"IBA"

Sa dinami-rami ng aking kakilala

Ikaw ang tanging sa aki’y nagpasaya

Mula sa dilim, liwanag ang  ’yong dinala

Dito sa aking puso ikaw ay nagpakilala

Ako’y nakakita ng bagong pagasa

Sa iyong pagdating ako ay umasa

Ikaw ang syang ligaya na aking nakita

Umaasa na ika’y tulad ko ring kakaiba

Kay gaan ng pakiramdam kapag nariyan ka

Ikaw lang ang nais wala ng iba

Sa aking katapatan magtiwala ka

Pagkat itong  isip panatag sayong hiwaga

Sa t’wing nakikitang may kasama kang iba

Ngiti sa’king labi asahang mawawala

Ako’y nangangambang agawin ka nila

Pagkat alam ko, ikaw ay nagiisa,

At naiiba…


Similar entries