Inside a Straight Guy's Mind

dollysbigbaby's picture

I've been hanging out mostly with girls and gay men that frankly, I’m at a loss as to the inner workings of a straight guy's mind.

I used to work with this guy in a project for a couple of months. After our project, we became ym buddies because he works at Ortigas and lives in Bulacan while I work at QC and live in Manila. Our chats were light, full of trivialities, and went on for hours, but there was no hint of flirtation whatsoever as far as I was concerned and as far as I could tell.

Mga friends, please help me decipher these scenarios. Am I really just being an assumptionista here (read: nag-a-assume lang) or this guy is  really into me but is either just a big T, as in torpedo or he's put off by my wrong signals?

1. The guy once said yes to me when I asked him if we could watch Wolverine together. But when I told him I was serious, he became dead silent. I didn't bug him after that. After being out of the loop for more than half a year, he drops a ym from out of the blue to say happy new year. Does that mean he missed me?

2. He asked me if I wanna play badminton with him even if I don't play badminton at all. Does that mean he's interested in me, or he's just looking for a workout buddy and I happen to be the most convenient person around (although frankly I couldn't see how I fit the bill)? That conversation turned out to be a dead-end because I was a little too pakipot and, frankly, I wasn’t that interested in badminton.

3. I invited him to my church org to watch a play for free and he said yes. That was our first and "only" date so far and I believe we enjoyed each other's company. He asked me to invite him to other "major" events of our church org. But he was out of contact right before and during our anniversary celebration which he promised to watch because I was going to perform in it. What was that all about?

4. He texted me one midnight because he couldn't go to sleep. He said kwentuhan ko daw sya, to which I replied magpatulog ka kung di ka makatulog. But I tried to neutralize the ascerbic tone by putting a smiley and a good night at the end of the message. He replied with a  "hehe gudnyt" and that was all there was to it. Did I just send the wrong message for him to go away? I’m really not much into texting e, lalo kung hatinggabi.

5. He asked me if I wanted to go to Hong Kong, to which I asked in reply, siryus ka. I couldn't say yes or no outright because I wasn't sure how serious he was and I didn't want to take back my word. I said depende sa komporme sa lagay ng panahon at ng bulsa ko. Nothing final came out of that conversation. That happened Friday last week and since then I haven't heard from him yet. If he was serious, did I just send him away again? Sa totoo lang, I really want to go. Pero truth is that I am having trouble reading whether he is serious or not. He broke his word twice na in the past.

 

Am I too old to be playing this game or to be reading too much into a guy's actions? Or am I unwittingly sending guys away with my seriousness? I think I might be starting to like this guy so much so that he's taking up a lot of space in my brain. Sa totoo  lang, I’m a little too embarrassed to ask my acquaintances  about this that's why I’m posting these questions here. Besides, I'd like to know your differing opinions on this, kayong mga experts sa guy-and-girl talk. Saklolo!


Luca's picture

girl gusto kitang tulungan...

 

kaso bakla akei 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

dollysbigbaby's picture

ahahahaha

di bale, it's the thought that counts. kaya tenchu so mach! 

hays!

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Kinse's picture

 Ate gusto sana kita

 Ate gusto sana kita tulungan...kasi may ganyang nangyari narin sakin. I dont know kung masyado akong assumera that time. Even my workmates di makapaniwala na nangyari yun,haha. Super guwapo kasi nun may wheels pa,saka Boss pa. Asst. Manager ng kabilang dept. I was in QC kasi at nsa Eng. Dept naman sya.

