Isang Araw sa Aking Pagsakay sa Kabaong (short story)

Rom's picture
| |
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Isang Araw sa Aking Pagsakay sa Kabaong

 

 

 

Walang bago sa lansangan ng Maynila, partikular sa EDSA na kung saan lagi na lang trapik at mainit, magulo at mabaho dahil na rin sa tindi ng usok na dala ng hanging malagkit, kumakapit at nanunuot sa balat mong hinahagupit ng matinding sikat ng araw sa tag-init. Ito ang mga pagkakataong ayaw nang mamawis ng balat mo, sawa na sa pagkakatas upang dikitan lang ng alikabok habang ginigisa ng araw ang mukha mo sa sarili nitong naglalangis na pawis.

Walang patid ang harurutan ng mga humahagibis na kabaong sa malapad na kalye, punong-puno ito ng mga buhay na bangkay sa inihahatid kung saan saang sulok ng lamayan, kadalasan nga di pa man nakakababa ang isang bangkay humahaginit na agad ang pagharurot nito para maka quota. Sumampa ako sa bahagi ng Guadalupe bago pa man ako tubuan ng pigsa sa kilikili sa kakapara sa mga kabaong na ito. Swerteng nag menor kasi dahil sa pulang bituin ng katanghaling tapat. Ngunit bago pa man kumislap ang berdeng bituin may sumampa na isang bangkay din pero di pangkaraniwan ang bangkay na ito.

Hindi pandak, pero napakaliit ang lalaking ito. Hindi pa man ako tapos mamimili ng upuan (kung may pagpipiliian man) sa siksikang entrsuwelong ito kasunod ko na agad ang sepulturerong marusing sa likod ko, may tangan na tiket  at naniningil na. Arogante  at sinigawan agad ang lalaking hanggang bewang ko lang ang taas dahil sa pagkatapos ng kanyang bayag ay sahig agad. Putol ang mga paa ng mamang ito, mula puno ng hita pababa. Marusing din gaya ng sepulturerong may tangan na tiket at naniningil.

Hindi ako naawa sa mamang kapiraso lang ang itsura, kahit pa naglalahad ito ng kanyang mga palad ay humihingi ng abuloy at kumakalabit sa mga nagtutulog-tulugang bangkay sa bawat madaanang siksikang upuan.

Ngumingiti siya tuwing may kinakalabit, ewan ko ba kung anong  nakakapag pangiti sa kanya o baka naman siya ang nakikiliti tuwing ipinangkakalabit niya ang hintuturo niyang kinukulapulan ng tatlong piyeng dumi at dalawang pulgadang putik sa singit ng mga kuko ng hintuturo niyang may isang piye ang haba.

Napapaigtad ang mga nagtutulog-tulugang bangkay na pawang naka pandisenteng pamburol sa tuwing siya’y mangangalabit sabay lahad ng palad, may kasamang usal ng kung anong pagmamakaawa. Habang ang mamang sepulturerong may tangan na tiket naman at abalang-abala sa may kung ilan pang buhay na bangkay na hinahakot tuwing titigil ang mabilis na kabaong sa bawat kanto ng sementeryo. Sigaw ito ng sigaw ng kung anong destinasyon para maakit ang mga nagkukumahog na buhay na bangkay na sumakay sa kabaong.

Malapit nang humarurot ang matuling parihabang kahon na ito sa South Super Highway kaya’t ang mamang sepulturero ay nagpasya nang umakyat sa kabaong at handa nang mag tiket.

 “ay, tang-ina mo nandito ka pa rin? Kanina pa kita pinababa a—bumaba ka nga dun!”

“putang ina mo din gago! Ang yabang mo a” mabilis na pakli ng mamang ismol.

patagilid kung makatingin ang mamang putol. Kung may mga biyas lamang ito mukha sigurong Robin Padilla ang porma nito sa kanyang astig na asta. Nakakuyom ang mga kamao nito, di ko alam kung dahil sa baryang kanyang hawak na napaglimusan sa lamay o sadya lamang handa niyang sapakin ang sepulturero kahit na di niya abot ito.

“e kung tadyakan kaya kita dyan, tapang mo a---bumaba ka na nga!”

“boy, ano yan?”

“eto pare kanina ko pa pinababa ito nasingitan pa rin ako,

tangina mo kapag hindi ka pa bumaba ihahagis kita sa tulay ng Magallanes”

Nanghahaba ang leeg ng mga “nagising” na nagtutulog-tulugang bangkay sa loob ng kabaong. Usyoso, usyoso na. Yung isang manang na nagmamantika ang mukha naaawa, bubulong bulong bakit daw ginaganun ni manong sepulturero yung umakyat na gusgusin at pulubing bangkay samantalang gusto lamang daw mag hanap-buhay nun, mas maigi naman daw yun kesa sa magnakaw.

“pare tama na yan”

awat naman ni kuya na mukha talagang bangkay sa kapayatan niya

“hoy, maawa naman kayo”

Sabi naman ni ate na may suot na napaka seksing mini-skirt na pamburol.

