Ikaw at ikaw parin

Mas nauna kang dumating sa kanya

Di ko akalaing s’ya ang mauuna

Pinunan n’ya ang kahungkagan iyong iniwan

Ngunit ang binigay nya’y di ko kayang suklian

 

Umalis siya’t ikaw ang bumalik

Puso ko’y di na sayo pumipintig

Ngunit palad mo’y nag pupumilit

Na hawiin ang luhang, ikaw rin ang dahilan dati

 

Tinahi mo ang sugat na muling bumukas

Ika'y pinahintulutan sa pangakong tayo na nga hangang wakas

Ngunit sa pag papatuloy ng ating sinimulan

Ay tila pinaglalaruan, na muli mo kong iiwanan

 

Tanga akong maituturing, na mahulog ng husto sa ‘yo

Habang s’ya ang nan doon at handang sumalo

Ngayo’y umaasa sa bago nating simula

Ngunit tila mali na ako’y umasa pa

 

Sayo ko inilaan ang lugar sa puso kong kanyang hinihingi

Ngunit ikaw ang mapalad, na noo’y tumanggi

Marahil ay di na nga dapat pang itama ang dati ng mali

Ngunit hanggang ngayo’y di ko ma tanto kung bakit

 

Kung bakit?...

 

Ikaw at ikaw parin ang nais kong masilayan

sa pag buklat ng mga mata  kong sa katotohanan…

 

ay patuloy paring nag bubulag-bulugan.

 

 

 

Bakit ka pa bumalik J?, para ba patunayang naging tanga ako sa di pag pigil sa pag lisan ni K?


ilyana's picture

halu

Musta na pinxu, na miss ko kayo...Parang dami atang inlab dito sa FW, ginaganahan tuloy tumula...ganda ng tula mo..sana mabasa nya...hehhee

…★.......★........★.......★.........★.......★.......★

"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today."

---------------♥ILyAna♥-----------------

jonsdmur's picture

wow! in love ka pala

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

ganda ng poem mo... naipahiwatig mo mga nararamdaman mo....

sulat pa

jons 

aireen's picture

pinxu!

hmmmm.. another J---

mabenta ang J sa FW ah!!! haist!... nakakasad naman ito...