Sya gumastos dun sa sayaw namin during the company xmas party, 2nd place nga lang kami. tapos after nun he was the one who text me..di ko nga lam panu at san nya napulot number ko. mega kilig pa ko.. kasi di ko talag ini-expect. parang tipong.. OMG! sya ba talaga yun? tapos he was inviting me to go out palage..kaso busy naman kami parati.. tapos nagresign pa ko dun sa Company namin. pero kahit na wala na ko dun ni-invite pa din nya ko parati..one time lang kami lumabas that was our first and last. i dont know if matatawag nga syang date. balak dapat namin manood  nun sa Moa ng Harry Potter kaso, sold out na tickets sa IMAX kaya dun na lang kami sa ordinary cinema pumunta then eat on a japanese resto tapos gala ng konti, saya saya.. pero di ko naman sya tinatanong kung bat nya yun ginagawa... kaso nawala phone ko,nawalan kami ng communication and gang FB na lang now. and i have a Bf na rin kaya ayun...Tapos nung tinanong sya nung BF ko kung nanliligaw daw ba sya sakin, sabi nya we're friends lang daw. ang showbiz ng sagot noh?kaya naisip ko tuloy ako ata yung nag-aasume .. kasi baka purely friendship lang yun sa kanya.. naisip ko naman masyado naman yata syang friendly para gawin lahat yun di ba?....

 Kaya malay mo po ate.. pa-friends effect lang din yung Mama. isang bagay lang yung di ko nagawa that time. yung tanungin sya kung anu ba purpose nya bat nya yun ginagawa. try mo po kaya sya tanungin ? yung tipong.. Bat mo ba kasi to ginagawa sakin? .. tanungin mo sya out of the blue lang..malay naman natin talagang torpedo lang yung mama... hehe

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

dollysbigbaby's picture

hello kinse!

muntik na akong mapabunghalit ng tawa nung nabasa ko yung suggestion mong tanungin ko sya kung anong purpose nya. hehe haha, di kaya nang powers ko yun.

guys can be so confusing no?

meron akong bestfriend (marami kasi sila) na girl na kaya nyang magtanong straight sa isang guy kung anong motive nya talaga for hanging out. that way, walang complications sa company nila. hindi ko talaga kaya e.

good for you kasi may bf ka na. good thing din naman for me, naisulat ko to. ang laking bagay pala ng nagagawa ng pagsusulat. i was able to reassess the situation just by writing it all down. naisip ko, ano ba talaga ang gusto ko sa buhay? what kind of relationship do i really want ba? is this the kind of guy that i want to be in a relationship with? mga ganun ba. nasagot ko yung mga tanong na yun nung naisulat ko to. ang saya.

try mo rin kayang isulat ang kwento ng yummy papable boss mo... pampakilig lang ba?

thanks for reading!

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Kinse's picture

ate dolly

 Ako rin po..kaya kong magtanung ng mga ganun sa guy. Yun nga lang yung nakaligtaan ko, during those pakilig moments nya, di ko natanong sayang..hahaha..

sige po salamat sa idea, sige po try kong magsulat bout him and bout other guys pa..parang ang dami eh hahaha...

 thanks!

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

dollysbigbaby's picture

wow sayang

di bale. i bet bigger find ang bf mo ngayon. good luck and hope to read your pakilig posts soon!

 

p.s.

call me jane. si dolly ay mama ko. :)

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Kinse's picture

Ay ganun po ba? hehehe ate

Ay ganun po ba? hehehe ate jane pala... boss po sya ng Bf ko hehehe 

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

dollysbigbaby's picture

boss killer

Kinse's picture

ate...

 oy di naman masyado.. echoz!

naku di naman sa pagmamaganda.. alam ko namang mas marami pa ang maganda sakin sa company namin na super laki.. plus the fact na di naman kami magkakilala literally.. kilala ko sya kasi sya na lang ata ang engr na boss na walang sabit..plus the looks, the height and the kotse pa.. tapos nalipat sya nga Facilities dept at kasalukuyang ASm (asst.manager..pangalawa sa hapon..)

kaya nung biglang magtext yun di ko laam kung titili ako (di naman pala ako marunong tumili haha) or lulundag ako or wat. paulit ulit ko pa binasa yung text nya dati..gang ngayun memorize ko pa..hahaha

"Hi, joma.. Good evening.This is ( name of the poging boss). Just wanna congratulate you kasi nanalo kayo.Thank you for the participation."

(yung QC-Facilities kasi na dept pinagsama versus the other dept.. Admin, Manufacturing, Engineering etc.)

maski man yata ikaw nasa sitwasyon ko magugulat ss ganun imagine? si -------- nagtext sakin?

basa ko ulit.. (yung text)

di ko lam kung ano irereply ko.. 

tapos nireply ko ng...

