Insomnia at Catatonia sa Maginhawa (j.luna)
Alas-diyes nang umaga.
Idinilat ko ang aking mga namumungay na mata at diwang naglakbay sa masalimuot na pagtulog.
Isang pilit na pag-bangong labag sa aking kaloobang nais pang maidlip ngunit di na kaya.
Ewan ko ba kung bakit, na sa dami ng damong nasindihan at nilaklak na serbesa kagabi'y di parin ako nai-hele tungo sa mundo ng panatag at masarap na paghimbing.
Aaaah, tulog, ang tagal na kitang hinahanap!
Bakit ba sa tuwing sa oras na kelangan kita'y tila isa kang multo't guni-guni?
Isang mirage sa disyerto na tuwing lalapita'y biglang naglalaho at sa aking pagmulat ay bubulatlat sa aking harapan ang salimuot ng mundo ng pagkapuyat, ang disyerto ng mga gising.
Aaaah, tulog na mahimbing at masarap, nasan ka na?
Walang laban sa pang-iinis ng mga engkanto ng pagkainip, binuksan ko ang PC.
Nag-bukas ako ng Facebook at kung anu-anong networking site na matagal ko nang 'di nadadalaw at matagal ko nang pinagsawaan.
Kelangan kong kumunekta sa mundo, makakita ng bago o makibalita't sumabay sa mabilis na pag-inog na contrasting sa aking mabagal at stagnant na pagdaloy.
Pero wala akong nakitang huhuli sana sa aking maligalig na imahinasyon.
Oras na para sa porn.
Nakakabanas ang mga bitin at mabagal mag-load na video. Tipong ayan na't hinihintay mo na ang finale ang climax kung saan ang masaganang katas ay kakawala at sasabog sa bunganga ng seksi at maputing coed ay biglang, CUT, tapos na pala ang video, o 'di kaya'y mahigit na labing limang minutong video kung saan ang nakikita mo lang ay puwet na tumataas baba at mga ungol ang iyong naririnig. Makita mo lang ang mukha ng anghel na kinakatay at binibiyak sa sangkalang kama ay solb ka na, at puwede ka nang magpaputok ng iyong malapot na katas, ngunit hindi dahil patapos na ang video ay yun parin ang eksena- ni hindi mo nakita ang mukha ng sana'y pagnanasahan.
Nasayang lamang ang inihandang maruming t-shirt na sana'y pagpuputukan ng tamod at patay na ang aking burat, na ngayo'y ubod na ng lambot.
Nawalan na ako ng gana, muling ipinasok ang munting alaga pabalik sa gubat na kanyang pinagtataguan at muling nahiga sa kama.
Magaalas-onse na, kaya lumabas na lang ako upang kumain sa isang malapit na tapsihan.
Ilang saglit pa'y nasa harapan ko na ang umuusok na tapsi't mabangong sinangag na pinapalamutian ng malasadong piniritong itlog.
Ang chibog ba'ng ito'y consolation sa pagka-olats ko sa pagtulog ng mahimbing? Ito ba ang mag-babalik ng lakas na inubos ng puyat at napurnadang jackol?
Hindi, dahil sa oras na isinubo ko ang putaheng nakahain sa akin, ay nanaig parin ang pagnanasang matulog pa ng mahabang-mahabang mahaba.
Ang pagnanasa na makarating sa mundo ng mga panaginip, na kahit ang pinaka masalimuot na mga bangungot ay tatanggapin ko basta makatulog lang.
Naglakad akong pabalik sa haybols, at doon ay naghanda na ako ng mga gamit na panligo.
Mainit at malinsangan kaya kailangan na ng aking pagal na katawang maligo dahil en puntong alas dose ay pupunta na ako sa shop na pinagta-trabahuhan.
Naligo ako.
Ang sarap ng tubig habang dumadampi ito sa malibag at mainit na balat. Ang lamig. Tila ba'y bumabalik ang lakas at sigla. Nagsipilyo din ako't aking inenjoy ang kakaibang lamig ng toothpaste sa aking bunganga na naging tila kumpisal at komunyon din sa pari na siyang nag-alis ng mabahong bakas ng mga makasalanang bagay na ipinasok ko't inilabas mula rito nung nakaraan araw.
Matapos maligo't magbihis, lumabas na ko't nagtungo sa shop.Bukas na pala ang tindahan, ngunit sa aking pag-akyat sa hagdan, napuna ko na may kaunti pa akong amats.
Groggy parin.
Anong tuwa ko nang sa aking pagpasok sa tindahan ay may nakalabas na gallon ng mineral water na may Extra Joss. Yes, energy boost to. Agad kong kinuha ang baso sa tabi't pinuno ito, umaapaw at handang ibsan ang pagkatuyo't na aking nararamdaman.
