Indyanism

Patrickman's picture
| | |

Indyanism

Ano pa ba ang ginagawa natin dito?
Nagugutom na ‘ko
Hindi na darating ‘yon
Asa ka pa.

Tsaka
Tanghali na
Alas-diyes pa ang usapan niyo
Malamang tsumibog pa ‘yon

Hindi na darating ‘yon
Wala kang kadala-dala
Ilang beses ka na ba inindyan nun?
Sayang lang ang oras natin dito.

Tignan mo ang celfone mo
Baka nag-text sa ‘yo
Ay, wala ka nga palang celfone
Aanga-anga ka kasi e

Mas malamig sa McDo
Dun na lang tayo maghintay
Tawagan mo sya pagdating natin sa Philcoa
Halika na

Mamalasin pa tayo dito e.
Hala, ayan na si Quel
Dumidelehensya na naman ng barya
Tumakas na tayo.

 

01 June 2005

Patrick Orquia

ika-pitong tula sa aking unang koleksiyon ng mga tula, Sinturong Pangkaligtasan.

inspired ng isang pagkakataon kung saan ang isa kong kaibigan ay hindi ma-contact ang syota niya at nadedemonyo na siya dahil sa frustration. at si quel ay isang ka-eskwela noong college na mahilig manghingi ng barya kahit sobrang yaman niya. wala, trip niya lang mang-hingi.

Mga tula mula sa Sinturong Pangkaligtasan:

Bum · Isay · Pula · Sinturong Pangkaligtasan · Mani · OK Comprende · Indyanism · Pinakbetter Than Wala · Idlip · Hyperbola · Wala · Bata, Bata (Ganito Ka Ginawa) · Hello Lucy! · Luha · Gambatte Kudasai

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com