ilusyonado

It's my friends composition, collab din kami rito pero ako lang  ang gumawa ng back-up vocals niya....
ako daw ang inspiration ng lyrics ako daw ang ilusyonada hehehehe (kasama rin ito sa concert, pero ecorded version na ito, nung live ako ang back-up hehehe)
tono/titik/tinig: Allen LEster Montejo
lead guitars/arranger: Israel Cruz
bass: donald delos reyes
rythm guitars: ralph
drums: jake
back-up vocals: shine and paul
mapupungay na mga mata
ako ay napatulala
lumalaki na nga ang pimples ko

kaiisip kung kailan
kaya kita mahahalikan
kasi ako sayo'y parang wala lang

pero sana mapansin mo rin ako
pagkat alam mo bang ako'y
patay na patay sa'yo

pasensiya na, pasensiya ka
di naman sinasadyang
mangarap itong pusong tuliro
pasensiya na, pasensiya ka
di naman sinasadyang
mahulog sayo itong ilusyonado

nanginginig buong katawan
di ka tuloy madiskartehan
tuwing tayo'y magkasabay pauwi

kinakapos ng hininga
nagmumukha na ngang tanga
pero ok lang basta kasama ka..


kung ayaw pwede po click niyo lang ito:

http://soundclick.com/share?songid=7498915

 

hingi ako ng comments.. isa ito sa mga sarili naming gawa. sana magustuhan niyo


=)

sana pakinggan niyo. dito lang namin ni-record yan at pinruduce. :) 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

Lyds78's picture

comment sa ilusyonado

Comment ko lang, para bumagay sa title, bakit hindi magdagdag ng mga kahanga-hangang features nung hinahangaan.  Hindi kasi malinaw kung bakit tatawagin niya ang sarili niyang ilusyonado gayong nagkakagusto lang naman siya.  Unreacheable ba iyung babae? Artista ba? Kung hindi na maidadagdag iyung mga details na iyon pwede ring palitan ang title, gawing Tuliro o kaya palipad hangin etc.

salamat.

maaari rin iyang ang kakulangan ng liriko ng kanta.

 ngunit siguro nais lang nung sumulat na bigyang pansin na 'ilusyon' ang umibig sa babaeng iyon kahit di ganun kaganda o di sya artista....

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."