INIIBIG KO ANG IYONG PAA
-
(Halaw sa Your Feet; Pablo Neruda)
-
Sa panahong di ko magawang titigan
nang matama ang iyong mukha, ganitong
nagbabadya ang di mapigilang hiya,
naglalakbay ang aking tingin pababa
sa iyong paa. Ang mahubog mong paa.
Ang paa among maliit ngunit matatag,
pasan nang panatag ang humahalina
mong bigat. Ang iyong balakang at dibdib,
ang maputlang-rosas sa kambal na rurok,
ang bilog mong matang hindi ko maarok,
ang makinang mong buhok, mga labi mong
prutas na bagong pitas. Higit sa lahat
iniibig ko ang iyong mga paa
sa dahilang tinugpa nila ang gaspang
ng lupa, ang sagpang ng tubig at hangin
hanggang dalhin ka nito, dito, sa akin.
;-)
Salamat ulit, Rhea.
Kauuwi lang namin galing Cainta. Sumundo ng mga pamangkin na naipit doon sanhi ng kalilipas na bagyo. Isa ang Cainta sa tatlong magkakaratig-lugar na talagang namang binugbog ng baha. 100% ng lugar, lubog sa lagpas-taong tubig na dalawang araw muna bago humupa. Kaninang alas-sais lang nang umaga bumaba sa binti ang level. Kahit media at mga rescue units, di kagyat na napasok 'yong lugar.
Pero heto ang nakatutuwa: mula Pasig hanggang masisikip na kalyehon ng Cainta, 'yong mga tao, masasaya ang suot na mukha. Ang bilis ng adaptation. 'Yong mga pamilihan, kahit wala pang kuryente, business as usual. Maliliit na grocery, talipapa, mga sari-sari store, tindahang ng lechong manok at BBQ/isawan. 'Yong mga kababayan natin, buhos sa kalsada. Ang dami kong nakita, tatawa-tawa lang habang tinatanggalan ng putik ang binahang kasangkapan. May iba pa nga, naghahain na ng pulutan. Astig talaga tayong mga Noypi!
Kaso ayon sa Pag-asa forecast, may papalapit na namang bagyo, mga 2-3 days raw, tinatayang kakatok na sa Philippine Area of Responsibility.
(Buntung-hininga)
!
Kuya,
Sa wakas ay nakagawa rin ako ng sarili kong paghahalaw: Halaw sa Lyric 17.
Pakisuri naman po kung saan ito nagkulang.
Salamat po!
http://reyastone.blogspot.com/
Maraming sanga ng kahulugan
Maraming sanga ng kahulugan lalu na sa huling bahagi.
Isang akda ng isang master.
Masarap pong basahin.
Iniibig ko ang iyong paa. Galing. Mano po. :)
-
Maraming salamat.
Apir!





!
Ang ganda naman po ng tulang ito ni Ginoong Neruda.
Nagpapakita ng pagmamahal ng persona (mangingibig) nang buong-buo - mula paa hanggang ulo - sa kanyang minamahal.
Ang galing din po ng pagkakasunod-sunod ng bahagi na inilalarawan niya - walang naliligaw, hindi patalon-talon: papataas, nagsimula sa paa hanggang makaabot sa balakang, dibdib, at nagtapos sa mukha.
At nang madaanan ng kanyang mata ang kabuuan ng kanyang minamahal, binigyan niya ng pagpupuri ang mga paang nagdala sa kanyang minamahal sa kanya dahil hindi niya mamamalas ang kabuuang iyon kung wala mga paang iyon.
http://reyastone.blogspot.com/