kung hindi ka na nya mahal dahil baka bukas ay hindi mo na rin siya mahal, naunahan ka lamang." Pareho lang pala tayo eh. Kayang-kaya mo yan. Pagdating ng panahon ay tatawanan mo rin ang kalokohan mo sa kanya, kagaya ko na nasasabi ko ngayon na "buti naman at hindi siya ang nakatuluyan ko kasi ang pangit niya pala kapag tumanda na."hehehe –dyeppri
wag mong itorture ang sarili mo sa ganyang mga sitwasyon may mga mas mabibigat ka pang problema bukod dyan – cassandra
Let her go. Take your time. It may be hard at first but you need to learn how to live without her. Live your life as you want it (but i know that you really want her in your life)...so deviate from the normal things you do. rearrange your schedule perhaps or edit your phonebook..focus your self into something other than her. maybe you can rearange your room..in short...try new things that does not remind you of her. – Jay B. P.
Muli, sana ay ok na ang kaibigan mo at anyayahan mo rin siyang magbasa dito sa FW para gumaan ang kaniyang kalooban.
"Ako ay maglalakbay, isang malungkot ngunit kinakailangang paglalakbay, tungo sa aking sarili, sa paghahanap nang isang bagay na maaaring mahalaga lang para sa akin..."