"-----? Sir -------?

sabi nya "Oo, si ---- nga to... Si ---------- ------- (complete name talaga) balita ko sa choreo nyo pasaway ka raw during practise blah blah blah blah blah...

at dun na nag-umpisa ang lahat..

 katext ko na, kachat ko pa.. at ako lang ata ang malakas ang loob na bumabati dun kasi magkatabi yung QC Training Room namin at yung office nila,

Tapos ayun na...

maski naman ata ikaw iisipin mong baka nga me type sayo yun.. kasi out of the blue nagtext.. tapos biglang aya aya lumabas... tapos biglang... wala na..

tapos..eto gang FB na lang.. alam nya na kasing me jowa na ko. at ito namang si jowa nga eh mega text doon at nagtanong pa talaga kung anu ba namamguitan samin and sumagot naman itong si Sir na 'kuya' na ang tawag ko ngayon kasi sabi nya nga ke jowa eh "friends' lang kami...

nung karaan nagcomment ako sa wall nya sa FB..

"hi kuya.. napadaan lang..

at si reply naman ng

" hi... epasslane ako eh, kumusta ang maraming work?"

tapos nagkachat ng konti sa FB din nung isang araw...

gustong gusto ko n ngang tanungin kakapalan man ng mukha...

kaso..di ko nagawa eh, besides tapos na namn yun, nagpapa thank you na lang ako kay Lord na once in my life eh may ganung guy na nkiraan sa buhay ko..hahaha

yung tipong paramdam..tapos gang paramdam na lang...

nga pala...

may salamin sya dati.. tapos nung lumabas kami sabi ko sa kanya maganda yung mga mata nya wag nya itago sa salamin, mag contacts na lang sya..

at ayun naka contacts na sya ngayun...

napaka masunurin nya sa 'friend' no?

badtrip talaga yung ganung guy..

ang sarap sigawan sa pagmumukha ng

"ANO BA? MAY GUSTO KA BA SAKIN, MERON O WALA?"

kaya lang..

ala eh..

haha napahaba na yung wento ko ate ..hehehehhe

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

dollysbigbaby's picture

dear joma..

ang cute naman ng ex-boss mo. ang cute tuktukan... hehe...

no offense meant ha. hindi kaya isang typical na malanding lalake ang ex-boss mo? sensya na... eto na naman ang cynical demon in me. kaya ata walang magtyagang magpursue sa akin nang matagal e. may pagka nega minsan e... 

this comment deserves a new post, sa totoo lang. pahabain mo nga ito, sis, at i-post? gudlak!

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

hey gurl..i was with u on

hey gurl..i was with u on the same boat, and i hate those kind of guys.forget him. he's a total dork! Remember: it's a role of a woman to be pursued. just a suggestion.lol!

dollysbigbaby's picture

yeah

lala wrote:
it's a role of a woman to be pursued. just a suggestion.lol!

i agree with you on this one, although i'm sure a lot of people out there will think otherwise.

i think i maybe overreacting a bit. i'm moving on na...

thanks lala!

 http://dollysbaby.blog.friendster.com/

dollysbigbaby's picture

breakthrough

we had dinner last night. yes, finally. i braved the rainy rush hour traffic to meet him all the way from qc to ortigas. nakulot ang buhok ko, as in nasayang ang effort kong magplantsa ng hair. bakit ako gaga na sumugod sa ulan para i-meet sya? kasi sabi nya treat nya. haha... chipangga. in fairness, malayu-layo naman  ang nilakad nya para i-meet ako. which, by the way, we also threaded by foot back to para lang sumakay ng kotse nya. mega-eat kami sa marina sa metrowalk. we talked about work (?!!!) and a lot of other trivial stuff on the side. i can sense we were somewhat awkward to each other. tapos na-empacho pa sya sa katakawan nya sa kare-kare.

my overall assessment was, hmm, i can put up with more of this. at least now i'm certain that i'm ready wherever  this thing leads. ibig sabihin, que maging friends kami, or if he disappears entirely, or if he really takes interest in me, kahit ano, okay lang. kung baga, may potential sya, pero not interesting enough for me to pine for his undivided attention. tingin ko pati, he's on the same level as i am.

most of all, on a scale of 1 to 5, 5 being the highest, i rate the kare-kare a measly 2 while the grilled tuna belly a 3.5. 

