IIngatan kita
"Ingat SAni," Bilin niya habang tinatahak ko ang daan kung saan nakaparke ang aking maliit na owner type jeep. Hindi ko mapigilang maubo habang naglalakad dahil siguro sa bagsik ng pagyoyosi ng mga kasamahan niya doon sa tapat ng isang coffee shop.
Bubuksan ko na sana ang jeep ngunit,
" Sani, wag mong kakalimutan ang mga posters bukas ha" Sabay ngiti niya at pagtalikod.
tinitigan ko siya habang bumabalik siya sa coffee shop kasabay ng pagtitig ko'y naririnig ko ang hagikhikan ng aming mga kasama.
"Uy, uy, hanggang dyan ka lang pala" may malakas na tuksuhan pagkatapos.
Tinitigan ko siya ulit.
"Ano bang mayroon sa iyo at hindi ko maipukol sa iba ang aking tanawin. kahit ang tingin mo lang sa akin ay trabaho?"
"Ano bang meron sa iyo at nagtitiis akong supilin ang damdaming hindi maitatwang nahulog na sa iyong pagkamisteryo?"
Ilang beses ko na iyang tinatanong sa sarili ko, ngunit hindi ko rin masagot. Ilang buwan na akong binabagabag ng ganitong damdamin. Hindi ko lang maamin sa sarili ko na ikaw na ang pinapanaginip. Lubusan mo akong pinapahanga sa kabutihan ng iyong puso. Humanga din ako sa natatangi mong talento. Matagal ko nang angkin ang lihim na ito, ngunit nagpasya akong manatiling lihim kahit lumalabas na siya sa aking gawain.
Hindi dahil ayaw kita o alangan ako sa'yo kundi dahil mayroon pa rin akong takot na masawi muli. may takot pa akong humakbang sa pagiging isa.
Sa pagdaan ng mga araw, hindi na nga ito paghanga lang. sumisigaw na ang dibdib ko at sinasabing, " mahal kita" ngunit pabulong pa rin ang dating ng hangin sa iyong tenga.
dati naisip ko na di mo ako nakikita, palibhasa kasi di ko taglay ang katangian ng mga gusto mong babae. Hindi ako singkit o mahilig sa anime o mayroong legs na walang hanggan. Kaya nga siguro di mo ako napapansin.
ngunit noong humarap ako sa salamin, nasabi ko ring, ikaw rin naman. Ni sa hinagap ko hindi ko aakalaing ako sa iyo'y mahumaling. Dahil hindi ka mala-adonis ang tangkad, tikas at katawan. Magkagayunpaman, nabihag mo pa rin ako. at hindi ko iyon natanggap.
Naghanap na rin ako ng kasagutan sa paligid, ngunit bibigyan lang ako ng buwan ng sandamakmak na nahuhulog na bituin.
Habang binawi ko ang aking mata mula sa kanya, hindi naman ako nakatakas sa pintig ng aking dibdib. umupo ako saglit sa aking sasakyan, pinilit ipihit ang susi upang mapaandar. Ilang beses ko iyong ginawa hanggang sa maramdaman ng makina ang kanyang pag-init. nahamugan kasi kaya't ayaw mag-ingay, gusto lang makinig sa dagundong ng aking puso. sa huling pagpapaandar, napasandig muli ako sa aking upuan. at habang tinatanaw ko ang buwan sa langit at dinadama ang masugid na hangin ng madaling araw, bigla na lang akong napangiti.
bigla kang lumitaw sa aking harapan, nailawan ko ang iyong mukha; sa titig mo'y hindi maikakaila na kahit ang nasambit mo lang kataga ay,
"IINGATAN KITA SANI" sabay hawak mo sa aking pisngi at ngumiti ng walang katapusan.
---------
mabuhay ang ligaw tingin at inlab tingin
hello jon, oo nga eh,
hello jon,
oo nga eh, exam kasi... mas nakakakilig sana kung magiging totoo ang ending hehehe.
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
okay din po ito maganda ang
okay din po ito maganda ang kwento sana mangyari rin sa akin ito
hello agatha, lahat
hello agatha,
lahat talaga tayo nais maingatan di bah
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."


Nakakakilig naman ang
Nakakakilig naman ang kwento....
Musta na frend? busy ka yata this following day...
Keep smiling!
jonsdmur