IKAW...
ikaw...
na nagsisimbolo
ng ating pagkakaisa
at nagbibigay pag-asa
sa bansang nagdurusa
ikaw...
na nagsimula
sa wala
nakipagbasagan ng mukha
at ngayo'y tinitingala
ikaw...
na nagpapatigil ng bansa
sa pag-galaw
kami ay napapahiyaw
sa tuwing kamao mo ay humahataw
sa kalabang hindi magkamayaw
ikaw...
'wag ka sanang magpaggamit
sa mga buwayang kumakapit.
busugin mo kami ng karangalan
'wag nang sumali sa kahangalan
ikaw...
na pinag aagawan sa pulitika
ng kapuso't kapamilya
sa ngalan ni aling dionisia
'wag ka naman sana mag artista
tigilan na rin ang pagkanta
dahi ikaw...
ang aming boksingero
ang pambansang kamao
ang tunay na idolo
ng sambayanang pilipino
ikaw...
manny paquiao
haha, walang laglagan naman!
sinabi ko lang un kagabi, maiba lang.
ang plastik ko no? haha
basta, ayos ung pagkapanalo ni kumpareng manny.
thanks jons
nga pala, na add na kita sa facebook. paki confirm na lang.
thanks :)
Hi. maraming salamat sa
Hi. maraming salamat sa pagtitiyaga sa mga akda ko,
gayundin sa iyong encouragement. Ako man, dadalas-
dalasan ko rin ang pagsilip kung may bago kang ipa-paskel
na trabaho dito.
ayos!
habang binabasa ko siya akala ko isang tulang inaalay sa isang minamahal. hehe tungkol pala ito kay pacquiao.. maganda, "IKAW"
salamat
salamat karlaloo ey8 sa pagbabasa.
next time mag aalay na ako ng tula sa isang minamahal.
:)





kala ko ba Hatton ka?hehe
magaling na boksingero naman talaga si Manny, sana nga dun na lang siya magconcentrate, hehe
napadaan lang...