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

joenard's picture

Torpedo din ako..hehehe

  Oi.. ayaw ko magsugest ng gagawin kasi ganyan din ako... siguro takot lang yong Mama na yon magtanong sayo, baka takot mareject.?  In behalf of torpedo men, ako na humihingi ng patawad at pangunawa, ...ganon talaga eh.. So kung ganon na..di ikaw na po gumalaw para umusad na ang dapat umusad..hehehe...( Most of that traits eh karaniwang gawain ng mga lalaking Pogi at at professional..hehehe....just kidding ..) salamat

 

 

 

 

"Minsan nasabi ko malalathala din mga sinusulat ko, hindi lamang puso ko ang makakarinig at utak ko ang masasaling kundi kapwa ko manunulat na sa kanilang sariling paniniwala pinanganak silang makata"

dollysbigbaby's picture

hahaha salamat joenard!

naisip ko rin yan, na baka nga torpedo sya. kagabi, habang nag-uusap kami, mas nakakatingin sya ng diretso pag trabaho ang pinag uusapan namin. kaya sya ang nagtanong nang nagtanong habang sumagot naman ako nang sumagot. di pa naman ako madaldal sa tunay na buhay. 

sa ganang ako ang  gagalaw para umasad na ang dapat umusad... hmmm... di ko pa lam kung panong gagawin yun at sa totoo lang, di ata kaya nang powers ko yun. ang magagawa ko lang sa ngayon ay i-encourage sya na tama yung ginagawa nya para magpursigi pa syang lalo. 

again, salamat sa insight. highly appreciated specially coming from a (torpedo) straight guy (tama ba ko? hehe). 

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

jode_abbot_1988's picture

^^v

Minsan talaga nagtataka ako kung bakit may mga taong torpedo??? Yung mga tao na iyon eh takot bang masaktan? o takot mareject o sadyang duwag??

Kinse's picture

All of the above.....  "

All of the above..... 

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

dollysbigbaby's picture

i second the motion

aqueouscribe's picture

gusto ko lang sanang linawin

gusto ko lang sanang linawin ang disclaimer ko bago yung mismong opinyon. nasayo na yun kung kapani-paniwala at may sense ba ang mga opinyon ko dahil hindi ako magaling sa mga guessing games na ganyan. madalas pa nga akong sabihan ng mga kaibigan ko na "ang hina mo naman e" kasi nga mahina talaga ako at sobrang bagal ko bago maka-gets pagdating sa mga ganyang bagay. at pwede din naman na gaya ng sabi ni lala e "dork" ang magiging opinyon ko. teorya ko lang din naman 'tong mga 'to kaya 'di din dapat masyadong paniwalaan.

okey. eto na. mga opinyon ko lang to kaya malaki ang chance na mali din ako.

 

1.  tungkol sa bigla niyang pag ym. dalawa lang naman ang dahilan kung bakit biglang nagpaparamdam ang tao - it's either nangangamusta dahil na-miss ka o kaya naman e may kailangan sa'yo. pero sa binigay mong scenario, mas maniniwala akong na-miss ka lang nun kaya biglang nag ym matapos ang halos kalahating taon. 

2. sa pagyaya niya ng badminton. tingin ko (inuulit ko, TINGIN ko) interesado siya sa'yo. parang ang dating sa'kin naghahanap siya ng mga bagay na pwedeng maging common sa inyong dalawa. yun nga lang, nag-umpisa siya sa pag-share sa'yo ng mga bagay na hilig niya kesa dun sa siya ang mag-explore sa mga bagay na hilig mo.

3.  ito ang 'di ko gets. kasi kung tama ang tingin ko na naghahanap siya ng pwedeng maging common sa inyong dalawa (refer to number 2), mukhang ito na ang magandang chance. nung yayain mo siyang manood ng event sa church org. parang negative tuloy ang dating. kasi kahit sabihin na biglang nagkaron ng emergency o urgent na trabaho sa part niya, hindi man lang siya nagparamdam na hindi siya makakapunta o nangamusta man lang pagkatapos nung event. considering na nangako siyang manonood ng event na yun.

