Inosente si Ondoy

spike_west's picture

.
,

Kasabay ng pagsikat ng bagyong Ondoy dahil sa kanyang taglay na kabangisan at pagsikat ni Jacque Bermejo dahil naman sa kanyang angking kaepalan (sino sya?I-google search at tyak maiinis ka sa mga banat nya), marami talagang taong naapektuhan ng bagyong ito. Pati ang lugar naming hindi bahain ay binaha na rin kaya nag-alaga muna ang nanay ng tilapia sa loob ng aming sala para mapakinabangan naman namin ang baha.
.
Subalit,ngunit, dadapwat hindi natin pwede isisi ang lahat kay Ondoy, kasi sa totoo lang wala sa kanya ang problema. Dahil bagyo syang likha lamang ng kalikasan, inosente sya sa lahat ng ito. Wag natin syang husgahan at paratangan na mamatay tao dahil ang totoo TAYO ang may kasalanan nito. Bakit? dahil......................
.
.

Una, sino ba ang kumakalbo ng kagubatan?Si Ondoy ba?Hindi, kundi TAYO
.

.

Pangalawa, sino ba ang nagtatapon ng basura sa mga estero o kanal para magbara ito at bahain?Si Ondoy ba?Hindi, kundi TAYO

.

.

Pangatlo, sino ba ang nagpapatayo ng mga village sa gilid ng bundok?Si Ondoy ba?Hindi, si Manny Villar este TAYO pala. Kaya natatapyas ang bundok at nagkakaroon ng landslide
.

.

Pang-apat, sino ba ang hindi nagtatanim ng puno para pumigil sa baha?Si Ondoy ba?Hindi, kundi dapat TAYO
.

.

Panglima, sino ba ang hindi nag-aayos ng Drainage System natin?Si Ondoy ba?Hindi, kundi ang MMDA este TAYO pala (at ang MMDA kasi dapat Team Effort yun)
.

.

Pang-anim, sino ba ang dapat mangalaga at magmalasakit sa kalikasan?Si Ondoy ba?Hindi, si Lito Atienza ba ng DENR (na tatay ni kuya Kim, tama ba ako?) .Hindi, kundi TAYO rin at responsibilidad natin ito.
.

.
Mahirap magsisihan kasi pare-pareho tayong guilty (at mukhang si Jacque lang ang hindi guilty dahil sya ay banal at walang bahid kasalanan.......sabi nya). Hindi ito ganti ng kalikasan o parusa ng Dyos kasi tayo ang gumawa nito at tayong lahat ang may kasalanan nito. Hindi gumaganti ang kalikasan kasi wala naman syang isip, at TAYO ang may isip.
.

Kaso natuto ba tayo sa pagkamaling ito?Hindi rin, ganun uli at mag-iintay na lang uli ng isa pang superbagyong eepal uli sa ating bansang PILIPINS.

.

Ika nga “prevention is better than cure”, kung sana’y magagawa nating magmalasakit sa kalikasan baka sakaling maiwasan ang sakunang ito sa mga darating na araw pa. Pero duda ako kung gumawa tayo ng aksyon tungkol dito, tulad din ng bagyong Rosing, Miling at kung sino sino pang bagyong nagpapakyut, eh ganun din babalik lang din sa dati. Hindi pa ba tayo natuto sa nangyari sa Ormoc?Nagyon ba matuto na tayo sa nangyari? Ewan ko parang hindi rin!

.

Kaya inosente si ONDOY, tayo ang GUILTY! Sana hindi na maulit ito sa atin. Ako, guilting-guilty dyan kaya tutulungan ko na ang tatay ko sa bukid para magtanim ng puno ng Alatiris at bayabas para makatulong ako sa buong sangkatauhan.

.

Praise God at safe ang pamilya ko!

 .
Oo nga pala, alam nyo ba na habang todo nagpapakyut si bagyong Ondoy ay kasalukuyan namang binibiyak ang ate ko (ceasarian kasi) kasi manganganak na siya. Buti talaga saktong tinatahi na ng duktor ang tyan nya nung nawalan ng kuryente at pumasok ang baha sa ospital. Saktong sakto talaga kaya Praise God uli.

