isa pang kwento ng pag-ibig daw
Isa pang kwento ng pag-ibig daw
tbdtbd925
Dehins ako nagbibiro, pare. Talagang nagkita kami at nagkausap, pero talagang di ko pa rin maintindihan hanggang ngayon paano nagkaganoon.Mahirap isipin na maaaring me kasama tayong di natin kilala.
Pero sisimulan ko sa simula. Alam mo naman, mahilig ako mamaril kaya nagpupunta ako sa gubat. Lalo na pag summer vacation, pag maraming bunga ang mga puno sa gubat, naiipon ang mga ibon. Masarap mamaril, mag-aabang ka lang, pagdating nila, putukan na. Me mga markado kaming mga puno sa puntahin ng mga balod at kamaso, at doon kami nag-aabang pag me bunga. Bihira kami mawalan ng iniuuwi na pang-adobo pag ganoon. Ngayon, minsang nasa gubat ako, bakasyon noon mga dalawang taon na ang nakalilipas, me nakita akong school ID ng isang babae. Estudyante, college, sa isang kilalang university dito sa Manila. Miriam de Lucia ang name dun. Bago pa ang ID, pare, di pa gaanong narurumihan o napuputikan. Nakasabit sa sanga ng isang puno, pare, mababa lang, kaya inabot ko at tiningnan. Baka ‘kako naiwan ng isang nagdala dito ng di-sinasadya kasi sumabit ‘yung tali sa puno o anuman, naisip ko kunin. E kasi alam ko naman yung eskwelahan, ibabalik ko na lang sa may-ari pagdating ng pasukan uli.
Di kinuha ko nga at iniuwi. Pero maganda ‘yung babae sa picture, kaya ang nangyari, pamaya-maya tinitingnan ko ‘yung ID. Ewan ko, pero nabighani ako ‘nung chicks, pare, di lang kasi maganda tingnan, kundi yung hawas ng mukha, maamo, at me charisma. Me charm. Me magnetism na di ko maipaliwanag. Gustong-gusto ko tingnan lagi, bago ako matulog at paggising ko sa umaga. In short, na-in love ako sa kanya, kahit di ko pa siya nakikita ng personal. Ini-imagine ko lagi ang pagiging magsyota namin, nag-iimbento ako ng dialog para sa panahong nangyari na iyon, at di ako makatulog agad kahit gusto ko siyang mapanaginipan. Obsessed yata ang tawag dun. Bandang huli nga, parang ayaw ko nang ituloy yung una kong plano na ibalik ang ID. Para ‘ika ko, masasarili ko siya. Akin lang siya, magkakasama kami nang matagal. Pero kung di ko ibabalik, paano ko makikita yung chicks?
Sa madaling sabi, natapos ang bakasyon, bumalik ako ng Maynila, dala ang ID. Pagkatapos ko mag-enroll sinimulan ko nang hanapin si Miriam. Una, pinuntahan ko ang university niya, malapit lang sa amin sa UST, at inalam kung saan yung mga kwarto ng mga nag-aaral ng major niya, commerce, accounting. Tapos, mga ilang balik, natunton ko ‘yung mga kwarto ng year niya. Ipinagtanong ko na, at sa katatanong, me nakita akong nakakakilala sa kanya. Sabi ko, babalik ako kinabukasan, ganun ding oras, para ibigay yung ID niya. Di ko na kailangan syempre sabihin na para rin makilala siya.
Pagdating ko dun kinabukasan, nakilala ko na agad siya, kasi nga me picture siya sa ID. Lumapit na ako, at sinabi ko ako nga ‘yung magsasauli ng ID niya. Nakipagkilala naman siya at kinamayan din ako. Heaven, pare. Ang lahat ng pantasya ko bago kami magkita at ako ay mag-isa sa kama at nag-iisip sa kanya, nabigyang katotohanan. In one instant, lahat ng inimadyin ko, nabuo. Nagdaan. Nangyari. Tumigil ang mundo sa saglit na iyon, pare. Sa pakiramdam ko noon siya at ako lang ang tao sa mundo at non-existent ‘yung mga nakapaligid sa amin. Sa isang pagdadaop-kamay namin ‘yon, pare, isang kisap-mata. E di ko lang maalala kung kumurap pa nga ako sa labis kong pagkapatda. Ayan, pare, nagiging matatas ako sa malalalim na Tagalog dahil dun.
Pero heto ang siste. Noong inilabas ko na ang ID at iabot sa kanya, natural kinuha niya. Nang makita niya ang ID, ang sabi ba naman, “Ay, salamat. Naiwan ko ito sa bahay, nakasabit sa poste sa kusina. Paano mo nakuha?”
Nge!??
tanga ko
story po yun ,,,
heheheheeh namali lang ng type ! ( stoy) daw!


gara naman nun noh!
ay naku talaga naman nakakavaliw yung pagivig weh !
hay naku! nung navasa ko to (gandang ganda )talaga ko sa story na to !
akalain mo parang di kapanipaniwala na talagang nangyari yun , noh !
hayyyy !ganda talaga nun g stoy mo !
judz