4. tungkol sa text at sa gudnyt. mukhang wrong message ang napadala mo. ok at understandable din naman dahil sabi mo nga, hatinggabi nun kaya malamang e kailangan niyong dalawa ng pahinga para sa trabaho kinabukasan. okey lang yan. tignan mo nga hanggang ngayon may communication pa din kayo kaya okey lang yan.

5. tungkol sa hongkong. tingin ko walang mali sa'yo dito. kung gusto ka talaga niyang makasama sa hongkong, yayayain ka ulit nun.

6. tungkol sa date niyo sa marina. sabi mo awkward kayong dalawa. mukhang isa lang ang ibig sabihin niyan - alam niyo pareho kung ano ang  meron at kung ano ang nangyayari. sa part mo, ikaw na din nagsabi na somewhat gusto mo siya. sa part naman niya, tingin ko (inuulit ko na naman, TINGIN ko) gusto ka din niya. kaya ayun, dahil alam niyo na pareho kung ano ang meron kaya naging awkward.

kahit pa sabihin na tahimik ang lalake, magiging madaldal 'yan lalo na kung nasa isang date 'wag lang maputol ang flow of conversation niyong dalawa. kahit trabaho pa ang topic o gaya nga nung sinabi mo e other trivial stuff on the side. at kung titignan ko yung mga naging reply mo bago pa 'tong comment ko, mukha namang sinubukan niyang maging madaldal 'wag lang maputol ang flow of conversation niyong dalawa.

 

Overall assessment: sa'yo na din nanggaling na gusto mo siya. sa kanya naman, mukhang gusto ka din niya. kaya bakit niyo pa papahirapan ang mga sarili niyo? gusto ka niya, gusto mo siya, edi bigyan niyo ng chance ang isa't-isa para malaman kung pwedeng higit pa sa kaibigan ang samahan niyo. hindi ako expert sa mga ganito pero sabi nga ni joenard, pwede kang magbigay ng mga hint para malaman niyang gusto mo din siya. wala namang masama dun at minsan, kailangan din ng mga lalake ang hint na 'yan. hint lang ang ibigay mo at hayaan mong sa kanya pa din manggaling ang panlilligaw (kung meron man at kung tama ang mga opinyon natin). that way, mararamdaman pa din niya ang fulfillment na manligaw ng babae at ikaw naman, mararamdaman mo pa din ang fulfillment na i-pursue ng isang lalake.

 

pwede din siguro ang mga payo na natanggap ko galing sa isang katrabaho. kung susundin mo yung payo nung kaibigan ko tungkol sa pagbibigay ng taning, ganito ang sabihin mo sa kanya: "dalawang linggo (sabay hampas sa lamesa)! kapag hindi mo sinabi ang feelings mo para sa'kin, maghanap ka ng iba!" pero syempre joke lang 'yan.. Tongue out

 

in any case, importante lang naman e bigyan mo siya ng chance at higit sa lahat, bigyan mo ng chance ang sarili mo.

 

pasensya na medyo napahaba ang comment. 

--------------------------

www.lapisatkeyboard.blogspot.com 

dollysbigbaby's picture

huwaw! thanks a lot for the

blow by blow assessment! madami kang quotable quotes dito ah. this also deserves a new post. Laughing

  • ito ang 'di ko gets. kasi kung tama ang tingin ko na naghahanap siya ng pwedeng maging common sa inyong dalawa (refer to number 2), mukhang ito na ang magandang chance. nung yayain mo siyang manood ng event sa church org. parang negative tuloy ang dating. kasi kahit sabihin na biglang nagkaron ng emergency o urgent na trabaho sa part niya, hindi man lang siya nagparamdam na hindi siya makakapunta o nangamusta man lang pagkatapos nung event. considering na nangako siyang manonood ng event na yun.

tingin ko, church is not his cup of tea. tingin ko din, hirap syang magsabi ng "no thanks". he'd rather just disappear. kainis. sarap turuan ng manners. hehe

  • tungkol sa hongkong. tingin ko walang mali sa'yo dito. kung gusto ka talaga niyang makasama sa hongkong, yayayain ka ulit nun.

well, hindi pa nya ako niyaya uli. sinabi ko sa kanyang may on-going seat sale sa cebu pacific. grab it na, kako. ok thanks, ang sagot nya. how sweet. hmp.