.

At dahil lalaki ang anak ng ate ko at kasalukuyang nagpapakyut ang bagyong Ondoy nung pinapanganak ang baby nya, ang ipinangalan nila sa anak nila ay …………………………………………… Kenneth.hehhehe akala nyo Ondoy noh!kawawa naman yung bata kung yun ang pangalan nya!Jologs na jologs!

.

Sana okay kayong lahat!!!


Yiennarda's picture

alabyu talaga spikey!!!

Kasi kani-kanina lang binubunot ko ang mga kuko ni jacque bermejo sa galit ko (sa aking imagination) pero bigla akong nanghina sa pambubunot dito sa post mo hehehehe...

im sure yung pamangkin mo magiging palayaw Ondoy hehehe!       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

spike_west's picture

Talagang pinatulan si Jacque

Naku may tao talagang insensitive meaning wala silang apdo, baga at esophagus, kaya hayaan mo na lang kasi may balik din ang lahat.

Ayaw ko ng palayaw na "undoy"dahil parang kapangalan ng halimaw ni Manilyn sa Shake Rattle and Roll (undeng pala yun). Ang gusto kong palayaw ng aking kyut na kyut na pamangkin (na manang mana sa tito)  ay........................SPIKE, grabe ganda ng nikneym

ingat

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rhea Stone's picture

!

 

 

Sana nga matuto na tayo...

 

pangalagaan ang ating kalikasan

maging disiplinado

maging sensitibo

lumingon sa pinaggalingan

at ng compassion

 

http://reyastone.blogspot.com/

spike_west's picture

Sayang

Sayang kyut pa man din sya, at mukhang type ko syang syotain! Pero iniisip ko baka kung maging syota ko yun at kunwari naaksidente ako baka imbes na tulungan ako bigla nya akong sabihang:

"You know spike you're such a loser" saby L sign sa noo na parang si angelina 

 Heheheh!eh baka pitikin ko ang tenga nya sabay pahid ng siling labuyo sa mata nya, hahahha joke lang

ingat

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rhea Stone's picture

!

 

"You know spike you're such a loser" saby L sign sa noo na parang si angelina 

 Heheheh!eh baka pitikin ko ang tenga nya sabay pahid ng siling labuyo sa mata nya, hahahha joke lang

 

Napatumbling ako sabay gulong sa sinabi mo... hehehehe

 

May nagsasabi rin na nahacked lang ang account niya at hindi niya sinabi ang mga ganoong bagay. Kung ganun man ay kawawa siya kasi binaha din siya ng mga masasakit na kritisismo.

 

Ang daming naglabasang social networking site tungkol sa kanya sa internet at marami rin ang nagpahayag ng pagkasuklam sa kanya.

 

... sana ganun din kadami ang taong magpapahayag ng pagkikiisa at pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong si Ondoy.

 

http://reyastone.blogspot.com/

 

spike_west's picture

.......

You bet kalabet automatic ang puwet, dapat imbes na bahain ng hate mails si Jacque eh subukam na lang kaya nilang magtanim ng puno.

Ako sisimulan ko ng matanim ng puno ng macopa at mabolo.

Kung totoo mang nahack lang ang account nya, timang yung hacker kasi kung ako yun yung bank account nya ang ihahack ko.hehhehe

ingat

 

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rhea Stone's picture

!

 

Ako sisimulan ko ng matanim ng puno ng macopa at mabolo.

 

Akala ko ba alatiris at bayabas ang itatanim mo?

Good luck nga pala kung makakapagpatubo ka ng macopa at mabolo sa buhanginan...

:-D

 

Uy, congrats nga pala sa Ate mo!

 

http://reyastone.blogspot.com/

 

spike_west's picture

hehhe

Iba pa yun bukod sa alatiris at bayabas may macopa at mabolo pa ako. The more the merrier, and Merry Christmas and a Happy New Year

Gulo ko grabe!hahahha 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Tantizm's picture

  Hindi ako pala murang tao

 

Hindi ako pala murang tao at ayaw kong makasakit ng damdamin ng iba. Pero paki sabi kay Jacque hayop sya.