Habang si kuya Kamatayan naman ay inapakan ang selinyador na lalong nagpaharurot sa bulok na kabaong na ito na may mabahong aircon at nanlilimahid na kurtinang checkered. Ang pagbilis ng parihabang kahon na ito ang nagpataranta sa lalaking ga-bewang ko lang na kanina lamang ay daig pa sa kaastigan si Mark Anthony Fernandez at kinupaw ang porma ni Binoy sa Totoy Bato. Nakalimutan niya tuloy na kailangan pala ng paa kung magbabalak kang tumalon mula sa humahagibis na kabaong, pero sadyang makulit si manong sepulturero, nakaumang na ang pala at piko nito para iunday sa kanya at tuluyan na siyang ibaon sa konkretong libingan sa kanto ng Magallanes papasok ng South Super Highway.

Pasalamat na lang at may mga embalsamador pala na nakasuot ng kulay blue mula sa MMDA funeral homes ang nakatambay sa kanto kaya’t si kuya kamatayan ay nag menor bagay na sinamantala ng dalawa. Sinamantala ng lalaking ga-bewang ko lang ang pagkakataon at dali-daling tumalilis sa pa utay-utay niyang gaod ng kanyang mga kamay pantulong sa walang maihakbang--kasi wala ngang paa. Sinamantala din ito ni kuyang sepulturero na may tangan pa ring tiket upang batukan ang malinggit na lalaki habang bumababa. Ewan kung balak niyang magpatawa o gayahin ang mga palabas ng intsik na nagpapatawa sa TV.

Napasubasob ang putot, nabitawan ang mga baryang nakakuyom kanina sa mga kamao nito, sumabog, kumalansing kasabay ng pagtili ng seksing bangkay sa tabi ng pinto ng kabaong. Hanggang dun na lang yun, kasi naka baba na ang mamang putol. Wala nang reaksyon na sumunod maliban sa naiinis na ekpresyon sa mukha ng sepulturero dahilan sa napilitan siyang pagdamputin ng mga kumalat na barya. At nagpaliwanag siya sa litanya ng nagmamabilis na takbo ng kabaong papaliko ng South super Highway.

 

“dating holdaper at isnatser ang gagong iyon, alam nyo ba. Minsan may hinablot yan na selpon, tumakbo at tumawid ng EDSA Guadalupe, e nahagip ng humaharurot na taxi—ayan kaya putol ang dalawang paa. Ngayon gradweyt na sa pang iisnats namamalimos naman”

 

Hindi pa man tapos ang requiem sermon ni manong sepulturero, isang malakas na tunog sabay subasob ng mga pasahero ang naganap.

Bumangga ang sinasakyan naming kabaong sa isang sosyal at maliit na kulay puting nitso pagliko ng Highway.

Babaan na ang pasahero, nagmumura, naabala, naiinis kasi mainit nga naman ang araw sa kanto ng Magallanes papuntang South Super Highway maghuhunas ang mga pamburol na make-up nila at maaalikabukan ang pamburol nilang damit. Nagbababaan ang mga nagising na bangkay habang pumapailanlang pa rin ang mala asong halakhak ng isang hitad na bungangera ng love radio, ang opisyal na punebre ng mga kabaong ng EDSA.

Nalingunan ko ang mga naguusyosong bangkay sa paligid habang nag-iisip kung paanong makakasakay ulit ng kabaong. Maliit lang pero napansin ko pa rin si manong putol sa kulumpon ng mga usisero’t usisera. Waring nakangiti at parang nadidinig ko ang inuusal ng kanyang mala-mapang asar na pang uuyam.

“beee, buti nga…”

 

 

 

 

Rom

ayoko nang lumuwas ng Maynila, probinsyano na lang ako forever!


meanmissy's picture

as always...

nice story, ever creative as always....and one more thing, ako din, ayoko na sa maynila sana, kuntento ako na prom d province ako hehe

 

 

 

 

 

 

Business articles and financial views 

http://www.technoconvergingzone.com/

 

kislapalitaptap's picture

luwas...

...ka pa rin bok. malay mo mag miting ulit sa cubao. hahaha!

tagni!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Rom's picture

.

 

 hehe onga. propose ko sa next meeting sa bahay na lang ng mommy ni Teena sa Guadalupe Makati mas oks dun kasi magkakarinigan tayo maingay sa Cubao e

 

logo button 1

dyeppri's picture

Kuya Rom...

Maganda ang paglalarawan at buhay na buhay ngunit hindi ko lamang talaga maramdaman kung bakit tinatawag nitong istoryang ito na bangkay ang mga buhay at kabaong ang sasakyang bus. Hindi ko nakita ang wastong gamit nito maliban sa pag-alis ng kabagutan sa isang cliche na istorya. (cliche dahil araw-araw nang makikita ang mga ganitong istorya sa lansangang Kamaynilaan). Mas inaabangan ko na maaaksidente ang lahat ng pasahero (kaya kabaong na magdadala sa kanila sa hukay) at sasabihin ng mamang putol Beeeelattt nga sa inyo!Laughing 

Pahabol: nahirapan ding makuha ang emosyon ko ( marahil sa negatibong paglalarawan sa namamalimos( dating isnatser) at ma at pa na mga pasahero) hindi ko alam kung kanino ako makikisimpatya. Maarahil ang istorya ay isang paglalarawan lamang ng kasukalan ng bayan. Sulat lang!