  • hindi ako expert sa mga ganito pero sabi nga ni joenard, pwede kang magbigay ng mga hint para malaman niyang gusto mo din siya. wala namang masama dun at minsan, kailangan din ng mga lalake ang hint na 'yan. hint lang ang ibigay mo at hayaan mong sa kanya pa din manggaling ang panlilligaw (kung meron man at kung tama ang mga opinyon natin). that way, mararamdaman pa din niya ang fulfillment na manligaw ng babae at ikaw naman, mararamdaman mo pa din ang fulfillment na i-pursue ng isang lalake.

i like this the most. two thumbs up. triple like.

  • tungkol sa date niyo sa marina. sabi mo awkward kayong dalawa. mukhang isa lang ang ibig sabihin niyan - alam niyo pareho kung ano ang  meron at kung ano ang nangyayari. sa part mo, ikaw na din nagsabi na somewhat gusto mo siya. sa part naman niya, tingin ko (inuulit ko na naman, TINGIN ko) gusto ka din niya. kaya ayun, dahil alam niyo na pareho kung ano ang meron kaya naging awkward.

i think he does like me. kahapon siguro may balak na namang mag disappearing act yun dahil nagkick-in ang torpedo instinct nya. nauna na akong nag ym. kinamusta ko ang tyan nya. small chitchat lang at work na uli kami. nung uwian na, sabi ko, tsk tsk tsk delubyo na naman dito, uwian pa naman. sabi nya, tsk tsk tsk wawa ka naman, punta ka na lang dito. naks... haha... sige lang. i can put up with this pa... pero sabi mo nga:

  • "dalawang linggo (sabay hampas sa lamesa)! kapag hindi mo sinabi ang feelings mo para sa'kin, maghanap ka ng iba!"

tingnan ko lang kung hanggang san aabot to.

more power to you!

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

aqueouscribe's picture

 me naalala ko dun sa scene

 me naalala ko dun sa scene niyong dalawa tungkol sa seat sale ng cebu pacific... Laughing may nagtext saken dati kung marunong akong magpadeliver ng bulaklak. sabi ko hindi dahil di ko naman gawain yun. tinanong ko pa kung sino ang gustong magpadeliver. sabi niya: "wala. pinsan ko." 

pagkatapos nun, ayun. di ako tinext ng isang linggo. Laughing 

 

eniwey, dun naman sa friend mo, i don't know. mukhang kailangan niya ng konting tulak.

 

basta yung sinasabi kong mukhang gusto ka din niya, tingin ko lang yun. ikaw pa din ang makakapagsabi kung ano ba talaga kasi kayo naman ang magkasama. 

--------------------------

www.lapisatkeyboard.blogspot.com 

dollysbigbaby's picture

haha.. tulak nga

tulak sa hagdan ang kelangan ng mga taong ganyan!

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

joenard's picture

Ang dami ko natutunan sa post na ito

 Salamat.. ginising nyo ang torpedo kung katawan ...hehehe..

 

Sa edad kung ito na bago pa lang sa mundo ng pagibig isang karangalan sa akin na mas maunawaan kung ano ba ang dapat na ugaliin ng isang nagmamahal. Maaring hindi iyon natutunan subalit sa ilang pagkakataon magagamit ko ito upang maging mas agresibo at makatotohanan sa kung ano ba ang nais kung ipakita at gawin.

 Muli ang masasabi ko lang at pilit kung ipapaunawa..hindi gusto ng mga torpe na maging bato at manhid ... sigurado kung iyon talaga ang ugaling taglay nila... maaring mabago ngunit hindi sa mabilisang pagkakataon..

"Dapat gawin maghinta'y , umunawa at patuloy na magmahal ang taong umiibig sa isang torpe."