Hayop sya! Hayop sya!

Wala syang karapatan na magsabi ng ganun. Yung kaklase ko, kababata at kaibigan ay namatay dahil sa bagyo. Yung bahay ng kuya ko tinangay ng agos ng tubig at muntik ng malunod. Yung asawa nya hanggang ngayon ay wala kaming kontak sa San Mateo Rizal dahil lumubog ito sa tubig kasama yung anak nya.

Kaya punyeta sya!

 

"Bago ka mangarap...maghubad ka muna"

spike_west's picture

Ang puso ang puso

Ngiting ngiti pa man din ang pusang avatar mo.

Sabi ko nga sa iyo may balik din ang lahat! Kaya mag-ingat sya!hehhehe

Nalungkot naman ako sa sinapit ng pamilya mo, pero mas nalulungkot ako kasi baka maulit uli ito kasi wala tayong ginawang aksyon tungkol dito.

Ilang buhay pa kaya ang masasayang

hays

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Tantizm's picture

   Karamihan kasi sa atin

 

 Karamihan kasi sa atin walang pakialam sa kalikasan. Matagal na akong nakikibaka sa pangangalaga nito. Marami na rin akong nakaaway sa loob ng dyip tuwing may nakikita akong nagtatapon sa kalsada. Noong hay-iskul ako ay pinapangunahan ko ang paglilinis sa imburnal, kanal, at lansangan.

Yung simpleng pagtatapon lang ng basura ay malaking tulong na yun para maiwasan ang malaking baha. Maraming nagtataka kung bakit mabilis tumaas ang tubig bukod sa 410.6 mm ang patak ng ulan o katumbas ng isang buwan na ulan sa bansa na naganap lamang ng siyam na oras, ay dahil sa walang pakundangan na pagtapon ng plastik sa mga kalsada na bumabara sa mga drainage system.

Nature lover kasi ako. Kaya ganun na lang ang malasakit ko sa kalikasan. Ni balat ng kendi ay nilalagay ko sa bag ko at itinatapon sa basurahan.

Sana nga matuto na tayo  sa lagim na ating sinapit. 

 

"Bago ka mangarap...maghubad ka muna"

spike_west's picture

Tama ka!

Dapat magsimula sa atin, minsan kasi akala natin walang epekto ang pagkakalat natin pero sa huli tayo rin ang sisingilin nito.

Barado ang estero at kanal, at marami ang nagsasabi dapat ang MMDA ang maglinis nun, pero kasi hindi matatapos ang paglilinis kung patuloy tayong nagkakalat.

Minsan naman talagang nasa gobyerno din dahil sila ang nagbibigay ng permit para sa logging and quarrying, konting suhol lang hayun bigay agad ng permit kahit puro pang-aabuso sa kalikasan ang gagawin nila dun.

Marami ng namatay sa Ormoc, marami na rin ang kay Rosing, ngayon si Ondoy naman. Sino na naman ang susunod?At kelan ba tayo kikilos?

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

Galing ito sa FB--di ko alam kung totoo talaga!

 pero kung totoo nga nakakagalit ito grabe!

 Mikey Arroyo during typhoon ondoy

 

 Saw this post from my brother's friend, so frustrating! She says: 

"Was buying food for keeps... then we saw Mikey Arroyo in Rustans Liquor Section asking the salesman for a brand of hard alcoholic drink. Effin Crazy! Just a few kilometers away from Katipunan, people are needing help for search and rescue, and there he was buying bottles of alcohol"

 

KarikaTuura

spike_west's picture

Hahahha!

Malamig daw kaya kailangan nya ng pampainit!kapal ng mukha

Ialay yan sa anito!!!! sya ang gawin nating sacrificial lamb, malay mo di na tayo bahain sa susunod, hehhehe!! 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Tantizm's picture

  Totoo yan kuya Rom, sa

  Totoo yan kuya Rom, sa Rustan's yan. Habang binabaha ang Katipunan ay bumubili ng alak si Mikey, baka kasi makatulong ang paglalasing sa baha kaya ilang araw syang hindi nagpapakita kasi lasing pa ata.

