iba na nga ba ang mga kabataan ?? hmmm....
Kasi yung mga teacher ko lagi na lang nagrereklamo tungko sa asal ng mga bata sa panahon ngayon. Masyado daw bastos ?! Sabi pa nila, nung mga kapanahunan daw nila ay nakukuha sa tingin ang mga bagets?! Nabasa ko rin pala sa isang magazine na materialistic at mga mediocres daw ang mga bagets? What can you say ??
Tumpak. Tingin ko nga e,
Tumpak. Tingin ko nga e, phase lang siguro yung ganon. Syempre, mga bata maloloko. Curious sa mga bagay. Haha. Yung sa name ko naman, wala lang akong maisip. At mahabang istorya naman kung ilalahad ko pa yung origin ng username ko.
Hindi naman siguro lahat
Hindi naman siguro lahat pero aminin na natin na meron. Hindi naman kasi mawawalan ng ganoon, iba't-iba lang ng paraan kung paano naging bastos. Sa nakikita ko, merong mga masyadong liberated. Yung tipong parang may krisis sa tela kaya nagtitipid (natatakpan lang ang dapat takpan).
Meron namang iba na gustong tumanda kaagad kaya pati pagiinom at paninigarilyo sinusuuong. Ang dahilan-wala lang, trip trip lang.
Meron din namang iba na adventurous kaya kahit tumawid sa nagbabagang alambre sinusubukan (naging exagged lang ako ng konti).
Sa palagay ko, defensive ang mga kabataan ngayon (ilan lang naman). Kumbaga, kapag pumasok sa isip na tama, ipagpipilitan niyang tama nga kahit baluktot naman.
Pero meron din namang nasa matino pang paguutak. Siguro hindi nga ganoon ka perpekto pero masasabi pa rin nating mabuting kabataan.
Materialistic? Yung iba. Pero hindi rin lahat.
<(='.'=)> eloi
Base sa experience ko,
Base sa experience ko, masasabi ko nga na liberated na sila o mas tamang sabihing kami. Sa edad kong tres, umiinom na ko (teka, puwede na ba sumali dito ang mga trese?).
Sa school ko, daig pa ng mga bata ang mga adult na couples kung maglampungan. Siguro nakakaapekto rin yung estado ng buhay sa ugali ng isang tao. Lugar kasi yun ng mga burgis e.
Kung sasabihin namang materialistic, oo yung iba. Pero madami pa din akong kilalang kabataan na old-fashioned ang pamumuhay. Yung talagang mga basic necessities lang ang kailangan. Tulad ng cellphone. Yung kilala ko, sabi nya saken, hindi daw sya magpapalit ng bagong phone hanggang di pa nasisira yung phone nya.
lagot ako kay mama! umiinom ako!
It's the parents' responsibility!
Couples nowadays are very busy with their own respective jobs to commit themselves to their children, 24 hours a day or even by just four hours a day. Some are fortunate to have yayas but even those surrogate mothers only have a limited power over their alagas. So, they're not given the privilege to actually hit their alagas to submission, which I do think helps sometimes as means to discipline the kids. SOMETIMES ... not all the time.
Some parents have the choice to send their kids to military camps so they learn discipline. I do believe there's a show in the States about these spoilt and bastos kids sent away from home to be disciplined at summer camps, etc.
Negligence and lack of discipline and parental contact is what's missing, I do believe and I hate it when those parents blame violent games and stuff because, the kids wouldn't be playing them if you really cared to monitor their activity as their parents/guardiance!
Added:
I do know for a fact that in the province, aunties and grandparents tell their apos/pamankin to help out in the house chores and keep their mind busy with little things such as sweeping the front porch, getting water from the pump, etc. I don't think kids actually do that these days ...
Come and think about it, it's very Zen-ish to be cleaning windows and carrying buckets of water to and from the pump! Karate Kid, I do love that movie! :D
hindi lagot
lagot..hindi ang kabataan ang nagbabago ang panahon. noong kabataan ko rin ganyan din bukambibig namin. nanay na ako pareho ang react ng mga anak ko, lalo na ang aking si Diwa. umuulit lang kaya. ang tanong eh heto...may pagkakatandaan ba naman ang kabataan na tulad mo? malalaman mo yan kapag hindi ka na lagot sa mama mo at magulang ka na.
sang ayon ako kay pmel. sa tahanan dapat magsimula ang disiplina sampu ng pag aaruga ng magulang sa kanilang anak. parenthood is a lifetime career. treat not our children as officemates. para hindi tayo lagot sa kanila pagdating ng panahon.
subalit hindi ang mga gawaing bahay (probinsiya man o siyudad) ay pagdidisiplina. ito ay pagmumulat na dapat matuto ang isang bata ng sweeping the front porch..etc. sa kanilang pagtanda kaya man nilang kumuha ng kasama sa bahay o hindi magagawa nila ito. mas magiging independent pa nga sila.
sige mabuhay ang kabataan!!! pati na rin ang mga magulang hah?
