HUWAG NA HUWAG MONG SASABIHIN

May gusto ka bang sabihin
At di mapakali
'Ni hindi makatingin

Sana'y 'wag mo na 'tong palipasin…


I remember Alice sa kantang ito. Not that this was the song she sang – hindi pa yata ito kanta noon - twelve years ago sa company outing sa Batangas beach. But because, sapul ako sa lyrics ng kanta.

Alice was one of my crushes. At sa lahat, sa kanya dinadaga ang dibdib ko kapag kausap. Of course hindi niya halata iyon (tingin ko). Well, I was not the only one na nagpapantasya sa kanya kundi lahat ng guys sa kumpanya. Mayroong iba na hayagan kung magparamdam ng paghanga sa kanya. Meron namang pa-simple lang. Meron din namang pilit itinatanggi na may pagtingin sa kanya at kunwaring balewala ang presence niya – sadly, I was one of them.

I was cautiously watching her sa may kalayuan. Nasa entablado siya at nabibilad sa araw. She was wearing pink and black swimsuit, nakapulupot sa bewang ang bulaklaking navy blue piece of cloth na tumatakip sa hita niya, and a pair of dark shades. She was holding a microphone and singing I Will Always Love You.

Cautious ako sapagkat ayokong mahalata niya – kahit pa nasa malayo siya – na may kinang sa aking mga mata habang siya ay pinagmamasdan. Isa pa ay nasa tabi ko, at nakayakap sa braso ko, si Myrna – bestfriend niya, girlfriend ko.

Sabi ng friends ko, suwerte daw ako dahil lagi kong ka-interface si Alice. Purchaser kasi siya at na-assigned sa engineering logistics. Being a maintenance engineer, laging katuwang ko siya sa pakikipag-usap sa vendors everytime may kailangan kaming p’yesa / logistics para sa makina.

Para sa akin ay hindi suwerte kundi malas na siya ang lagi kong ka-interface. Lagi na lang kasing nawawala ako sa concentration at nasisira ang diskarte kapag napatitig na ako sa kanya. Minsan, napagalitan ako ng amo ko, bakit ba naman kasi carbide steel ang material na pinili ko over a plain stainless steel para sa fabricated tool na kailangan namin sa wirebond machine. Ofcourse hindi ko masisi si Alice. Hindi siya technical na tao at walang kinalaman sa decision ko. Ang tanging papel niya ay ang huwag mag-over-price ang vendor.

Alice, for me, was a woman who could only be my fantasy. Not that I was insecure, or whatsoever, ‘coz I was not. It was just Alice was beyond my league. And I could not afford her. Hindi siya simple; laging nail polish na red ang mumunting mga kuko  ng daliri sa mga kamay at paa, laging mabango, mamink-mink ang mga pisngi dahil sa ganda ng kutis, at dahil na rin sa kung anong ipinanapahid doon. Well, babaeng-babae siya sabi nga ng iba. 

Hindi ako manhid, at alam ko ang nangyayari. Unti-unting nahuhulog ang damdamin ko sa kanya. Well, wala namang nakakapagtaka roon. Mas magtataka ako kapag ka-interface ko ang babaeng kasing-ganda niya, tapos wala akong naramdaman. But I have to deal with it. Hindi ko pwedeng hayaan ang sarili kong malubog sa kumunoy.

Finally, I got an idea, and it worked. Niligawan ko ang friend niya sa purchasing na matagal ng may crush sa akin – si Myrna. In just a couple of dates, in two weeks, naging kami ni Myrna. Though si Alice pa rin ang ka-interface ko dahil hindi puwedeng si Myrna (production materials ang responsibilities nito), atleast I had somebody na mapagtutuunan ng pansin kapag may free time. Kaysa naman ang maamong mukha ni Alice ang laging lumarawan sa isipan ko.

Smooth naman ang naging relasyon namin ni Myrna though may mga konting di-pagkakaunawaan. Usual misunderstanding sa mag-boyfriend at girlfriend. Natuklasan ko kasing sobrang selosa pala nito. Pati ba naman ang bestfriend niyang si Alice ay pinagseselosan pa. Buti na lang at mapagbigay at maunawain si Alice. Like a typical bestfriends, away-bati sila.

Another thing na ikinaiinis ko sa girlfriend ko was that masyado itong gastadora. To the point na lumalampas sa budget at lumalaki ang utang sa credit card. Hindi ko maintindihan kung ano ang gagawin niya sa napakaraming bags at shoes. Halos twice a week sa beauty parlor. Unlike Alice – ayon na rin sa kuwento ni Myrna – na siya mismo ang nagma-manicure/pedicure sa sarili. Hindi rin ito mahilig sa beauty parlor. Ang younger sister niya ang katuwang sa pag-aayos ng buhok at make-ups.

Iyon lang naman ang reklamo ko kay Myrna, at mapapalampas ko iyon. Ako rin naman ay may luho; buying music CD’s and pocketbooks. Kahit wala pang suweldo at kahit medyo mahal, ‘pag gusto ko ay binibili ko.

Alice was there, in Pizza Hut Filinvest, sa anniversary namin ni Myrna. She was the only guest we had – special guest. Wala daw siyang balak magtagal. Pinagbigyan niya lang daw ang invitation ni Myrna to be there sa first anniversary namin. At para kami ni Myrna ang unang makaalam sa balak niyang pagpapakasal.