"Bago ka mangarap...maghubad ka muna"

Rom's picture

kapal!

 mas matindi itong si Mikey Arroyo kesa sa sinabi ni Jaques Bermejo grabe...

halatang wala talaga sa loob nila ang Public Service ni di man lang natinag sa gitna ng maraming kababayang sisinghap-singhap sa tubig baha. 

 

KarikaTuura

spike_west's picture

Kuya Rom

Bahagi yan ng kanyang Operation ONDOY iyan ang ipamamahagi nya sa mga nasalanta!hehehhe

Sad to say baka pera pa ng bayan yang pinambibili nya! 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Luca's picture

weno naman kung bumibili si mikey ng alak?

buhay niya naman yun.

hindi naman natin alam kung hindi muna siya nagsagawa ng malawakang relief effort bago siya magparty.

let's give mikey a chance.

for all we know baka hindi si mikey yan.

malay niyo si Jose lang pala yan ng Eat Bulaga.

kung mapipicturan ba siyang may dalang tabo at nagsasalok ng tubig baha anong sasabihin ng mga tao, pakitang tao shiyet.

in the wake of the bagyo, nag-inom ako. at mind you, ang daming ibang taong gumimik.

alam niyo, malaki na si mikey. at malalaki na rin tayo. hindi ko rin siya type, pero kung aatakin natin siya, nagsayang lang tayo ng effort. magdonate na lang tayo ng mga relief goods. magfocus tayo sa mga bagay na may sense. at sa mga bagay na may positibong resulta.

 

wag kang pipikit...

spike_west's picture

Mikey is a Public Figure

Just for info lang po, halos ang buong Pampanga ay lubog at halos mabura na sa mapa ng Pilipinas, at bilang isang kongresista may malaki syang responsibilidad  sa kanyang distrito, paano kung makikita mo ang taong dapat ay tumulong sa iyo ay nasa loob ng isang mall at namimili pa ng alak habang lumulutang lutang sa baha ang kanyang ka-distrito.

Bilang isang pampublikong personalidad bawat galaw ay nasusubaybayan, alam kong tao lang din sya pero hindi sa ganitong sitwasyon na ang bansa ay nasa lugmok na kalalagayan.

Hidni naman ito pag-atake kundi pagpapakita lang sa ibang tao kung sino ang inuloklok natin sa pwesto, hidni man ako tiga pampanga pero nanay nya pangulo ng bansa. Eh kahit yun na lang lumugar sya bilang isang anak ng pinakamataas na posisyon ng bansa.

ngayon kung hidni si Mikey yan at si jose lang yan,ngayon alam nya na kung ano ang reaksyon ng tao king sakaling ginawa nya yan.

pero salamat sa komento

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Luca's picture

so..

naisip ko lang, bakit kung private person ang gumawa non, e okay lang?

i mean, dahil ba public figure ka e may responsibilidad ka rin maging plastik?

hindi ko pinagtatanggol si mikey (kung siya nga yon). kasi nag-aagree naman ako na bad talaga na hindi dinedevote ng isang public official ang time, effort at graft niya sa public service.

siguro ang point ko lang, na mejo challenging makita (i know), ay ito:

nasasayang ang panahon natin na tuksuing negro ang puwit ng kaldero. kung alam mo nang tarantado siya e di tarantado siya, wag ka nang magulat kung gumawa siya ng katarantaduhan.

------- 

pero sige... pwede naman kasing magcomplain.

ika nga, if your public servant is not serving you well and you can't do anything about it, feel free to throw stones.

kampaii!!!

wag kang pipikit...

Rom's picture

Luca

 

luca wrote:

naisip ko lang, bakit kung private person ang gumawa non, e okay lang?

naturalmente iba ang moral at public responsibility ng isang naluklok na public official kesa sa private person. para yang bakit mas mataas ang matindi ang krimen kung pulis ang gagawa kesa sa ordinaryong sibilyan.

kasi nga po may moral responsibility ang isang public official gaya ng pulis, kongresista, senador at pangulo sa mamamayan. pinagkatiwalaan sila ng taong bayan--iniluklok sila at pera ng taong-bayan ang sinusweldo at kinukurakot nila. ang tiwalang ito na ibinigay sa kanila ay kapangyarihan na dapat nilang gamitin para sa kabutihan ng bayan.

