INAKUPOOO!
may lunas na raw sa ating bayang namemeligro
kung maisasakatuparan itong plano ng pangulo
mga panukala niya, tiyak daw na babago
at magsasaayos sa ating gobyerno
pero bakit maramai ang nagrereklamo
hindi lang iisa ang nakitang nag-alburuto
mga tao'y nagkalat; protesta doon,protesta rito
sigaw nila"pigilan,ang balak ng pangulo".
e paano ang palasyo mayroon palang hidden agenda
ang nilulutong plano, obvious na sa masa
ang plan pag naisulong, nayari at naipasa
termino'y extended, termino nya'y mapapahaba
sus ginoo naman! di pa ba nagsawa?
si madame balak pa atang dumagdag sa problema
eto at tambakan pa nga ang suliranin ng madla
sa dami ating bayan halos di na makahinga.



Nanaykupo! Ang kapal
Nanaykupo! Ang kapal talaga
At hindi pa nga ata nagsasawa
Sa pagpapahirap na ginagawa
Di titigil hanga’t me nahihita.
Wag niya na sanang hintayin
Na ang masa’y ma-praning
Ang pagtitimpi’y maubos na rin
Kundi'y sa kangkungan s’ya pupulutin.
"...mapadagos sa paglakaw dawa mapagal... maski madipisilan."