" INA "

boss yhiie's picture

" Aking Ina!"

" Aking Ina!"

" Mahal kong Ina!"

Mga taghoy ko sa di kalayuan

Minamasdan ang iyong paglisan.

Iniwan akong nag-iisa

Ng mahal kong ina.

Mahal kong Ina,

Hinahanap-hanap kita,

Yakap mo at lambing,

Init ng iyong pag-ibig,

Sandata ko sa ulang malamig.

 

Ina! Nay! Inay!

San ako ngayon pupunta?

Wala akong kaalam-alam.

Palaboy na lamang ba ako sa daan?

Hindi alam ang gagawin,

Hindi alam san pupulutin,

Hindi alam kung anong mangyayari

Sa akin.

Nay,

Hindi kita kayang mawala.

Hindi ko matiis ang mag-isa.

Gusto ko kasama kita.

Nay! Nay! Nay!