sa gitna ng kalamidad sila ang dapat nating asahan na mangunguna sa pagsagip at pagtulong at hindi ang tulad ng nasa larawan (kung totoo man yan)

parang ganito yan e: ang tatay ay ang may pinaka mataas na may hawak ng responsibilidad sa isang pamillya ay hindi si bunso. kung ang tatay ay laging naglalasing at hindi nagtatrabaho at nilulustay nya lang ang pera na padala ni nanay bilang DH - matutuwa ka ba?

ngayon, biglang bumagyo at bumaha, instead na umuwi si tatay para kamaustahin at iligtas ang pamilya sa pagkalunod sa baha nandun sya sa tumana at bumabarik--matutuwa ka ba?

alam nating greedy ang mga pulitikong yan, noon pa pero ang pagpapakita ng insensitivity nila sa panahon ng kalamidad ay pagpapakita ng heightened callousness at na magnified ito kasi sa tindi ng sinapit ng ating mga kababayan (mamatay ba naman ang mahigit 100 katao e).

ako mismo hindi ko na inaasahan na tutulong sila(mga pulitiko) o magdodonate pero sana man lang wag nang magpakita ng kakapalan ng kalyo sa puso. kung sugatan na ang sambayanan wag na sanang tadyakan sa mukha habang nakalugmok na sa putik.

at hindi po pagpukol ng bato ang gawaing i-expose ang kabahuan ng isang public official ito ay isang uri ng paglaban sa patuloy na pagkabulok ng lipunan. ang pagpukol ng bato na tinatawag ay ang labanan ng mga kandidato sa kapwa kandidato. ito lang ang isa sa mga pwedeng gawin ng isang karaniwang tao bilang ganti sa kasakimang ginagawa ng mga nasa pwesto--isang maliit ngunit epektibong ganti sa ga-higanteng kasakiman na nagaganap. 

kung hindi mo digs ang "gumanti" malamang hindi mo pa naranasan ang maapakan ng mga higante. 

 

KarikaTuura

spike_west's picture

.......

Luca wrote:

siguro ang point ko lang, na mejo challenging makita (i know), ay ito:

nasasayang ang panahon natin na tuksuing negro ang puwit ng kaldero. kung alam mo nang tarantado siya e di tarantado siya, wag ka nang magulat kung gumawa siya ng katarantaduhan.

Kaya nga hindi na kami nagulat kung talagang sya yang nasa picture, mas magugulat pa kami kung sakaling ipamahagi nya ang kayamanan nya sa nasalanta ng bagyo.

Pero wag ka ring mag-expect na pupurihin pa namin sya sa ginawa nya.

Tama ang lahat ng sinabi ni Rom, at kung ang tatay mo ay talagang tarantado papayag ka ba na ikaw ang nagsusuffer ng katarantaduhan nya, aba dapat ka ring magreklamo.

Ngayon kung sya (kung talagang si Mikey yun) ay nakuha pang unahin ang pagbili/paglaklak ng alak habang nagdudurusa ang mga Pilipino, eh wag mo rin sisihin na kung sakaling may hindi magandang mangyari sa kanya o sa pamilya nya (KUNG lang naman)  imbes na makiramay ang mga Pilipino ay  magdiwang pa at magsipag-inuman din ng alak.

 

Salamat

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

dyeppri's picture

AYos 'yun ah!

Masarap kasing uminom habang malamig ang panahon at umuulan... 

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

Luca's picture

hehe

possess!!!

 

noted...

 

wag kang pipikit...

ilyana's picture

Pampanga???

"halos ang buong Pampanga ay lubog at halos mabura na sa mapa ng Pilipinas"

Spike-

 hindi naman ganong apektado ang Pampanga, tumawag nga ako samin nun, the next day back to work na sila. Panic to death nga ako dahil di ko sila makontak, kaya agad agad nagpabili ako ng mga goods dun sa half sister ko, para sa mga kamag-anakan at kapatid ko. Nadatnan daw nyang nagsusugal sila, (tong-its) at nang i abot ang mga groceries at bigas, bigla daw tinanong kung wala bang kasamang cash??? at para pang na inis, dahil bakit goods ang inabot. :-( (Nangiti nalang ako, siguro malaki na ang natatalo nung ate kong nagsabi ng ganun.)