Na-shock ako sa sinabi ni Alice. Magpapakasal siya. Kanino? Ni hindi ko nabalitaang nagka-boyfriend siya.

The same ang naging reaksiyon ni Myrna. She was shoked too… but nang makabawi ay yumakap ito sa kaibigan.

With a glass of beer (first time kong nakitang uminom si Alice) ay ikinuwento niya kung sino ang mapapangasawa niya. Classmate sa highschool. Aksidenteng nagkita last month while she was visiting her tita sa ospital. Nag-date twice, then naging sila. I was disappointed nang ipinakita niya sa amin ang picture ng guy. Hindi ito pangit, but not handsome enough for Alice.

Nag-seaman ang guy for four years. Inabot ng malakas na bagyo sa laot ang sinasakyang barko at naaksidente. Pinalitan ng titanium ang nasirang buto nito sa kanang hita – the reason why na-ospital ito, at kung paano sila ay nagkita ni Alice sa ospital. Hindi na muling makakaakyat ng barko ang guy. Ang munting perang matatanggap nito from insurance ang inaasahan nilang puhunan sa pagsisimula sa buhay after the wedding.

Sabi ni Alice, one week na lang daw siya sa opesina since nagpasa na siya ng irrevocable resignation three weeks ago. Ayaw niyang pag-usapan siya kung kaya inilihim niya iyon. Sasama siya sa kanyang mapapangasawa sa Quezon, at doon ay mamumuhay sila ng simple. Siguro raw ay kaya na nilang mapagkasya ang anumang makukuha ng guy sa insurance, plus ang konting naipon niya.

I couldn’t say anything habang nagkukuwento si Alice, but smile. Deep inside me, which I hoped hindi nahalata sa aking mga mata, was panghihinayang. Alice deserved more than the guy… and I could be that guy.

After the second glass of beer, nagpaalam si Alice. Muli niya kaming binati sa aming anniversary, and wished us the best.

After a month – wala na si Alice sa opesina – ay balita na lang nakarating sa amin about her wedding sa Quezon. Simple wedding ang makikita sa few pictures na naka-attached sa email niya kay Myrna.

Sana ay makamit niya ang kaligayahan, nasabi ko sa sarili kasabay ng pagbuntong-hininga.

 

AFTER office ay kumain kami ni Myrna sa labas – the usual thing kapag Fridays. After dinner, she got her third glass of wine, I got my second beer.

Inabot ni Myrna ang kamay ko, and looked into my eyes.

“Do you want to know a secret?” sabi niya.

Napakunot-noo lang ako at napangiti. I shrugged my shoulders and said, “sure.” I wasn’t really thrilled, but I pretended to.

“It’s about Alice.”

Now, I was thrilled. “Hmm”.

Humigpit sa pagkakahawak sa kamay ko ang kamay ni Myrna. “Alam mo bang patay na patay sa iyo si Alice.”

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong beer. At kung hindi ko naagapan ay baka naibuga ko pa ang beer sa aking bibig.

Nagtawa si Myrna sa naging reaksiyon ko. Kumalas ang kamay niya sa kamay ko  upang takpan niya bibig sa pagpigil na mapahagalpak ng tawa.

“It’s not funny.” Sabi ko bago marahang inilapag sa mesa ang beer.

“I’m not kidding. Really…” Diretso sa mga mata ko ang tingin ni Myrna. “Well, pareho kaming may crush sa iyo.” Umayos siya ng upo at nagpilit sumeryoso. Umiling. “Sorry siya, ako ang type mo.”

“Kaya ganoon na lang ang pagseselos mo sa kanya?” sumandal ako sa pagkakaupo habang hinihintay ang isasagot niya.

Nagkibit-balikat lang si Myrna, which I interpreted as pag-amin.

 

HINDI umabot sa second anniversary ang relasyon namin ni Myrna. Kung anumang nagbibigkis sa aming relasyon ay kusa iyong namatay. We decided to end our relationship... na sa tingin namin ay siyang dapat naming gawin.

Myrna is now in America with her husband and son.

Nag-asawa na rin ako at may two daughters, and soon to have another kid – hopefully, a boy.

Wala na akong balita about Alice. Kung nasaan man siya, sana ay maligaya siya.


SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

 

Totoo ba ito? nakakalungkot naman. Ako, last time ako na ang gumawa ng first step sa taong minahal ko. Nilunok ko ang pride ko, wala naman siguro masama sa pagpapakatotoo ko. Ngayon, Mahigit 1 year na kami at nag daming Blessings ang nangyari sa amin :)

Sana inalam mo, wala naman problema kung niligawan mo siya dati bago sana maging kayo ni Myrna..

 

Maganda story

 

Please support me naman po pala

www.lamangutak.blogspot.com

 

ellise dominic's picture

wow ang lungkot

 bakit ganun?  may mga taong alam nating mas magiging masaya sa atin pero hindi naman tayo  napapansin? 

nice story... ganda... sad pero maganda...  

 

my soulmate  is worth the wait..

thanks po.... yeah, it's sad

thanks po....

yeah, it's sad (huh).