I ROSE AGAIN!

rose's picture

I Rose Again! Happy Easter Sunday sa lahat....

Ito na naman ako nag babalik sa FW medyo ilang buwan narin na hindi nakapag share ng mga bagay bagay na nangyayari sa aking muling pagbabalik gusto ko lang i share ang mga bagay bagay na naranasan ko sa buhay for being a fighter at muling pagbabalik sa panibagong buhay.

Being a fighter does not mean na mahilig ako makipag away. yes i am a fighter, fighter sa lahat ng hamon sa buhay, fighter sa lahat ng pagsubok na dumarating sa akin. I am A fighter Woman. Sa lahat ng mga pagsubok na dumating sa akin at natutu ako lumaban, natutu ako tumayo at natutunan ko rin ang maging matatag . Mas masarap pala kapag dumadaan ka sa maraming pagsubok sa buhay, dahil dito mas lalo ka nagiging matatag. Mas lalo mo nalalaman kung ano ang tama, kung ano mabuti at masama, at mas lalo ako kumapit sa kanya sa ating PANGINOON NA LUMIKHA SA LAHAT.  Maraming pagsubok ang dumating , itong mga pagsubok na ito ang nagturo sa akin upang harapin ang panibagong buhay na puno ng pag-asa. Akala natin kapag nasa gitna tayo ng pagsubok, doon na matatapos ang ating buhay. Ito'y maling pananaw, ito pala ang magtuturo sa atin upang lalo maging matatag, lalo lumapit sa DIYOS.

Ang pagkabigo at pagsubok ay parte ng ating buhay, kapag dumaan tayo sa pagkabigo , isipin natin na merong mas magandang bagay ang mangyayari sa ating buhay. Kalimutan natin ito, matutu tayong harapin , at maging malaking aral sa atin ang pagkabigo na ito. Sa lahat ng pangyayari sa ating buhay ay may dahilan, kailangan lang na lagi tayong humingi ng gabay sa itaas, lagi natin siya ilagay sa sentro ng ating buhay. Nandiyan lang DIYOS na patuloy na gumagabay sa atin, patuloy na nagmamahal na kahit paulit ulit tayo nagkakasala , paulit ulit din niya tayo minamahal at paulit ulit na dinidinig ang ating mga dasal. Kapag nasa matinding pagsubok tayo , ipasakamay natin, manalig tayo ng buong puso, isip at kaluluwa. Nandiyan lang siya lagi sa ating buhay na gagalaw sa atin, siya ang higit na nakakaalam ng lahat ng mga plano natin sa buhay.

Kaya sa lahat ng mga pagsubok na dumating sa akin ito'y paulit ulit ko ipinapasalamat sa kanya, dahil sa mga pagsubok na ito mas lalo ako naging matatag, nagkaron ng malaking aral sa akin ang mga kabiguan ko sa buhay, mas lalo ako kumapit sa kanya. Kaya maganda man o pangit ang ating pinagdadaanan PASALAMATAN NATIN ITO SA DIYOS. Dahil nandito parin tayo na nararanasan ang mga bagay na iyan. Pasalamat tayo dahil sa lahat ng pagsubok na iyan, may magandang buhay ang nag hihintay, maraming mas magandang bagay pa ang mangyayari sa atin. Kaya ako sa lahat ng pagsubok na naranasan ko , maraming salamat sa ating panginoon dahil ito pala ang magiging daan upang lubos ko makilala ang aking sarili, ito pala ang daan upang matagpuan ko ang taong lubos na magmamahal at magpapasaya sa akin. Napakasarap at napakagandang regalo ang ibinigay niya, Taong mula sa kanya na makakapag pabago sa aking pananaw, at makakapag palambot sa aking puso.

Lord thank you for all the good things you have done for me. Thank you for all your guidance, for the good health and for everything. Ako'y walang sawang magpapasalamat sa iyo sa lahat ng kabutihan na binibigay mo sa akin....Maraming salamat din po sa lahat ng pagsubok na ibinigay mo sakin.... Ngayun ako'y muling nabuhay at mabubuhay sa panibagong pag-asa. Lagi ninyo kami gabayan sa lahat ng aming mga plano sa buhay....

 

HAPPY EASTER TO EVERYONE.......GOD BLESS US ALL...