 

Iba-iba talaga ang ugali ng mga tao- simula ng maging agnostic ako, inalis ko na sa balat ko ang pagiging mapanghusga sa  masasamang gawain ng ibang tao. Dati naiinis ako kapag di ina appreciate ng pamilya ko ang mumunting naiitulong ko sa kanila, tinatawag pa akong kuripot. Pero ngayon, wala nalang akong say sa mga ganyang tao-dedma nalang ako sa mga ganyang scoop nila Arroyo, tutal di ko naman sya binoto- at yang sa FB na nag comment- sarili nyang opinyon yun, hindi naman nya hawak ang mundo- na para bang pag nagbitaw sya ng salita, jarann, mangyayari na talaga sa mundo. 

Basta ba pasalamat ko nalang ako, hindi ako masamang tao...at di ako katulad nila. Pero ayoko naring sayangin ang oras ko, para mag react to death sa mga ganyang scoop...Kung makakatulong ang dasal, ipagdasal ko nlang sila.

Alam kong hindi ako ferfect. Pero atleast kaya kong gumawa ng kabutihan, kahit di ako na ko caught in da act sa mga good will ko...:-)

  Ngayon kung lahat ng nakakabasa dito ay tumulong na sa mga nasalanta...Oh well ganito nalang ang gawin natin kay Arroyo...

 

"Ipukol ang unang bote"

 nakita ko ito! sa FB sa

 nakita ko ito! sa FB sa definitely filipino site.  at ngayon nag react ng bonggang bongga ang kongresman na anak ng presidente.. wow grabeh naman ka balat sibuyas. habang di naging sensitibo sa paligid.. ayos!

" hindi makagagawa ang makata ng tula ng walang karanasan ang kanyang  mga musa, kung di gayon, walang kaluluwa ang kanyang paksa"

Rom's picture

inamin!

 nabasa ko din ang alibi ni Mikey--natawa nga ako e. kasi sabi  niya malicious daw ang pagkakabanggit ng date na Saturday daw nakunan ang litratong yan yung kasagsagan ng bagyo. sunday daw yan wahaha! at inamin nga na siya yung nasa picture. saturday man o sunday kinunan e 3 days yung tindi ng hagupit ng bagyo e nagsimula lang nung saturday. karamihan nga sa atin hindi pa na realize yung tindi ng aftermath baka mga lunes na natin nabalitaan lahat-lahat e siya Sunday pa lang tumotoma na!

 

KarikaTuura

spike_west's picture

Huling huli ang matabang isda

Eh di ba halos mamutla din yang si Mikey nung tinanong ni Winnie Monsod tungkol sa yaman nila, kahit nagpapalusot bukong buko ang luko.

Ngayon heto na naman, kahit nagpapalusot huling huli ang luko. Pero buti naman at naliwanagan na ang lahat na hindi si Jose yan kundi si Mikey talaga yan.

Hays, sana matuto na tayo. 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Patrickman's picture

well said. natural na daanan

well said.

natural na daanan ng bagyo ang pinas at hindi lang ngayon nangyari ito. wala tayong kadala-dala. we don't deserve the calamity, of course, but we could have at least lessen the damage kung disiplinado lang tayo.

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

spike_west's picture

Tama ka

Eh kasi umihi lang ang dalampung pusa sa Maynila tyak babaha dyan eh, eh kasi nga barado ang estero ng basura.

Disiplina ang kailangan, tayo ang may isip at tayo ang may buhay na dapat pangalagaan. Natural na kalamidad yan, hindi natin yan kayang kontrolin ito pero pwede natin iwasan ang malagim na pangyayaring iyon.

Ngayon may natuto b tayo dito?Ewan ko lang kung OO

ingat

 

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Ailem23's picture

haay naku!

 tungkol diyan kay Jacque Bermejo, eto lang masasbi ko. Isa siyang alien. di ba't OFW iyan? Kung isuka niya ang pagiging Pinoy niya telling the whole world that pinoys are sinners kaya binabagyo, aba quits lang dahil isusuka rin naman siya ng kapwa niya pinoys. 