Sa panahon ngayon ang mga
Sa panahon ngayon ang mga magulang ay nagiging abala na sa kanilang mga career sa buhay... hindi na nila nabibigyan ng panahon ang kanilang mga anak... hindi naman lahat....
Siguro konting disiplina ang kailangan.....
Jonsdmur
hindi siguro ganun ang kabataan...
although i admit, this world is becoming a materialistic world...depende sa magulang yun kung paano nila palalakihin ang mga bata nang tama, although i admit mahirap na masarap ang maging magulang...but pag nakita mo ang mga anak mong lumalaking tama ang kanilang gawa at mabuti ang kanilang asal, masayang feeling yun...about being bastos ng mga kabataan, more youth nowadays say what they want to say and the elderly feel na nagiging bastos na...siguro pag sinabi ng bata in a nice and respectful way but still voicing out their own feelings and opinion, oks lang sa akin yun...mas maganda nga yun ganun kesa bottled up inside sa bata ang kanyang feelings di ba? ganun kasi noong araw magpalaki ang mga elderly...in the modern times, di na ganun...kaya might as well, the parents of today should make adjustments as well...yun lang po and thanks!
for business opportunities, please visit
Pagbabago ng Kabataan
Bagong Anyo
Paaralan
Ibang-iba na ang mga kabataan
Ibang-iba na ang kanilang kilos
Ibang-iba na ang kanilang tunog
Mag-aaral
Ibang-iba ang mga guro
Ibang-iba ang kanilang kilos
Ibang-iba ang kanilang tunog
Magulang
Noong panahon namin:
Ibang-iba ang mga kabataan
Ibang-iba ang aming kilos
Ibang-iba ang aming tunog
Guro
Ibang-iba ang panahon
Ibang-iba ang tunog
Kailangan nang bagong anyo
Eto lang ang masasabi ko....
tamad lang titser mo
mula nung magsalita si Charles Darwin, may konsepto na ng evolution.
kung nagbabago ang panahon, sana naiisip din ni teacher na magbago ng style. wag niyang asahan na ang mga bata ngayon ay magiging katulad ng mga bata noon.
dapat niyang pagbutihin ang sarili niya, dahil kung nagbabago ang mga kabataan, magiging mediocre nga sila, kung ang mga taong dapat nagpapalawig ng kanilang kaalaman at kanilang kahusayan bilang mga tao ay umaasang walang magbabago sa mundo.
wag kang pipikit...
Ebolusyon
Bago pa magsalita si Darwin ay may konsepto na ng Ebolusyon siya lang ang nagbigay ng malawak na paliwanag ang konkretong pagsusuri tungkol sa teoryang ito. Subalit, sa pagsasaliksik ng ilang eksperto na nagmula ang kaispan ni Darwin ng basahin nya ang aklat ni Thomas Malthus.
Dapat lang naman na magbagong anyo ang mga guro.
Dahil ang iba sa kanila ay mula pa sa Old School.
Mahirap nga namang ipantapal ang bagong biling damit sa lumang damit.
bakit nga ba nag iba na ang mga kabataan?
totoong iba na nga ang mga kabataan ngayon. iba kung mag isip at iba na talaga kung umunawa. bakit nga kaya naging ganito? nangyayari lang naman ang isang pagbabago kung hinahayaan ng mga nakatatanda. babangga lang naman ang isang bangka kung di marunong ang nagsasagwan.
maraming katotohanang mahirap tanggapin at isa na dito ay ang isiping napabayaan mo ang isang bansa dahil sa hindi mo pagpapalaki ng maayos sa anak mo. paano mo sasabihing, huwag ninyong gawin ang ganito at ganyan kung sarili mong anak ay ayaw kang igalang?