                           http://dyeppri.wordpress.com/

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

Rom's picture

ang kabaong

kabaong kasi ang mga bus sa maynila mistulang humahagibis na kabaong feeling mo mamamatay ka kapag nakasakay ka. mga buhay na bangkay ang pasahero kasi nga kalahati ng kaligtasan mo nakasalalay lagi sa mamang kamatayan na minsan naka shabu pa para lang wag makatulog sa pagmamaneho.

medyo cliche na nga kasi kung itatrato ko ng karaniwang pagkukwento ng buhay sa loob ng bus ng as is. kaya medyo nagpaka creative kunwari at iniba ng konti ang isitilo ng paglalahad, matagal ko nang gustong ikwento ito kaso naiinis ako tuwing sisimulan ko at ordinaryong story telling lang ang gagawin ko--walang bago kumbaga.

 

salamat dyepp! 

 

 

logo button 1

Patrickman's picture

another hit!

ayos! ok ang paglalarawan ng mga bus sa kalsada ng maynila. kala ko e mamamatay lahat ng tao e, pero ok na rin yung ending, medyo light hearted pero may sipa pa rin. :D 

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com

Rom's picture

.

 

 salamat bro, hehe medyo nakakabagot ang cliche ng kwentong EDSA e sing boring ng mainit na maghapon

 

salamat sa pagbasa 

 

logo button 1

j luna's picture

Napaka-eksperimental nito...

At di angkop sa masa...

“putang ina mo din gago! Ang yabang mo a”, ayon sa isang karakter ng kwento.

Ano kaya ang sasabihin ni Rio Alma sa paggamit ng lingwaheng ganito.

I feel violeated as a reader...kung pwede sana e, gumamit ka ng genteel at discreet na lingwahe.

---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!

Rom's picture

baguhan ka lang ano?

 onga Dagrit, ops teka J, Luna, arg! teka asan nako? 

baguhan ka lang ba dito? sali ka sa book compilation namin sibol sa aspalto hehe magugustuhan mo dun mga scientist ang mga manunulat dun mahilig mag experimento.  mahilig din kaming mag fenteng promise!

 

 keep in touch

logo button 1

j luna's picture

Oo baguhan lang ako

at pinag-aaralan ko ang pagsusuri...Kaso nga lang tila hindi sapat ang kaalaman ko sa pagsusuri sa pamantayan ni Pam.

---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!

Rom's picture

.

 

 oy alam ko yan ha, malamang me gusto ka sa kanya ano? siguro 5'10 ang height mo at dati kang tindero, na ngayon ay tindera na polisci din ang kurso mo na mgayon ay pulis na tama?

mahilig ka sa gatas na alska kita sa avatar mo e. at ayaw na ayaw mo ang ekperimento tama? pero labs mo ang lawayway tama? 

 

logo button 1

anakngfaraon's picture

  Hi. Good story. Pero

 

Hi. Good story.

Pero nabasa mo na ba ito: http://www.filipinowriter.com/reminder-please-keep-posts-civil?

 

wa ha ha ha ha ha!

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

Rom's picture

.

 

 ay sorry di ko ata alam yan. haha!

di na nag ako mag eksperimento baka hindi ako mapasama sa sibol hehe 

 

logo button 1

j luna's picture

Akala

akala ko ba ayaw nniyong malimbag?

Bakit concerned ka sa sibol? Vanguards of self publication...

Baguhan lang ako.

Wag kayong maniwala kay Pam...

Di lang talaga ayon sa pamantayan niya ang paraan kong magsuri.

---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!

Rom's picture

talagang ayaw naming

talagang ayaw naming malimbag kaya nga madalas kaming naghihilod e ano ba?

nga pala may alam ka bang tip sa self publication? may kakilala ka ba na publisher? baka pwede mko irekomenda. oks kaya ang mga tula ko gaya ng kay pam?

balak ko rin mag post dito ng the best and the worst na akda ng mga taga FW alam mo na para mapansin at pasalamatan. oks ba yun? 

 

 

logo button 1

kislapalitaptap's picture

ah, sige...

...tuloy niyo lang ha. kanina pa ako tawa nang tawa.

pag nalimbag yung Sibol niyo, at maglulunsad  kayo ng book launching, ako na ang bahala sa HOT MONAY.

pero, wag kayong mag-isip na maanghang yun. basta ako na ang bahala. 

tuloy niyo lang! hahahaha!

 

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Rom's picture

 By the way, I am not

 By the way, I am not JER.

I am Alexander Dayrit Lopez, 28, a BA Pol Sci degree holder, and a native resident of Taguig, MM.

I have recently returned to the first job that I got after graduating from college: human resources management.

I am an unpublished amateur poet, essayist, and fictionist.

I hope this would end all the accusations that I am not who I am.

I thank you. Bow!

 

 

logo button 1