Bagyong Ondoy was a calamity that maybe brought by climate change or turning effect of global environment crisis. lahat ng tao sa Pilipinas, binaha man o hindi ay liable sa nangyari tulad nga ng nasabi mo kuya spikey.

Estudyante pa lang ako, panay na ang campaign namin sa pangangalaga ng environment. nag-tree planting, coastal cleaning, river and creeks cleaning programs na kami noon. pero balewala iyon dahil mismong residente sa paligid ng nilinis namin ang siyang nagkakalat o namumutol ng puno. ang kulang sa pinoy ay ang umaalingasaw na DISIPLINA. lahat tayo, guilty diyan.

buti na lang kuya at okay ang family mo at congrats sa bagong baby sa pamilya nyo. 

Binaha nga rin pala ang opisina ng publisher namin sa Quezon City. Lagpas baywang daw ang tubig nung saturday, nalunod na lahat ng book copies ng aming libro pati na iyong lahat na nai-launch at highlights noong nagdaang fair.  Ipagdasal na lang natin na makabangon lahat ng apektado ang bagyo.

Ingatski, 

Melay

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

spike_west's picture

Salamat Melay

Buti talaga medyo mataas ang lugar namin. Sabi ko nga noon pag binaha kami ibig sabihin nun lubog na ang Maynila. Eh binaha kami kaya di na ako nagulat na lumubog ang Maynila.

Isa pa, medyo hindi talaga kami dapat babahain, binaha kami dahil sa tyahin kong epal na itinapat pa ang alulod ng bahay nila sa harap ng pintuan nmin.

Lakas tama sya!

Pero buti din at okay kayo Melay yun nga lang nalulungkot ako para sa mga aklat nyo.

Ingat

 

Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Ailem23's picture

okay naman kami

 malayo kasi sa dagat o ilog o bundok ung lugar namin kaya hindi kami usually apektado ng baha.

okay lang ung pagkalunod ng book namin. although sayang rin. at least, ligtas naman lahat ng staff ng New Day. Iyong book naman mapapalitan e. Kaso nga lang, ung mga manuscript, printer, computer ung buong display room, lahat lunod sa putik. 

 

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

cecil_adriano's picture

this is a nice blog

 " upang magbigay-pansin sa karungan ang iyong tainga, upang ikiling mo ang iyong puso sa kaunawaan..." - Kaw 2:2

Para kay Jacque Bermejo baka kainin niya ang kaniyang mga sinabi... "buti na lang am hir in dubai! maybe so many sinners bakder! yeah deserving wat hapend!" ... We can never fortell what will going to happen to us. She's too quick to say those words na hindi pinag-iisipang mabuti. Kahit saang lugar man tayo, we can not really say that we are completely safe nor we can even tell ourself na bukas buhay pa ako. It so happen na dito dumaan si Ondoy sa PInas and series of events made the aftermath worst. Sa tingin ba niya hindi mangyayari iyon sa Dubai? Who knows? Baka magulat na lang siya one day at mapanganga siya. Surprised

Tungkol naman kay Mikey Arroyo, perhaps hindi siya affected ng bagyo at maybe wala din siyang pakialam sa paligid... as long as he is happy and with those priviliges he had, he can do everything and will do as he pleases may bagyo man o wala! Kaya dapat maging matalino tayo at isip-isipin ang dapat na ilagay sa puwesto.Kiss

 

spike_west's picture

parang pamilyar po ang pangalan mo!

Parang kilala ko po kayo!

Salamat po sa ingo komento at welcome po sa FW.

Ingat lagi and God Bless

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

cecil_adriano's picture

 thank u... taga-antipolo

 thank u... taga-antipolo ako. sayang hindi ako nakabalik sa bookfair nung sept.20 para nakita ko rin sana ung mga FW members. nagpunta ako dun noong sept.16 dahil sinamahan ko lang ung sis ko at dumaan ako sa SMX. siguro some other time. anyway ingat din at GOD bless!!!Wink