Eleksyon na naman, at tyak marami na namang mga pulitikong nag-fe-feeling artista, singer, dancer at tagaperya. Marami na namang Pilipino ang kikita ngayong panahon na ito, dahil sa mga pinapagawang sombrero, Tshirt, kalendaryo, mug at kung ano ano pang mga give aways (minsan pati condom may nakalagay na VOTE FOR *Name of the Politician*). Sabi nga ng mga ekonomista, eh gaganda ang takbo ng ekonomiya natin dahil lalabas ang pera ng mga Pulitikong ito. Wow parang pasko lang ah!
.
Medyo magtataka nga ako dahil halos magkada-ubos ubos ang mga pera ng mga pulitikong ito para lang mananalo o maluklok sa pwesto . Eh alam nyo ba kung magkano ang sweldo ng mga opisyal na ito bawat buwan:
.
Mayor : P25,000 plus
Governor: P35,000 plus
Congressman: P40,000 plus
.
President: P60,000 plus
.
Yung “PLUS” ay KURAKOT na tinatawag,kaya maaring plus 2 million,plus 3 million depende yan sa tigas ng pagmumukha ng mga pulitikong gustong bumawi sa puhunan nya sa eleksyon. Kaya pwede na rin pala!
.
“Politics is a dirty business “, ika nga! Eh puro siraan ang mga maririnig mo kabi-kabilaan. Medyo nahulog nga yung sipon ko nung sinabi ni Sen. Mirriam Defensor sa mga kalaban nya sa pulitika
.
“MUKHA SILANG MGA BUTIKE!!” (okay payn sya lang ang maganda at kamukha nya si Megan Fox).
Nung minsan naman tinanong si Sen. Jamby Madrigal sa isang Presidential Forum kung magkano ang presyo ng galungong. Natameme sya at tila natinik dahil di nya alam ang presyo nito (Di ba dapat alam nya yun kasi public servant sya eh!). Eh tanungin mo ang presyo ng “steak” alam nya yun!pwamis!
Tapos galit na galit din sya sa mga pulitikong may mga kasamang artista ngayon, eh di ba kaya nga s'yang nanalong Senador noon ay dahil kay Judy Ann Santos. Dahil akala ng mga tao ay magkapatid sila ........ dahil mukha silang pinagbiyak na putok este monay pala.
Nung minsan namang tinanong ko yung tita ko kung sino ang iboboto nya sa eleksyon, sabi nya sa akin:
"Iboboto ko si Manny Villar dahil idol ko si Willie, at ayoko ko kay Nonoy, dahil kapatid nya si Kris! At ayaw ko kay Kris dahil kerengkeng sya at tabingi ang ilong nya!!”
.
Buwal ako sa Tita ko nung marinig ko yun, dahil hindi nya iboboto si Nonoy dahil tabinge ang ilong ni Kris!Ano naman ang kinilaman ng tabingeng ilong ni Kris sa kapalaran ni Nonoy?? Adik ka tita!!
Tapos naman yung mga nanalong Governor ng Bulacan, Pampanga at Isabela, eh hindi naman daw talaga sila ang totoong nanalo kaya pinapababa sila sa pwesto. Ang gulo di ba?! Pero di ba mag-eeleksyon na at matatapos na rin ang termino nila kaya para saan pa yang mga kapuwitan na yan. (Grabe, parang lang silang mga nakasinghot ng dahon ng kamoteng kahoy)
Hindi kaya nakakabuwang talaga ang pulitika, at malaki ang kinakalaman nito sa kautakan ng bawat tao? (living proofs: Merriam at Tita kong galit sa tabinging ilong ni Kris)
.
Alam nyo magulo talaga ang pulitika sa ating bansa. At alam ko yan dahil nagtrabaho ako sa Munisipyo dati. Alam ko din ang mga mababahong lihim ng mga pulitiko sa atin. Kumbaga kung pabahuan ang labanan, talo nila ang baho ng nabubulok na bagoong na nakababad sa tae tapos nakulob sa garapon ng mayonnaise sa loob ng 5 taon. Ganun ang baho nila!! (Ewwww, you’re so gross spike!!! So bantot naman nun!Ewwww).
.
Naalala ko tuloy sinabi ni Cardinal Rosales noon sa isang homilya nya sa Simbahan na huwag natin isisi sa ibang tao kung bakit ganito kapangit at kadumi ang nangyayari sa ating kapaligiran. Dahil bawat isa sa atin ay naging bahagi kung bakit ganito ang nangyayari sa atin. Bawat isa sa atin ay may kontribusyon sa takbo ng pulitika sa atin. Kaya kaysa magturuan kung sino ang may sala mas maiging gumawa ng mga hakbang para sa ikagaganda at ikabubuti nito at ng kapwa natin.
.
Sana ito na nga ang pagkakataon nating mabago ang kapaligiran o ang bansa natin. Mahirap pa ring umasa at mahirap pa ring mangarap. Pero mas mahirap naman na wala tayong gagawin para mabago ito di ba?Huwag tayong sumunod na lang sa agos ng pusaling kinabibilangan natin. Kaya maging maingat tayo sa iboboto natin, maging mapili tayo kung sino ang bibigyan natin ng manibela para paandarin ang naghihingalong bansa natin. Hindi man para sa atin kundi para na lang sa mga anak at apo natin .
Maraming Salamat po
Spike
naks
like it...
my soulmate is worth the wait...