I'm just a reader not a writer
^_^
sulat...........bura..........sulat.......bura........
sulat...........bura..........sulat.......bura........
sulat...........bura..........sulat.......bura........
sulat...........bura..........sulat.......bura........
Iyan na lamang lagi,
Walang maisulat,
Na matino.....
Bakit ganito ang buhay
Masaklap.
May naisusulat akong isa tapos may naiisip akong panibago at iyon ang isusulat. Ano ba yan. (?)... Pagkatapos dahil na sa naghihinayang ako sa isang naisulat at iiwanan ko ang huli kong naisulat. Kapag ako ay na-mental block babalik nanaman ako sa una kong naisulat at itutuloy ko ulit. Kahit kapirangot na lamang, maisulat ko lamang. Hanggang sa wala nanaman ako maisip. Ang resulta ayan.... wala tuloy akong naisulat.....: (
Ang dahilan ng lahat hindi ako isang manunulat, isa lamang akong taga-basa at taga-kumento, ngunit sa kagustuhan kong makapagsulat narin ng kahit anu-ano ayan.... nauumpisahan ko ngunit di ko natatapos... Mabuti nalang marami akong mababasa sa site na ito (sa totoo lang wala ako hilig magbasa kasi nakakaantok, ngunit sa libro lang, pati narin yung mahahaba except horror yung true to life^_^) may maikli na naandun mismo ang kwento o topic...
Ayan ang saya may naisulat din ako kahit paano, kasi meron ako naisulat, makulay na ulit ang buhay....Kung wala man makapagbasa nito ok lang basta meron akong nagawa . Yehey
=>
=>
=>
Ayos na
ganyan talaga
sulat...bura... normal lang yan kapatid... ako din laging ganon... pasalamat nga at uso na ang computer... madali na ang magsulat at magbura... kung ano ang nilalaman ng brainwaves mo, isulat mo.. ayos lang iyon... at saka be proud, kung walang reader walang writer... di ba?
best regards,
melay
may kapatid na pala ako dito!
kapatid, pareho lang tayo! sulat.. maya-maya'y bura! papalit-palit din ako ng topic... kaya kadalsan walang natatapos! masaya na rin ako pag may kaunting natapos kahit pangit pa yan! proud na ako...a ng hirap kayang makagawa ng isang akda ano. hehehehe....
wag ka malulungkot at marami ka ring katulad! lahat ng nagsusulat ay nagbabasa rin... siyempre, dun din tayo kumukuha kadalasan ng mga ideya diba.
keep safe kapatid!
maari rin bang maging kapatid nyo...
Ganun din ako dati... sulat-------bura kahit hanggang ngayun....
ang masama nawala yung manuscript ko yung soft copy na naka save sa pc...
kasi nirepormat so ngayon...
inaalala ko yung sinimulan ko dati...
Hinahanap ko rin yung mga papel na una kong sinulatan hay....
nakakainis careless ko talaga...
kaya ngayon sulat bura ulet ako ....
ang kuya ninyo,,,,
si Joeal,,
salamat
mga kuya at ate tnx... ngaun wla nnman ako maisulat parang gusto ko na nga mag unsubscribe. ako po e tgapgbsa lmang at tgakument. un lng dhlan ko tlga kya ako ngreg....pagpxnxahan nlng po ung mga gwa ko blog.
Leipink
Hi, that's ok, don't unsubsrcribe, di lang to Filipinowriters, Filipinoreaders din to. :)
By reading, you'll eventually learn to write, simulan mo sa pag-gaya ng istilo ng iba, inuulit ko istilo at di gawa. Mag-isip ng mga bagay na hilig mo, dun ka mag-simula.
Hope i could see you post more of your works soon...Cheers!
Pagbura
ok lang yan. Magpasalamat tayo at libre ang magbura.. dahil sa pagbubura, nagkakaron tayo ng chance na mas mapaganda yung ginawa natin.
erasing gives us another chance. for a better life. for a new beginning. its a proof that we are brave enough to correct our mistakes and improve what we are doing.
huwag mong burahin kaya ang isinulat mo
ganito iyon. ang manunulat, kailangan maabot niya iyong estado na inspirado siya, iyong ang umuukupa sa utak niya ay iyong gusto niyang sabihin at wala nang iba. sa ganoon, maisusulat niya ang dapat niyang isulat at magkakaroon ng drama o buhay o saysay ang isinusulat niya.hindi magiging hungkag kumbaga.