 

-----Pero last na... kung wala pa ding epekto.. kung ayaw sa Santong dasalan daanin na Santong paspasan...ewan ko lang kung makapalag pa yan... !!!!!!hehehe... bakit Pogi ba sya? Baka naman mas pogi pa Ex mo jan o kaya mga bagong manliligaw mo? hehehe.. pinapapasya lang kita.. --

 

 

Paalam...

 

 

"Minsan nasabi ko malalathala din mga sinusulat ko, hindi lamang puso ko ang makakarinig at utak ko ang masasaling kundi kapwa ko manunulat na sa kanilang sariling paniniwala pinanganak silang makata"

dollysbigbaby's picture

haha buti pa ikaw may natututunan

pabasa ko rin kaya sa kanya to, no? hehe...

marami rin akong insights tungkol sa mga comments nyo e.

tulad ng, tama si joma (kinse) na pag interested ka sa isang tao, bibigyan mo ng kahulugan ang mga kilos nya, kahit maliliit. kasi may ganito na rin akong encounter noon pero mega deadma ako. sabi ko sa sarili ko nakikipag friends lang sya kaya patuloy ko lang naman syang inentertain. nung  niligawan na ko, ngek, nanliligaw na pala sya. haha. na turn down ko sya. pero naawa ako sa totoo lang. kasi baka kako pinaasa ko sya nang di ko sinasadya. di pa naman ako ganong klase ng girl.

pangalawa, importante rin na iencourage ang guy kung may nakikita akong positive sa ginagawa nya. that way, kung ano man ang madedevelop, ke friendship yan o love, e madevelop na nang maganda. in short, wag ako masyadong suplada at pa-hard to get.

pangatlo,  don't take it too seriously. have fun in the process. san ko nakuha to? ewan ko ba.

sa yo naman, joenard, nais ko lang magpayo, kung iyo lamang mararapatin. gamitin mo yung inherent power mo bilang lalake para makapag pahayag ng nararamdaman mo nang malaya. kasi, aminin man o hindi, hindi masyadong uso sa society natin yung girl ang manliligaw. timbangin mo kung alin ang mas masakit: nasabi mo ang saloobin mo at tinanggihan ka, o; di mo nasabi at kalaunan, nalaman mong may pag-asa ka pala sana pero huli na ang lahat. gudlak sa iyong buhay pag-ibig. kaya mo yan. pogi ka naman di ba? naks!

also, fyi, hindi sya ka-pogian. hehe. ewan ko kung anong ginawa sa kin nitong mokong na to at naaaliw ako sa kanya. haha.

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

dollysbigbaby's picture

update on hongkong trip

inaya nya ako uli! oh di ba?! pero may kasamang konting tulak galing sa akin yan. ganito ha

(ym)

...

me: uy kamusta? nakapagpabook ka ba ng seat sale  sa cebu pacific?

sya: e hindi ko alam kung magkano talaga e, di ba may dagdag pa yun?

me: subukan mong mag book online pero wag ka tumuloy sa payment

sya: so yun na ang babayaran? wala nang iba?

me: oo. try mo rin yung mga fun tours sa HK. nasa 11-12 thou kasama accomodation

sya: punta tayo :)

me: siryus ka talaga

me: ?

me:  kung siryus ka, sige ba

sya: magkano magagastos natin sa pagkain?

...

 

haba pa e. pero suma tutal, may drowing na sya na nakasakay sya sa plane papuntang hk, at kasama ako, hehe. 

abangan kung matutuloy!

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Kinse's picture

Bongga! abangan ang susunod

Bongga! abangan ang susunod na kabanata.. hehehe

sa case ko naman magtaext kami nung Boss kahapon.. wala lang kamustahan tapos wala na atang mapag-usapan di na kami parehas nagreply. Alam nya na kasing me jowa na ako at nasa iisang dept pa nman sila..haha

besides, pinangatawanan ko na yung pagtawag ko sa kanya ng "kuya"... hehehe 

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

dollysbigbaby's picture

uy

naghahanap ng opening si Boss? hehe

;-P

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Luca's picture

HOY JANE!!!

 

dumadamooves ka ha!!! 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

dollysbigbaby's picture

hahahahaha

sheesh...  just helping out. very helpful ako e. hihihi

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/