Paano naman ipagtatanggol ng isang bata ang sarili sa panghahamak ng iba sa magulang niya kung talaga naman itong ginagawa ng magulang niya?
wala na silang ibang pagpipilian kundi ang lunukin na lang ang mga pangaalipusta sa kanila at turuan namang mas maging masama ang susunod. upang di matulad sa kanila na inaapakan nalang ng iba.
Ganyan talaga...
Lahat nagbabago na, kung noon telegrama ang uso pag me namamatay, me bayad yun per letra, ngayon internet or text na abot na ang balita.
Kung noon pag me game and watch ka, sosi kana...Ngayon PSP or DSi na uso. Di parin satisfied kabataan.
Kung noon, black and white ang mga tv, ngayon me LCD, HD na, wide screen at kung ano ano pa. Di mo narin kailangan ng bolpen para i rewind ang mga betamax at VHS na hiniram mo dahil mga DVD na ang uso ngayon.
Kung noon ang mga pokpok, sila ay dakilang Magdalenang mababa ang Lipad.
Ngayon silay mga Big time na escort ang tawag sa kanila.
Kung noon eh ako'y mahilig sumayaw ng Electric Youth ni Debbie Gibson noong hayskul. Ngayon yung IceCream Freeze ni Hannah Montana na ang sinasaway ko, pagkatapos kong sayawin ang HoeDown Throwdown.
-----------------
Nagbago na nga ba ang mga kabataan?
Ganyan talaga ang life. Di mo sila maaasahan na hangga ngayon mg babarong at saya parin sila. With matching pamaypay.
Dapat bang sisihin ang mga magulang?
Me mga bata talagang sobrang pasaway, kahit anong pangaral ang gawin ng mga magulang, hindi mo ma bi blame yan sa nurturing lang. Nasa environment din yan, at pressure ng mga barkada.
Me mga pinsan ako noon na halos, linggo linggo silang mag simba, super magalang ang mga anak nila, School, Church at bahay lang, in the end, biglang nabuntis ang panganay nila, Shock ang lahat, ang nakabuntis, adik adik pa..Sisisihin mo ba ang mga parents doon? Kulang nalang e memoryahin nila ang biblia?
Masyado nang modern ang technology natin ngayon, kaya isa ring dahilan na nagsisilbi yan sa pagbabago ng ating paligid, kung noon pag gustong mag chiks ng mga mister, kailangan pang pumunta sa mga club.
Ngayon kahit sa FB, or FS, pwede na silang makipag landian at maki meet kung saan saan. Kaya kahit ikulong mo man ang mga anak mo sa rooms nila, pag nakipag Cyber sex na sila or text mate kung kani-kanino, malay pa ba ng mga magulang.
Pero me dinudulot din namang maganda ang modern technology natin, dahil marami naring sakit ang nagagamot ngayon na kumpara noon, ultimong simpleng lagnat, di nila kayang gamutin.
Bilang magulang, teachers at kung ano-ano pa, dapat nakahanda ka sa mga darating pang modern technologies na sisira sa utak ng mga kabataan. Kasi sa mga internet palang, ang dami ng mapapanood na phorn movies. Eh ako itong PC namin, parental control, with password ek-ek, eh balang araw, maka crak din ng anak ko itong mga code na to.
Ako kung ako tatanungin di ako sang ayon sa pre-marital seks na yan, pero me magagawa ba ako? pag nagsipaglakiha na mga anak ko? Kahit na nag iinquire na ako ng chastity belt para sa dalaga ko, mapipilit ko kaya syang isuot yon, ang hirap kasi dito, kukunin mo palang ang sinturon, naka dial na sila ng 999 (or 911 sa US)
Kung noon, kung gusto mo maki chismis sa mga awayan ng mga kapitbahay mo, eh pasilip silip kapa sa bintana, ngayon login kalang dito sa FW dami mo na makikitang awayan.
Kung noon, yung kasabihan na pag binato ka ng bato...batuhin mo ng tinapay..
Aba eh ngayon, pag binato ka ng bato, big time ka, pwede nang ibenta.
Basta ba...Wag lang padadala sa mga materyal na bagay...
Use things not people, and love people not things.
Sabi nga ni Albert Einstein.
"It has become appalingly obvious that our technology has exceeded our humanity" -
masyado lang talagang marunong ang mga kabataan sa ngayon.
pero darating rin ang araw at matutulad rin sila sa mga magulang nila kung paano sila mag-isip.babalik sila sa basics pag natutunan nila ang mga mali at kung ano ang tama.age of curiosity kasi ang mundong iyan. Kaya dapat napakaraming bantay.hindi na sapat ang morality check sa simbahan. masyado nang maraming impluwensyang humahatak sa kabataan ngayon kaya kailangan ng higit na patnubay.paano naman kasi, sa sobrang dami rin ng impluwensya ay nakakalito na rin ang mabuhay.kaya nga kailangan maging matalino ka talaga sa mga pagkakataon at pagsusuri sa mga impluwensya na nasa paligid mo.
