Ikaw

lhen's picture
Mahal kita
pero may mahal kang iba
nasasaktan ako
kapag nabibigo ka
Dinadamayan kita
kapag umiiyak ka
Tinutulungan kita
kapag may problema ka
 
Palagi nalang ba ikaw
minsan naisip ko nang bumitaw
Bakit kase di ka tumingin sa paligid mo
katabi mo lang ang tunay na nagmamahal sayo
Ako nalang kase
Diba tayo lang ang mag kakampe
 
Lagi mong sinasabi
Tayo'y mag kaibigan lang
Pero nag sasawa na akong
maging kaibigan mo lang
Ayoko na kase kitang
nakikitang umiiyak
Tapos ako pa ang mag pupunas
ng mga luha mong pumapatak
 
Buksan mo lang ang puso mo
Wala namang masama
kung mamahalin mo rin ako
Wala ring masama kung
mag mamahal ka ng kaibigan 
Dahil alam mo naman
na di ka nya kayang saktan 
 
Turuan mo ang puso mong
umibig sa akin
At makikita mo hindi
kana ulit nito papaluhain 
Ang puso mo lang kase
ang may deprensya
Hindi kayang mag mahal ng
taong nag bibigay
sayo ng importansya
 
Hindi kita pipilitin kung
ayaw mo sa akin
Basta kapag ika'y nabigo
ako'y nandirito parin
Mga luha moy akin paring
pupunasan
Kahit na ang puso ko'y
lubus na nasasaktan
 
Dahil sa kaibigan kita
at kaibigan mo ako
Asahan mong ako'y laging nandirito
Pero umaasa parin ako balang araw
Ang mag katuluyan sa hule'y
Ako't Ikaw 
 
 

lhen's picture

Try ko lang po!!!!hehehehehe

Try ko lang po!!!!hehehehehe

Lemmor Setneuf's picture

Nice try!

Naroon ang kagustohang maisa-titik ang damdamin... kunting pagsasaayos pa'y mas mapapa-igi din ang iyong mga sulatin!

 

Sulat pa!

 

"Marahil nga'y kaibigan kita na aking minahal, subalit hindi kita minahal upang maging kaibigan lang" -lemmor-