Ininom ko ito ng tila uhaw na uhaw, at nagulat ako dahil ang init ng agos nito sa aking lalamunan!
Shit, may alak ito! Mukhang nag-inuman kagabi ang mga tropa dito aftershift. Tinanong ko ang kasama ko sa tindahan na nasa harap ng PC't busy-busihan sa pag-check ng inbetaryo.
-Pare, may halo ba ito ha. Sino'ng mga dumaan kagabi?
'Di pa nakakasagot ang kasama kong ngayo'y abala na sa pagF-Facebook ay sumulpot sa pinto ang kaibigan naming si Jon, may dalang yelo na hiningi niya sa ka-compound naming kainan.
-Wasak, pare ano ito? Gin ba ito?
-Oo, shot ka lang diyan.
-Tang ina, wasak pa ko sa kagabi e. Gusto kong magpaka-sober ngayon.
-Ang baduy mo! Oks lang yan. Smoke nalang tayo mamaya.
Shit, bumalik ang amats ko, pero hindi ang chill na tama ng chongkee kagabi, pero ang mainit at masakit sa ulong tama ng alcohol na pinuwersa mong inumin ilang minuto pa lamang ang nakararaan.
Kung di kasi ako tatanga tanga sana e di sana ay di ako nakainom ng isang punong baso ng hard.
Eto ang lifestyle namin, umaga palang sa pagbukas ng tindahan ay wasakan na agad.
Maya-maya pa'y gumegewang na ako.
Ilang saglit pa'y nag-kulong na kami sa storeroom sa likod ng tindahan, at ako'y humiga sa sofa habang hinihimay nila ang lagkitang ipapasok sa pipa.
Sindi, higop, pasa sa katabi.
Biglang tumayo ang kasama ko't kinuha ang mahiwagang bag niya.
-Peeps, una muna ako may kukunin lang ako.
Naiwan kami ni Jon.
Kaliligo ko lang amoy damo na ko.
Wasted na naman.
Sa tingin ko ay ganito na ang mangyayari sa buong araw ko, wasted.
Matapos ang ilang ikot ng pipa, lumabas na ako at bumalik sa selling area ng tindahan.
Lumipat ako't umupo sa bangko sa labas na naka-overlook sa kalsada, basag, sabog at bangenge.
Biglang isang malakas na boses ang bumasag sa katahimikan ng utak kong nagsisimula nang lumangoy sa mundo ng pagkawasak.
- Nasan si Alan?!
Nabasag ang aking pananahimik, si Chloe pala.
Nabasag din ang tama ko.
- Wala e, may kukunin lang daw.
Yun ang tipong hassle na timing na patungo ka sa rurok ng pagkabangag e may biglang gugulat sa iyo. Parang inaantok ka na nang may biglang bubuhos sa iyo ng malamig at nagyeyelong tubig.
Maganda si Chloe, pero sa sobrang pagkawasak, 'di ko na pinagtuunan ng matinding pansin ang maikling shorts niya o ang karaniwang mga napapansin ng mga nasa katinuang lalake.
Ang nasa isip ko lang ay kung tatayo ba ako o uupo lang dito o tutunganga na lang.
Pero, kelangang makisama at manatiling friendly sa lahat ng tropa, wasted man o hindi.
- Yo, Chloe shot?
Itinuro ko ang mix ng gin at Extra Joss.
- An aga niyan ha. Pass ako.
Habang nag-uusap kami ay biglang pumasok sa likod na pinto si Alan, ang taong kanyang sadya.
- Pre, hinahanap ka ni Chloe.
-Tara! Sama ka?
- Pass muna ako.
At biglang tila panaginip ay naglaho silang dalawa't nilamon ng storeroom.
Ako nama'y hindi na umalis sa kinauupua't naghintay na matapos ang araw.
Unti-unti ay umakyat na ang tama ng damo at kumupas na ang tama ng alak.
Good.
Wala na ang sakit ng ulo, chill na.
Naupo lang ako at naghintay.
Naghintay na matapos ang araw.
At natapos nga ang araw, at pumroxy ang kadiliman.
May mga dumating at umalis, may mga tumambay saglit.
Tuluy-tuloy ang ikot ng buhay sa loob at labas ng storeroom.
Pero andun lang ako,
nakaupo at lutang.
Bago mag-alas dose'y nag-sidatingan ang ilang tropa.
Muli, nakita ko ang aking sarili, nakakulong uli sa loob ng maliit na kuwartong tambakan habang umiinom ng Redhorse, sumisindi at nagpapakawasak.
Si j.luna ang nagwagi ng grand prize sa Genoveva Edroza Matute-Awards para sa maikling kuwento (2005).
Napublish na ang kanyang mga katha sa The Philippines Free Press, The Philippines Graphic, Playboy Philippines, Monday Magazine at A Feast Of Short Stories (De La Salle/ Anvil 2011).