Bakit lagot?
Hindi naman lahat...Nasa pagpapalaki ito ng magulang.
Nung unang panahon,sa pamilya, lalake lang ang naghahanap-buhay at ang mga babae ay nasa bahay lang..with that, natututukan ng magulang ang mga anak sa tamang kaugalian, sa ngayon, mas focus ang mga magulang (both husband and wife) sa hanap-buhay.
Nasasabi sigurong materialistic kasi marami nang nauuso ngayong advance technology.Dati ang mga kabataan e naglalaro ng patintero, syato ba yun at tumbang preso..ngayon, wala ka nang makikita na naglalaro ng ganyan, kung meron man, siguro sa probinsya..mas gusto ng kabataan e, maglaro ng games sa computer, noon , ok lang makinig sa radyo ng music, ngayon, may mp3 or mp4 na.Dati walang cellphone, ngayon kahit nasa gradeschool, may cellphone na..
Na miss kita Sofie...
Ako this yr lang nagkaroon ng celfone ang mga anak ko, mga lumang pinag gamitan naming mag-asawa. Pero gamit lang nila for emergency talaga.
Wala ngang load eh, hahaha, kaya dito lang sa bahay nila ginagamit...wala parin silang Ipod at MP3 or 4. Wala din silang TV sa kanilang room. Lahat ng pagdidisiplina ginagawa ko sa kanila, at tinuturuan ko rin silang mag chinese garter, gumawa ng tirador, at mag piko, imbes na mag computer.
Pero ang sabi nga ng mga kaibigan ko, pag nasa School na daw sila, di mo na alam kung ano ang capable nilang gawin, lalo na maraming mga naka paligid na nang iimpluwensya. Hindi ko pwedeng ipilit sa mga anak ko kung sino gusto nilang kaibiganin.
Mahigpit din ako sa mga movies na pinapanood nila, pero one time nag pa babysit ako sa isang pinay dito, teacher pa mandin sa isang Nursery school, aba nadatnan ko nanonood sila ng Tagalog films, me barilan at patayan. pang 18 yung movies,pero hinayaan nyang manood mga anak ko, tutal daw di naman nila naiintindihan ang salita dahil tagalog.
Ang pagiging materialistic ng kabataan, nasa magulang yan, kung ibibigay nila sa mga anak lahat ng gustuhin ng mga anak nila. Gaya ng friend ko sa US, mahilig sya sa mga designer brands, at ganun din ang binibili nya sa mga anak nya, kaya ang mga anak nya, di na tumatanggap ng no names na gift...shock ako!!!
Hindi nmn siguro..
Dahil bata ako.. di ako nasang ayon dyan :D hehehe..
Kahit nmn siguro ako.. kung sasabhin ko lng ung Hinaing ko, bastos na ba un? dahil sumagot ako sa matanda.. Paki tanong nlng sa teacher mo ano meaning ng bastos. bastos in a Sense na Puro kbastusan lng ang sinasabi, mga ARI lng nang tao ang alam sabhin.. natural lng samin mga bata un.. tska biro lng un.. :)
Nakukuha pa din nmn kami sa tingin.. depende nga lng sa natingin. haha.
Materialistic.. No comment.. hehe
Mediocre? definitely Not. di lng nadedevelop ..














They're entitled to their
They're entitled to their opinion. :D Eh, kung mga bagets ang tatanungin, talo sila sa panglalait. Hehehe... biro lang po. :)
Iba na kasi ngayon. Marami ng mga kabastos-bastos na teacher. Gaya ni _____ na hindi yata gumagamit ng dictionary. Pero may bumabastos ba sa kanya? Patalikod, oo. Eh, kung mangratrat ang bunganga nun talagang susuko ka e. Hehehe... naligaw na ata ako.
Anyway. Hindi naman lahat ng bata bastos. Hindi rin lahat ng bata nung panahon nila magalang. Hormones lang yan. :D
RJ :)
Teka, bakit ka lagot kay mama?
* * *
Stories and Poetry by RJ Santos