sa pagsusulat mo, isulat mo lamang ang gusto mong sabihin at huwag mong intindihin kung maganda iyon o hindi. sulat lang kete sulat, walang bura-bura. kesehoda walang kawawaan iyon, sulat lang.
pag wala ka nang maisip isulat, tigil ka. tulog,pahinga,layas,ibahin ang kapaligiran.alisin mo sa isip mo ang iyong isinulat.
ngayon, pagkaraan ng ilang araw, balikan mo ang isinulat mo. kung maaantig uli ang damdamin mo tulad nang isinusulat mo iyon, tagumpay ka, panyero. kung ang isinulat mo halimbawa ay sama ng loob o pagtatampo, at nang balikan mo iyon ay naramdaman mo uli ang damdaming nagtatampo o nalulungkot, aba ay manunulat ka na nga, hindi manunulot ng isinulat ng iba.
dahil ang pagsusulat, blog man o ano, ay pagpapahayg ng damdamin, at ang pagpapahayag ay dapat makaaantig sa damdamin din ng babasa. entonces, kung nagawa iyon, tagumpay ka sa iyong pagsulat. o di ba?
aber nga, testingin mo?
p.s. iyon lang, pag di naman nangyari iyon, sulat lang uli. one to sawa. ganyan lang ang pagsusulat, minsan cathartic release lang ang hanap natin. kaya, go....
remember, sa pagsusulat, de gustibus non disputandum est...
Same here Leipink! Alam mo
Same here Leipink! Alam mo ba na bago ako makabuo ng isang tula maraming trial and error... Basta 'wag kang magsasawa... keep on trying...
sula///// ayan nabura na ang t....
congrats, natapos mo rin. Normal sa atin ang sulat-bura. At tama rin ang nagsabi na sulat lang ng sulat. Kapag natapos mo na, saka mo burahin ang sa tingin mo ay di tama o kaya ay magrebisa ka. 'Yan ang payo ng sikat na manunulat,makata, dating UP propesor, dating creative director ng Batibot at may-akda ng napakaraming aklat na pambata, ang yumaong Rene O. Villanueva. Sana sa pamamagitan nito maalaala natin siya. Ang sabi nga niya kung pagkasulat mo pa lang ay ie-edit mo agad, hindi ka talaga matatapos. Tapusin mo muna. At saka ka magbura/mag-edit.
Sabi naman ng pambansang alagad ng sining na si Rio Alma, may mga isinulat siya na nailimbag na nguni't nirerebisa pa rin niya. Kritiko rin kasi si Sir kaya kahit sa sarili ay mataas ang kanyang pamantayan. Ibig sabihin, talagang gusto nating binabago ang gawa natin.
Kung ang dalawang mamang ito ay halimbawa ng sulat-bura.
Hindi imposible ang makatapos ng isang akda di ba?
Sana nakatulong kahit kaunti. Babay!
- ate mae ann
"ako din"
"ako din ganyan sulat bura sulat bura......hanggang sa hahantong na lang minsan sa walang maisulat...je je je. at saka kailangan lang talaga ng tyaga para makabou ka diba?"
"kaya ipag[atuloy lang kaya mo nyan!!!!!!"
"nakagawa na nga eh...."
"kaya good luck!!!!! sana makarami ka+_+"
"ingatz"
yeah
aq din ganyan.... sa katunayan..... sinubukan kong gumawa ng novel... hanggang ngayon di pa ko tapos dahil inaatake aq sulat-bura syndrome... hahaha.... kaya nag short story na lang aq... tapos kaagad....... yun lang
<<FrAnZsOrIlLa>>
salamat
sa totoo po e di po talaga ako mahilig magsulat, nparegister na lng ako para makacomment sa mga kaibigan ko dito, pero gagawa din ako, kasi pangarap ko lang makasulat ng kanta. Wala pa ako idea kung anu-ano gagawain ko, gusto ko rin sana yung mga napapanaginipan ko na parang movie na sa haba ng story kaso nahihiya ako.
??????????
e bkt ka nmn mahihiya?
qng magsusulat ka para ikaw lang mkakita e parang nagsayang ka lang ng bolpen o lapis no!
<<FrAnZsOrIlLa>>












ganyan din ako...
hehe. sulat bura din ako dati, hanggang ngayon nangyayari pa rin yan sakin depende sa mood ko..