Ikaw Ang Mundo Ko
Kahapon lamang ikay aking pinagmamasdan
Umuukit ng pangarap mula sa iyong kariktan
Doon sa alapaap tayo ay nananahan
Habang-buhay sanang ikaw at ako lamang
Hindi ko napansin ang pagtakbo ng panahon
Matuling lumipas mga sandaling yaon
Nawala na pala ang matatamis mong ngiti
Napawi ang ligayang dati kong namimithi
Hanggang dumating ang oras ng pag-alis mo
May ibang daigdig nang naghihintay sa iyo
Sa mundo ko pala'y hindi ka na kuntento
Hindi ko akalaing tayo'y magkakaganito
Sana minsan maisip mong mapadaan
Kahit sandali, mundo ko'y muli mong kulayan
Sapat na ang malaman kong di mo nakalimutan
Ang langit na dati nating pinagsasaluhan
Hindi ko man napigil ang iyong paglisan
Hangad ko pa rin ang iyong kaligayahan
Wala akong pagsisisi kahit ikaw ay umalis
Pagkat ikaw lamang ang minahal ko ng labis
can I join?
If you guys are thinking of forming a group for the broken hearted and too stubborn to move on I'll join you if I'd love to join.
Maybe we love too much? give too much? It's foolish and stupid but I couldn't stop hoping he'll find his way back hahaha is that so bad?
nice one!
magandang tula.... timing sa puso ko... hehehe...
keep it up!
nice meeting you...
melay
I liked this one also...
I liked this one also... maganda ang pagkakasulat ng tula at ang nilalaman nito... parang may naalala ang aking puso... keep on writing
ang galing mo...
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
naantig naman ako, ngunit mas pipiliin ko nang lumaya...
nang di ko na masabi na ikaw ang mundo ko
pagkat hahanap ako ng bago
at kukulayan kong mundo...
gusto ko ang tula mo, ang ganda ng porma at ritmo
higit sa lahat sagad sa puso...
ang galing mo!!!!
ganda ng tula
patama sa akin.... at talagang tinamaan ako ng iyong tula kuya/ate...hehehe
alam kong mali ang umasang muli sa kanya.... may sarili na siyang mundo.... pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na muling umasa sa kanya.... talaga nga yatang may mga sugat na matagal maghilom kung gumaling man ito may matitira pa ring peklat....
hi jealousy!
pasensya na ngayon lang ako nakasagot. salamat po sa pagbasa. its an ATE. =)
move on girl, ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. till next time!
Ops Sorry po
ok lng po kung medyo natagalan kayo bago nakasagot...: )
salamat po ATE
aray
Sana minsan maisip mong mapadaan
Kahit sandali, mundo ko'y muli mong kulayan
Sapat na ang malaman kong di mo nakalimutan
sapol na naman!
sana lang ma absorb niya na ang babae, puso o sex ay hinde isang laruan ng lalake..
isang bagay ito na ipinagkakatiwala na hinde dapat sinisira..







two of a kind
I see so much of myself in this poem, why do we have to love someone who would not love us back? waiting on her doorstep like a dog waiting for a pat on the head when she passes by? this is wrong you know we should move on.
I don't know how to do that, moving on, do you?