in lab ka na ba ulit?
iyan ang tanong sa akin ni adle.
sabi ko sa kanya, gustuhin ko man hindi pa talaga kaya. may ilang bagay pa akong binibigyan ng pansin. una, gusto ko munang hubugin ang aking sarili. pangalawa, gusto ko munang maging malaya. at marami pang iba.
hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na mayroong posibleng magmahal ngunit, (isang malalim na buntung hininga) hindi pa ngayon.
pero nakakatawa lang ang tadhana, may mga pinakikilala Sya sa akin na mga taong nagbibigay daan upang magbukas muli ang puso ko....
mga taong binigyan ako ng dahilan upang maniwala sa aking sariling kakayahan, mga taong estranghero na naging mga kaibigan.
dalawa sa mga estranghero eh hinahangaan ko sa sarili nilang kagalingan. iyong isa, dahil sa angking talino, talento at tiyaga sa buhay. tingin ko sa kanya misteryoso, pero kapag nakita mo naman sya, nakilala ng lubusan-- may ginintuang puso. iyon ang gustung gusto ko sa kanya kahit minsan suplado sya.
iyong isa naman-kasundo ko. siya ang dahilan ng mga ngiti ko. isa rin sya sa mga dahilan kung bakit naniwala ako muli sa aking sarili. parang pag kasama ko sya sapat na ang lahat. di ko nga maipaliwanag eh. basta ang komportable ng aking paligid pag nariyan siya. ngunit hanggang kaibigan ko lang sya. hehhe (sayang)
at iyong isa, iyong isang dati ko nang minahal. bumalik na ngayon. pareho naman kaming naghahanap ng aming sarili. siguro mas mabuti na lang kaming magkahiwalay.
minsan may kakaunting kalituhan ang dulot ng pag-ibig sa buhay ng mga abang tao. minsan nakakatuwa, minsan nakakagipit. pero gayunpaman, masaktan kang magmahal, nasabi mo sa sarili mo na nagkaroon ka ng katapangan na sumulong sa isang pag-ibig. na kahit di ka pa masyado sigurado, natutunan mo na kaya mong magmahal nang tama kahit masakit, kahit di perpekto.
----------
nakakatawa lang habang sinusulat ko ito kagabi sa aking journal sa aming jam place, nagsipagdatingan naman silang tatlo. nakakatawa lang andun kaming apat sa iisang lugar. ang tadhana talaga mapagbiro!!!!!!
(pasensya na, kailangan lang isulat. di bale blog naman ito di bah?)
hello bhelle
minsan, ang dunong talaga ay nanggagaling sa mga maling pagpasya at paghusga...
salamat.
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
wow!!!may kilig moments ka
wow!!!may kilig moments ka na naman...
...
masaya nang muli ang mukha mong marikit
napawi ng kasalukuyan ang nagdaang pait
masaya nang muli ang iyong mga umaga
may ningning na muli iyong mga mata
basta nandito lang ako bilang kaibigan mo
nakikingiti at nakikisaya sa bawat galak mo
*naisip ko ang verse na yan pagkatapos ko basahin ang blog mo =)
adle!
hahaha, ayos, nagawa ko ang blog dahil sa taNONg mo, nakagawa ka naman ng mga berso dahil sa blog ko..
hehehe. ganda noh? parang dugtong dugtong na inspirasyon.....
musta!
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
Hello There!
Haay... 
I wish maging maganda ang pag-usbong ng bagong pag-ibig sa buhay mo, Sani! At ang talulot, wag uubusin sa "he loves me, he loves me not!"
Pag-ibig nga naman... :)
Ruthie
hello ate ruthie
maraming talulot na pipigtasin bago muli umusbong...
pero nananatilli ako sa pag-asa ng bagong pagsibol..
hehehe. di ba ateh, ganyan din ang hiling natin....
sana di magsawa ang Diyos sa pakikinig ng mga panalangin natin......
pag-ibig nga talaga!!!!!
abangan na lang natin kung ano mangyayari... hehehe
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
Sani, my sis: Daluyan ng
Sani, my sis:
Daluyan ng pag-asa ang pusong handang magmahal, at ang pag-asang ito ang siyang magpapayabong sa hardin ng pagsinta.
Naalala ko tuloy ang isang awitin sa Rama at Sita:
Bango ng champaka
Awit ng pagsinta
Nalimbag sa alaala
Ingatan mo sana
At nang magkabunga
Ingatan mo, ingatan mo
Sani (este, SANA)
All the best sa iyo, Sani. Suwerte ang iyong mapipili. :)
Ruthie
WOW ATE
paborito ko yang kantang iyan...salamat ate.
kaso... bigla kong pinili muna ang sarili ko... i-heal ko muna....
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
Tama ka jan!
tama ka jan. yan din sabi ni ate pauline sa akin, heehee...
:)
Ruthie
hi.=)
wow. tinamaan naman din ako sa post mo. nakakarelate ako at pareho din tayo ng mga rason.
sinadya ko talagang ipagdasal sa Kanya na wag muna siyang ibigay sa'kin dahil alam kong hindi pa 'ko handa.
anyway, good luck sa love department ng buhay mo. I know that God has something in store for you.=)
Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. It is our light, not our darkness, that most frightens us.
hello serenity oo nga,
hello serenity
oo nga, hinay hinay lang.. i-eempty ko muna ang puso ko para ready na akong tumanggap muli...
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
<buntong hininga din>
tama ka.
kailangan muna nating
pag-isipan ang mga bagay-bagay,
bago tayo gumawa ng isang konklusyon.
nakaka-relate?
wicked chocolate kisses-bon-bon
isang mahabang
isang mahabang paghinto......
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."





tama!!
agree ako sa lahat ng sinabi niyo po talulot..
i luv this line
"pero gayunpaman, masaktan kang magmahal, nasabi mo sa sarili mo na nagkaroon ka ng katapangan na sumulong sa isang pag-ibig. na kahit di ka pa masyado sigurado, natutunan mo na kaya mong magmahal nang tama kahit masakit, kahit di perpekto."
tama po iyan..!!
gudlak!!